Wieeee. Hahaha! Magu'UD ako kasi. Wala lang. Wala ako magawa ee :)
Chater Twenty One Here ....
Click niyo ulit yung Song >> Para Feel The Atmosphere
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter Twenty One
Magbabayad na sana ako sa counter ng mga binili kong marshmallow ng
makita ko si ..
Jeremy
Ngumiti siya sa akin at lumapit. siya ang Unang lalaking Dumamay saakin.
" Hey .. " Bati niya.
" Uy. Salamat nga pala " nahihiya kong sabi sa kanya.
" Kamusta kayo ng mga magulang mo ? " naglakad ako at sumunod naman siya.. nagtungo ako sa milk stuffs para mamaya makapag'save na ako ng pera pambili.
" Ah. Eh.. hindi nila natanggap kaya pina'alis ako ng papa ko " na'alala ko nanaman yung mga nangyari kagabi. Hindi na ako iiyak !!
Hindi na .. Para sa Baby ko din to. Kaya hindi na ..
" Sorry for that " lumungkot siya.
" Ah. Ayos lang yun. Siguro Umpisa na Para Maging dependent ako kasi magkaka'anak na ako... kailangan ko na din magtipid .. Haha " Umpisa na to ng laban sa ko sa buhay.
" Oh. ano yan ? Marshmallows ? " Puna niya sa binili ko.
" Ah. OO.. Hehe. Alam mo na napaglili-hihan ko. " tapos tumawa ako. may napili na akong gatas para mamaya bibilin ko pagkatapos ng klase ko.
Sinamahan niya na akong magbayad sa counter .. hinatid niya nadin ako sa klase ko. pagpasok ko. unang natanaw ng mata ko si Stephen at ang worse pa jan ung katabing sit na lang niya ang vacant kaya no choice ako kung hindi umupo dun. ayaw ko man pero wala ako magagawa.
kailangan ko mag-aral. Pero may kirot pa din sa puso ko. hindi naman mawawala yun diba ? nasaktan ka eh ..
Mahirap palayain ang isang taong mahal mo pero minsan kelangan gawin. Hindi dahil AYAW MO NA kundi dahil mas masakit ang mag-hintay at umasa sa taong hindi ka kayang mahalin ..
namumuo nanaman luha ko pero ayokong makita niya akong umiiyak nanaman. Tama na. ang sakit.
" Steph " Narinig kong tawag niya sa akin.. lumingon ako . nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.
" S-sorry " Tapos lumungkot aura niya.
" tama na .. " kasi naluluha nanaman ako.
Nahihirapan lang ako. umaasa pa din kasi akong babalik ang dating kami. umaasa akong tanggap niya na .. ayoko ng UMASA ! sa bawat asa na yan. nasasaktan ako..
pumasok na ang prof. namin at sa buong magdamag wala akong ginawa kung hindi matulog. nasa dulo kasi ako. malapit sa pintuan kaya hindi gaanong pansinin. gusto ko lang matulog ng matulog. nang biglang sumama ang tyan ko. Ayan nanaman po ako.
*sadbkfbsfbdbdmnfb* napahawak ako sa bibig ko. ayan na lalabas na yung su'ka ! Kailangan ko ng tumakbo pano ?
" Steph ayos ka lang ? " Tanong saakin ni stephen habang nakahawak sa desk ng chair ko.
Agad akong tumakbo at lumabas. buti na lang nakatalikod ung teacher ko kaya tumakbo ako palabas .. hindi ko na kinayang tumakbo pa papuntang CR dahil ang pangit ng lasa kaya sa basurahan kona lang isinuka. Eto ang pinaka'ayaw ko sa lahat !! Suka ng Suka.
hanggang sa may naramdaman akong may humahagod sa likod ko. pagkatingin ko si Stephen.. bakit pa niya pinapakitang nag'aalala siya kung hindi naman talaga diba ?
" Pwede bang itigil mona yan ? Baka umasa nanaman ako .. masaktan nanaman ako. ayoko na. masakit kasi dito " Sabay turo ko sa puso ko .. " Masakit mabalewala alam mo yun ? " Tapos umalis ako pumunta ako sa CR . Bumuhos nanaman luha ko sa harapan niya.
diba sabi ko hindi na ako iiyak ? Bakit ba umiiyak nanaman ako ? Hindi naba mauubos yung mga luhang yan ?
inayos ko sarili ko at pasilip akong tumingin sa room ko. at sakto namang nagsusulat sa board yung prof. ko. kaya pumasok kagad ako. ngayon naman nagugutom ako TT________TT
may baon nga pala akong marshmallow. yun na nga lang mapapak. pansin ko din wala na si stephen sa tabi ko. Asan na yun ?? Hinanap ko ng dalawang mata ko pero wala.
bakit ba ina'alala kopa siya ? dapat kona siyang kalimutan.
gagawa ako ng sarili kong goal.
1. maging matapang
2. maging matatag
at higit sa lahat ...
ang kalimutan si
STEPHEN MANLAPAZ
~~~~~~ to be continued >:))
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lagi na lang lame no ? May Writer's Block ata ako eh ??! Nata'tanga ako habang nagsusulat nito. Ewan koba kung bakit ?! Anyways. isa o dalawang chapter na lang REALITY na !
Salamat pa din sa inyo mga Readers :)
BINABASA MO ANG
Suddenly Appeared ( Best friends Story ) COMPLETED!
Teen Fiction1 Paano kung yung Taong minahal mo, yung alala mo kaya kang panindigan at kaya kang tanggapin ay iniwan ka kasi natakot siya? pano kana niyan? Pano na kayo? maibabalik pa ba ang dati? tatanggapin mo pa kaya siyang makapasok sa buhay mong masaya na...