[Chapter One] - The Past

2.9K 18 4
                                    

Chapter One

" Mame, Mame, Mame " tawag sakin ng anak ko habang hinihila ang laylayin ng damit ko. " Yes Xavier? " Minulat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya.

" Milk.. Milk.. Milk... " bumangon ako at ginawa siya ng milk niya. Binuhat ko na rin siya at nagtungo sa kusina. Nakita ko ang mama ko na naghahain ng umagahan.

Hindi pa nga paka ako nagpapakilala.

Ako nga pala si Stephany Torres. 21 years old. Oo maaga akong nagka-anak. 18 years old ako nang mabuntis ako. Hindi ko naman ito pinagsisisihan dahil mahal ko ang ama ng anak kong si Stephen Xavier.

Sa mata ng karamihan, Isang malaking pagkakamali ang maagang pagbubuntis, kasi Hindi mo daw matutupad mga pangarap no. Oo, nung una hindi ako tinanggap ng mga magulang ko dahil binigo ko sila at napaka hirap sa akin iyon, Pansamantala akong tumira sa bahay ng matalik kong kaibigan na si joliza, pinakita ko talaga sa mga magulang ko na kaya ko dahil kailangan, Ayokong makita nilang mahina ako, Ginusto ko naman to kaya panindigan.

Kung ang akala ng ama ng anak ko na isa itong pagkakamali at kailangan tanggihan, puwes sa akin Hindi! Kasi minahal ko siya.

" Good Morning Ma " bati ko sa mama ko. " Good Morning Anak! kumain kana, Maaga pasok mo ngayon diba? " ibinaba ko si Xavier sa tabi ko at agad naman tong lumapit sa mama ko.

" Lola.. lo..la " Mahirap lang kami kaya pinilit kong makapagtapos ng pag-aaral. Ngayon ay isa na akong Accountant. Ako na ang naging breadwinner simula ng pumanaw ang papa ko last year. Laking pasasalamat ko dahil tinanggap nila ako ulit ng buong buo kahit may kamalian man akong nagawa. " Oh, Xavier. Pabuhat nga sa Apo ko. Naku! Ang bigat bigat mo na pala apo ko "

Dinala ng mama si Xavier sa Sala. Natatanaw ko pa rin naman dito ang anak na naglalaro ng sasakyang kotse habang pinagbubunggo niya ito at nag " bru-brum-Brum. "

Naalala ko nanaman ang mga panahong kasama ko pa ang ama ni xavier.

-----

Third year college pa lang ako nang makilala ko siya pero hindi niya ako kilala.17 palang ako nun nagkataon na pareho kami ng Course at classmate ko siya sa ibang subjects.

Mahal ko na kaya siya nung unang beses ko pa lang siyang nakita kaso may Girlfriend na siya, Si Bea. Kaya wala alam kong wala ng pagasa. Palihim kona lang siyang minamahal.

Alam ko naman na Hanggang tingin na lang ako sa kanya. Maraming nanliligaw sa akin kaso puro sila busted, para kasing hindi ko kayang magmahal kasi isa lang ang mahal ko si Stephen Manlapaz. Yung tipong ngumiti lang siya sa akin pag nagkakasalubong kami, Buo na agad ang Araw ko.

Para sa akin, Siya Ang Ideal Man ko.

" Hoy girl! Tulala ka nanaman! " puna sakin ng bestfriend kong si Joliza San jose. 17 years old lang din. Kababata ko, kapitbahay ko sila dati, kasama sa kalokohan, Lahat na! Magkapatid na nga ang turingan namin niyan eh. Wala na siyang mga magulang, ang naga-alaga na lang sa kanya ay yung kuya Gio niya. "Wala kana dun! Wala ka na bang klase?" sa ibang subject kasi kaklase ko rin siya kahit magkaiba kami ng kursong kinukuha.

"Wala na. Mamaya pa ulit mga 4:00 ng hapon klase ko. Ikaw ba?"

"Mamaya pa ring 3:45" Umupo siya sa tabi ko at nagkwento ng nagkwento. Siya lang din naman nakakasama ko kapag vacant ko. Wala talaga akong makasundo sa mga naging kaklase ko.

......

Hanggang sa lumipas ang mga Buwan, Nangalahati na ang taon at nabalitaan naming break na pala ang ideal man ko at Si Bea.

Sino pa ba ang magbabalita sakin nyan dba? Ang magaling ko lang naman na kaibigan. Inaaya pa akkng Mag-Saya daw kami at magkakaroon na daw ako ng pagasa. Tumanggi naman ako dahil may klase pa ako mamaya at bigla niyang naalala na may lakad sila ng kuya Gio niya. No choice ako kaya Tumambay muna ako sa likod ng university namin. Pinagbabawal pumasok mga studyante dito. Wala namang guard kaya dumito muna ako.

Umupo muna ako sa damuhan. Ang ganda ng kalikasan kahit parang bakanteng lote lang itong tinatanaw ko. " Argh! Argh! Argh! " Napitlag ako ng may marinig akong sumusuntok ng wall. Out of curiosity, pumunta ako dun.

" Argh! argh! argh! Bakit? Bakit! Bakit Siya? Argh! argh! " May isang lalaking pilit na dinudurog ang kamay niya sa pagsuntok ng wall. May problema siguro siya. Aalis na sana ako kaso Parang kilala ko siya ..

Bakit niya sinasaktan sarili niya?

~~~~~~ to be continued :)

Suddenly Appeared ( Best friends Story ) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon