Samantala, naglakad naman ang lalaki na dinakip kanina nina Freya at Helberg matapos itong tumakbo sa kalagitnaan nang pag-aanalisa nila sa mga bangkay. Hindi naman ito kinulong ng mga M-Police sapagkat wala kasi itong mga pruweba na iyon ang pumatay sa tatlong lalaki.
Sa paglalakad ng lalaki ay nakarating siya sa isang tagong bahay na pinagtataguan ng ibang kasamahan niya at ang kanilang lider na si Igallta.
"Mabuti't nakalaya ka agad"sabi ni Igallta sa kasamahan niyang sinadyang nagpadakip.
"Wala kasi silang pruwebang maipakita na ako yong pumatay kaya pinalaya nila ako matapos ang ilang oras"paliwanag ng lalaki.
"Hangga't walang nakakaalam at nakakakita sa inyo Igallta ay hindi po kayo mahuhuli"sabi ng mga kasamahan nito.
"May nakakakita na sa akin.."sabi ni Igallta na ikinabigla ng mga kasamahan niya.
"Pero wala pong alam ang taong iyon na kayo po ang utak ng pagpatay"sabi nila kay Igallta.
"Sa tingin ko ay pinaghihinalaan na ako ng batang iyon..."sabi ni Igallta habang napaisip siya ng malalim.
"Kung iyan po ang pinag-aalala niyo, papatumbahin po natin siya, isa lang palang bata ang ang pinoproblema ninyo"payabang na sabi nila.
"Iyan ang ipapagawa ko sa inyo, dapat mapatumba niyo ang batang iyon, idagdag niyo na rin ang mga kasamahan niya, tandaan niyo lang ang batang iyon ay may kasamang isang babaeng nakasakay sa isang wheelchair"utos ni Igallta na si Paulo at ang kasamahan nito ang tinutukoy niya.
"Huwag po kayong mag-aalala Igallta, sa lalong madaling panahon, mawawala rin siya dito"sabi ng mga kasamahan ni Igallta.
-----------------------
Samantala, makaraan ang limang minuto simula nang mangyari ang mahalagang pag-uusap nina Daven at Hime malapit sa parke ay nagdesisyon naman silang umuwi sapagkat iyon kasi ang ipinangako ni Hime.
Sa kanilang tahimik na pag-alis ay bigla namang nagpakita si Lumina na kanina pa nagmamasid sa kanila. Naiinis ito at naiiritang nakatitig kay Hime na parang may nagawa itong masama sa kanya.
"Nandito pala kayo, pauwi na kami"sabi ni Daven habang nakita niya sina Lumina at kakalabas na si Esther.
Hindi naman pinansin ni Lumina si Daven dahil nakatuon lang ito kay Hime.
"Ikaw!"turo ni Lumina na parang may atraso ito kay Hime.
"Ako? May problema ba Lumina?"tanong ni Hime habang siya'y nalilito dahil wala naman siyang ginawang masama kay Lumina.
"Bakit? Bakit hindi mo sinabi kay Daven ang totoong sasabihin mo!?"tanong ni Lumina habang mabilis siyang lumalapit kay Hime.
"Huh!? Ano ang ibig mong sabihin?"tanong ni Hime. "Huwag mong sasabihing nakikinig ka sa aming pag-uusap kanina?"pagulat na sabi ni Hime.
"Oo kanina pa ako nakikinig sa inyo, kahit hindi ko alam ang nais mong sabihin ay nararamdaman ko naman iyon"reklamo ni Hime na patuloy namang ikinabigla ni Hime.
Tulala namang nagmamasid at nakikinig sina Daven at Esther.
"Mukhang ayaw ko na yatang makita ang sunod na mangyayari"pahinang bigkas ni Esther.
"Away babae naman iyan diba, kaya hindi na ako pwedeng sumawsaw pa"bigkas ni Daven habang dahan-dahan na siyang umaalis.
Paalis na sana si Daven nang bigla siyang tinuro ni Lumina.
"Isa ka rin, alam kong nagbingi-bingihan at nagbulaglagan ka lang diyan Daven!"paalala ni Lumina.
"Lumina, pakiusap naman oh, nananahimik na nga lang yong tao tapos dadamayin mo pa"sabi ni Daven.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
ActionThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II