Laman ng balita ang kaguluhang nangyayari sa isang parte ng East Dedidream na ang paglalaban nina Killerace, Vile at Ara kina Ethan at isama narin si Eden. Naroon naman sa malapit sa paglalaban sina Hanziel at Francis na namamasyal sana subalit pinigilan sila ng mga M-Police na makapasok doon dahil baka madamay pa sila.
"Iho, iha, bawal munang papasukan ang lugar na ito"pigil ng mga M-Police sa kanila. "Alang-alang sa kaligtasan niyo ay kailangan namin kayong pigilan"
Hindi naman pinilit nina Francis at Hanziel na pumasok doon pero hindi pa doon nagtatapos ang kanilang pagplanong pagpasok doon sapagkat sinubukan nilang dumaan sa ibang daraanan para lang mapagmasdan nila kung sino ang kalaban ni Killerace.
"Francis, kinakabahan na ako, sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo"alala ni Hanziel.
"Ako na ang bahala sa iyo Hanziel"sabi ni Francis habang dumaan sila sa isang sirang gusali patungo sa kabila.
Hindi naman madali ang kanilang pagpasok dahil sa mga nakaharang na bagay sa daraanan nila. Nakasarado din ang mga gate at pintuan nang napapasukan nilang gusali pero dahil sa tiyaga sa pag-iisip ni Francis ay nakapunta sila sa lugar ng paglalaban ni Killerace sa pamamagitan ng pagdaan nila sa isang bintanang wasak ang salamin.
"Francis, natatakot na talaga ako, hindi pala ordinaryong mga magic user ang kalaban nila"alala ng todo ni Hanziel.
Matapos ang ilang minutong paglalakad nila ay nasaksihan narin nila sa wakas ang paglalaban nina Killerace, Vile at Ara sa mga dayuhang magic user. Nakita nila roon ang pagiging demonyo ni Vile subalit naging tao ulit ito matapos itong inatake si Eden.
"Nawala ang pagiging demonyo ni Vile? Paano?"tanong ni Francis habang siya'y nagtataka sa nangyari.
Sa patuloy na pagmamasid nina Francis at Hanziel sa labanan ay agad namang ipinakita ni Eden ang kapangyarihan nito bilang isang curse reader. Agad pinalabas nito ang itim na mahika na nang tumagal ay nakagawa ng anyong demonyo.
"Isang demonyo!?"pabiglang tanong ni Ara habang nasaksihan niya ang pagkagawa ni Eden ng isang demonyo.
"Akala ko ba na sumasapi lang sa katawan ng isang tao ang trabaho ng demonyo"sabi ni Vile na nagpapalayo sa demonyo.
"Marami ang klase ng kapangyarihan ang makukuha sa magic book"pahinang paliwanag ni Eden.
"At idagdag narin natin, kaya rin ni Eden na higupin ang dark magic kaya hindi na nakakapagtaka na biglang nawala ang pagiging demonyo mo"paliwanag ni Ethan na nagdagdag ng impormasyon kay Vile.
"Tsk! Kaya pala, pero kahit gaano pa kayo kalakas, papatumbahin ko parin kayo"pangiting bigkas ni Vile tapos ay mano-mano niyang inatake ang demonyo ni Eden.
Nagagawa namang matamaan ang demonyo sa bawat suntok at atakeng binibigay ni Vile. Naiilagan din niya ang mga atake nito na nang tumagal ay natututunan niya ang bawat pattern ng demonyo na pabalik-balik lang.
Hindi naman din nagsayang ng oras si Killerace na atakehin din si Ethan habang naging abala pa si Vile sa pakikipaglaban sa demonyo. Sa pagkakataon pang iyon ay lalo pang nilakasan ni Killerace ang pagbitaw niya ng mga kapangyarihan ni Ethan sa kung saa'y nahihirapan na itong pigilan ni Ethan.
"Mukhang napapagod ka na yata"paalala ni Killerace na kung saa'y humihingal din siya.
"Pareho lang naman tayong napapagod dito, Killerace"sagot ni Ethan habang mabilis niyang inatake si Killerace.
Nagsasabog-sabog sa lakas ng impak ang nasaksihan nina Francis at Hanziel sa paglalaban ng mga ito na tila ba parang isang paputok para sa bagong taon.
Samantala, habang naging abala pa ang demonyo at si Ethan sa pakikipaglaban kina Vile at Killerace ay nakatiyempo namang nakalapit si Ara kay Eden na patuloy lang na naka-upo at nagmamasid sa laban. Wala namang nangyaring masama sa kanya nang siya'y nakalapit at hindi rin naman ito naging agresibo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II