Chapter 85: The New Leader of Traumerei Thirteen

52 7 2
                                    

[Nakatuon kay Paulo ang kabanatang ito]

Naka-upo si Paulo sa isang upuan habang binabalatan niya ang isang mansanas. Ngumingiti naman siyang nakatitig sa isang kama na kung saa'y mayroong babaeng humihiga. Malamig ang buong kwarto tapos ay maputi din at sobrang linis din na masasabing araw-araw talagang inaalagaan.

Nakasuot siya nang pang-uniporme ng Academy nang siya'y nanatili doon. Nang matapos niya ang ginagawa niya ay agad siyang tumayo tapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa kama.

"Tutuloy na po ako"pangiting sabi ni Paulo sabay halik sa noo ng ate niya na nakahiga sa kama.

------------------------

Samantala, simula nang mawala na si Hayao ay naging maingay na ang mga miyembro ng mga Traumerei Thirteen tapos ay nagagawa na din nila ang mga bagay na binabawal sa kanila tulad ng pag-iingay, paglalaro at pagliligaw sa mga babaeng miyembro nila. Naging bukas narin ang guild nila sa pagkuha ng mga bagong miyembro.

Bagamat nagagawa nilang magpalakas at magparami ngayon ay hindi parin nila maiitanggi na wala parin silang bagong lider. Mahirap kasing kontrolin ang isang guild lalo na't kilala at malakas pa. Sa tinatayuan ngayon ng Traumerei Thirteen ay walang maglakas loob sa kanila na magbuluntaryo na pangunahan ang guild dahil sa napre-pressure sila sapagkat ang Traumerei Thirteen kasi ang pangalawa sa pinakamalakas na guild sa Academy.

Nagtipon-tipon ang lahat ng miyembro ng Traumerei Thirteen para pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. Maraming mga malalakas na miyembro ang guild at sa katunayan pa nga'y nasa kanila ang halos kalahating miyembro na mula sa Top 50 subalit kung gaano man sila kalakas kumpara sa ibang mga miyembro nila ay itinatanggi parin nila ang pagiging lider ng guild.

"Hindi ko maiitanggi na isa akong high ranker sa Academy pero wala akong abilidad na pamunuan ang ating guild"sagot ng malalakas na miyembro ng Traumerei Thirteen.

"Hindi batayan ang high ranking sa pamumuno sa isang guild, ang pagiging lider ay ibang usapan din, kinakailangan din ang bagay na iyan ng kasanayan at abilidad"sagot ng mga high ranker na miyembro ng guild.

Tatlong-oras na silang nag-uusap doon subalit hindi parin sila makapaghirang ng bagong lider. Wala kasing maglakas loob na maging lider sapagkat bubuhatin kasi nila sa kanilang balikat ang lahat ng miyembro. Wala namang naging komento si Paulo sa mga pag-uusap ng mga kasamahan niya bagkus ay nakatunganga lang siya doon na parang hindi kasali sa guild.

"Ang bagong lider ng Traumerei Thirteen... mukhang mahirap tugunan ang bagay na iyan"pahinang sabi ni Paulo sa sarili niya.

Samantala, natapos nalang ang pagtitipon ay patuloy paring nakatulala si Paulo doon sa upuan niya at iniisip ang mga bagay na nangyari tulad ng misteryusong pagkamatay ni Hayao, ang pagconfess niya kay Esther at marami pang iba. Nakalimutan niya panandalian ang huling sinabi ni Esther sa kanya kung kaya't nagulat siya nang biglang bumisita si Esther sa guild nila.

Nakatitig naman ang lahat ng mga kasamahan niya sa kanya nang marinig nilang tinawag ni Esther ang pangalan niya.

"Paulo, sino ba yan?"tanong ng mga kasamahan niya na nakatitig kay Esther.

"Paulo, close na ulit kayo ni Esther?"tanong ni Loki, ang kaliwang kamay noon ni Hayao.

"Ganyan talaga pag-guwapo Loki, malapitin ka talaga ng mga babae"pabiro ni Paulo kay Loki.

"Nahiya naman ako sa iyo Paulo, kung makapagsalita ka ay parang campus crush ka talaga, mukhang mabibilang ko lang yata sa daliri ko kung ilang babae lang kilala mo"sabi ni Loki na parang pinatatamaan niya si Paulo.

"Nagbibiro lang naman ako Loki, sineryuso mo naman ang sinabi ko"sagot ni Paulo na parang nasaktan siya sa biro ni Loki.

Dali-dali namang umalis si Paulo dahil sa lumilipas ang minuto ay patuloy namang lumalakas ang pagsigaw ni Esther, nahihiya kasi siya sa mga kasamahan niya sapagkat bihira lang kasing mangyari iyon sa kanya.

Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon