Parehong may sugat sina Igallta at Rarian na sobrang lubha, halos naliligo na sila sa sarili nilang mga dugo na unti-unting nagyeyelo sa gitna ng niyebe. Tanging silang dalawa lang ang nasa larangan na nilalabanan nila, walang mga taong nananatili at madilim din ang paligid. Parehong ice user ang dalawa na sa sitwasyon nila ay hindi sila gaanong naaapektuhan sa lamig, pwera nalang sa kanilang mga bisyon na unti-unting lumalabo na lalong nagpapahirap sa kanila na makakita.
Nakahanda sa kamay ni Igallta ang matalis na yelo na nagsisilbing sandata niya. Unti-unti na ding nanghihina ang katawan niya hindi dahil sa mga mahika o mga atake na binibitawan niya kundi dahil sa patuloy na pagkaubos ng kanyang dugo na patuloy na umaagos mula sa kanyang dibdib na natusok sa matatalis na kuko ni Rarian. Sa buong buhay niyang naninirahan sa mundo ay ngayon lang siya naaapektuhan ng labis-labis.
"Kapag hindi ko mapipigilan ang mga atake ng babaeng iyan, tiyak na paglalamayan ako ng mga kasamahan ko"bulong ni Igallta na hinigpitan ang paghawak sa matulis na yelo dahil sa galit.
Sa tahimik at madilim na paligid na tanging niyebe lang ang bumabagsak ay pabiglaang nakita ni Igallta ang mabilis na pag-atake ni Rarian sa kanya. Magagawa man niyang harapin ang pag-atake nito subalit mas minabuti na niyang umilag dahil baka mapapahamak pa siya kapag nagtuloy-tuloy ang mga atake nito. Mabilis ang pagka-atras niya na sinabayan pa niya ng pagdulas ng kanyang paa, kung aasa lang kasi siya sa pagtakbo niya ay hindi niya makakayanang umilag. Ngunit iilang mga matatalis na yelo ang biglang tumungo sa kanya na mabilis na binitawan ni Rarian.
Mabilis niyang binitawan ang sandata niya tapos ay mabilis niyang itinapat ang kamay niya sa direksyon ng mga matutulis na yelo para gumawa ng blokeng harang na pipigil sa mga ito. Nagawa nga niyang maprotektahan ang sarili dahil sa mabilis na pagharang subalit laking gulat niya nang makita niya ang biglaang paglapit ni Rarian na lumipad sa ibabaw ng blokeng yelo.
"Naloko na! Mukhang hinintay niya akong magsayang ng segundo"bigkas ni Igallta na mabilis itinapat ulit ang kamay sa direksyon ni Rarian.
Napasigaw ng malakas si Igallta kasabay ng paglabas ng matatalis na yelo sa kamay niya na siyang tumama sa tiyan, dibdib at sa leeg ni Rarian. Ngunit dahil sa bukas ang depensa niya ay tumama sa mata niya ang isang kuko ni Rarian na nagdahilan ng pagkabulag niya. Masuwerte namang naibaba niya ang katawan niya na nang tumagal ay humiga siya ng tuluyan kaya hindi gaanong lumalim ang pagkatusok ng kuko na kung hindi man nangyari ay siguradong de-deritso ito sa utak niya na ikakadahilan pa ng pagkamatay niya.
May natitira pa siyang andrenaline na kung saa'y mabilis siyang nakalayo kay Rarian nang hindi niya nalalaman. Nang mawala na ito ay agad siyang napahawak sa kaliwang mata niya para mapigilan nito ang pag-agos ng malakas, napa-iyak na din ang kanang mata niya dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya na mas dumoble pa kumpara sa pagtusok malapit sa kanyang dibdib.
Sa patuloy niyang pag-iinda ng sugat sa mata at sa dibdib niya ay ngayon pa siya nakapagdesisyon na umatras. Nagsisisi na siya kung bakit pinagpatuloy pa niya ang laban kahit pwede naman siyang tumakas kanina pa. Napapansin na din niya ang maraming mga ilaw na alam niyang mula iyon sa mga tao na lumalapit sa kanila. Habang lalong bumabagal ang pagbagsak ng niyebe ay unti-unti naman niyang naririnig ang mga pag-uusap ng mga tao.
"May mga tao ba diyan? Nakulong ba kayo sa gitna ng niyebe?"tanong mga tao na hindi sigurado kung may tao ba sa direksyong pinupuntahan nila.
Ibinuhos naman ni Igallta ang natitirang lakas para lalo pang palakasin ang niyebe para lalo pang padilimin at palamigin ang buong siyudad. Sinundan na rin niya ng pagtakas nang mapansin niya na hindi na siya nakikita ni Rarian. Kahit duguan na siya ay patuloy parin siya pagtakbo para makalayo lang kay Rarian. Nang tuluyan na siyang nakalayo ay agad niyang inihinto ang pagniyebe sa siyudad na inatake niya para may magagamit pa siyang enerhiya sa pagtakas.
BINABASA MO ANG
Slate Book ii: Academy of Magic Part II (Completed)
AcciónThe continuation of Slate Book II: Academy of Magic. The Part 2 of Slate Book II