Last Chapter To be Exact : D
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~ Chapter Fifty Five ~
~~ Joliza Side ~~
Naka'Alis na sila bestfriend. Buti pa siya matatanggap na ng magulang ni Jeremy. Hindi naman sa naiinggit ako noh. Natutuwa lang ako para sa kanya dahil bago sila magpakasal ni Jeremy, Ayos na ang lahat.
Ako? Ewan ko kung kelan maaayos ang Buhay ko. Haaay. Wala na atang kaayusan ito.
" Nang. " Tawag sa akin ni Xavier. Mommy kasi tawag niya kay Stephany.
" Yes, baby? " Tanong ko.
" Where's Jorick? " Huh? Agad naman akong lumapit sa Crib ni Jorick. Wala nga ito duon. Kanina iniwan ko lang saglit dahil naglalaro naman ito.
" Asan si jorick?! Anak ko! " nagumpisa na ngang Kumalat ang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko kayang mawala sa akin ang anak ko.
May nakita akong Papel sa ibabaw ng Unan ni Jorick. My nakasulat na
" Meet me at Park. Now "
Agad-agad naman akong tumakbo palabas. Hindi ko ininda kung naka'Nightie lang ako. at Wala din akong suot na Panloob sa itaas. Naka'Robe lang kasi ako kanina nang tingnan ko si Stephany. Hindi ko rin naman inaakala na mawawala ang anak ko.
Alam kong nakakahiya yung suot ko, Pero wala akong magagawa. Kailangan kong makuha ang anak ko.
Nang makarating ako sa Park. Nakita ko ang isang lalaki na nakasuot ng black jacket at black cap habang hawak ang anak ko.
" Ibalik mo sa akin ang Anak ko. Please " Hindi pa rin ito lumilingon sa akin. Unti-unti akong lumalapit sakanya.
" Hindi ko kakayaning pati ang anak ko mawala sa akin. Akin na siya Please. Nagmamaka-awa ako sayo " Hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Kung kidnapper siya. Wag naman sana niyang gawin iyon.
Hindi niya alam ang pakiramdam ng isang Ina.
" Akin na siya please. " Tapos hinawakan ko siya sa Balikat. Walang tao dito sa park kaya kaming dalawa lang ng mama na to ang nandito.
Paglingon niya na bigla ako.
" Walang hiya ka! " Sinampal ko siya. Nakakainis!
" Aray ko! Bakit moko sinampal? " Sigaw niya sa akin.
" Bwisit ka! akin na ang anak ko! Pina-iyak mo pa akong sira-ulo ka! " Tumawa naman ito.
" Correction. Anak NATIN " Bwisit na lalaking ito! Palibahasa kasi Hindi niya alam ang pakiramdam ko! Pinakaba niya ako ng todo!
Naglakad na lang ulit ako at iniwan siya.
" Bakit ganyan suot mo? " So nagawa niya pang itanong bakit ganto suot ko?
" Sa tingin mo ba magagawa ko pang magbihis, kung nawawala na ang anak ko? " Bwisit talaga siya! Di bale ng mawala siya wag lang ang anak ko.
" Niloloko lang naman kita "
" Pwes, Hindi ito magandang Biro! " Naglakad na lang ulit ako pabalik. Naiinis ako sa kanya!
Naramdaman ko na lang ng may biglang may nagpatong ng jacket sa mga balikat ko.
" Sorry na. Namimiss lang kasi kita. At isa pa. Diba sabi ko sayo ako lang dapat makaka-kita niyan? Tingnan mo. Bakat oh! Takpan mo! " Tingnan mo tong lalaking to. Kasalanan naman niya lahat kung bakit ganito suot ko! Bwisit siya.
BINABASA MO ANG
Suddenly Appeared ( Best friends Story ) COMPLETED!
Novela Juvenil1 Paano kung yung Taong minahal mo, yung alala mo kaya kang panindigan at kaya kang tanggapin ay iniwan ka kasi natakot siya? pano kana niyan? Pano na kayo? maibabalik pa ba ang dati? tatanggapin mo pa kaya siyang makapasok sa buhay mong masaya na...