Chapter Four
StephaNy Side
Bigla kong binuksan ang punto sa kaba kung sino yung umiiyak. Baka may nangyari ng masama kay joliza.
Nakita ko si Joliza umiiyak. Bakit ba kasi nagiba boses niya na pati iyak niya diko nakilala? Akala ko tuloy kung ano na nangyari, ginagamot lang pala yung sugat niya may paiyak iyak pang nalalaman.
" You must rest " payo ng Doctor kay Jokiza. Humiga na siya at natulog.
Lumapit ako kay kuya Gio at Umupo sa tabi niya
" Ano po ba nangyari? " tanong ko
" Tinatanong ko kasi siya kung ano gusto niyang ulam kasi naliligo siya nun tapos biglang may kumalabog, nung tanungin ko kung ayos lang ba siya dun sa loob, hindi rin sumagot kaya binuksan ko na yung pinto nakita ko siyang nakahiga sa sahig. Hindi ko alam cause nung pagkawalan niya ng malay tapos may sugat siya sa kanang braso. "
" Nung nagising po ba siya natanong niyo kung ano nangyare? "
" Tinanong ko siya sabi niya nadulas daw siya tapos tumama yung ulo niya sa timba kaya nahilo siya. "
" Buti naman po at ganun lang nangyari sa kanya. Ako na po muna magbabantay kay joliza kumain na po muna kayo kung gusto niyo. "
" Salamat, papasok na din muna ako sa trabaho para may pangbayad dito sa ospital siguro 5 araw ako mawawala. Papadala kona lang sa kanya yung perang maiipon ko para may magamit siya, sa laguna kasi ako naka-assign kulang daw ng 5 tao sa construction kasama ako dun sa malilipat kaya kung maari sana ikaw muna bahala kay joliza "
" Oo naman po! Ako na po bahala "
**
Lumabas muna ako ng kwarto, Nauuhaw kasi ako. Wala naman mineral water sa room ni joliza. Yun pala yung nakalimutan kong bilin kanina.
Naglakad lakad muna ako dito sa ospital. May parang fountain pala dito, diko yata to napansin kanina?
naglalakad lakad ako ng mapansin ko si stephen papunta sa kabilang direction.
Lagi na lang kami nagkikita, I mean..
Lagi ko na lang siyang nakikita.
Di kaya namumukaan niya ako? Hays. Nakakahiya kasi kung ano-ano pinagsasabi ko sakanya nun.
May matandang hirap na hirap sa pagpapagulong ng wheel chair niya, Lumapit ako sabay tulak para hindi ako mapansin . Nagulat pa yung matanda sa pagtulak ko .
" Ah..Eh..Hija "
" Lolo, San ho ba kayo pupunta? Ako na po magtutulak sa inyo "
" Napakabait mo naman Hija, dun lang ako sa may malapit sa fountain "
Ahy! Lolo wrong timing ka naman eh! Bakit sa fountain pa? Eh nandun si stephen!
Isip .. Isip .. Isip
" Hay nakooo! lolo, panget yung fountain na yan! Dun tayo sa garden, mas maganda dun. maraming butterflies. "
" Ah. Eh Hija. Ano kasi gusto ko makita yung fountain. "
" Eh lolo. Wag na dun! Sa garden na lang tayo, May pinagtataguan ako eh. Sa Garden na lang po, dadalin kona lang ho kayo dun mamaya. "
" Sige na nga. kayo talagang mga kabataan. siguro siya ang iyong iniirog no?. "
Hindi na lang ako kumibo baka mapaamin pa ako ng di oras.
" Hija, Maraming salamat sa pagtulak. Siguro mamaya ko na lang titingnan yung fountain "
" Pasensya na po kayo lolo. Naabala ko pa ho kayo" sabay yuko ko.
" Nakoo! Ayos lang yun, iniirog mo siya hindi ba? " Ang lalim naman magtagalog ni Lolo.
" Eh! Crush lang po yun " depensa ko.
" Ganun din yun apo, nga pala ako si lolo Ben. "
" Ako nga po pala si Stephany, Ano po ba gingawa niyo dito? "
" Ah! nagpaopera kasi ako. Ulcer daw. Ikaw hija? ano ginagawa mo dito? "
" Yung kaibigan ko pa kasi nandito. Ako po nagbabantay sa kanya " umayos ito ng upo sa wheel chair niya.
" Lolo baka sumama pakiramdam niyo nyan. Pasensya na po talaga. "
" Hindi, Ayos lang naman ako. Tyaka nung isang araw pa ako inoperahan "
" Hija, Mabalik sa usapan. Iniirog mo yung gwapong binata no? " Si lolo naman. Iniba kona nga ng topic. Binalik pa.
" Crush lang po yun. Nagbreak po kasi sila nung Girlfriend niya eh hindi ko naman po sinasadyang makita siya nun sa bakanteng lote. eh pinagsabihan ko ho kasi Baka po kasi namukhaan niya ako, nakakahiya "
Tumango tango lang ito. Nagkwentuhan lang kaming dalawa ni lolo ben, kinukwento niya sakin yung asawa niya. Mga anak niya. Ang bilis makapalagayan ng loob itong 'matandang to'.
" Alam mo hija, Apo ko siya "
" Po? "
~~~~~~ to be continued :)
_________________
Wai . Wai . Wai. Delayla ! Wahahahah :D
Chapter Four : Done !!
BINABASA MO ANG
Suddenly Appeared ( Best friends Story ) COMPLETED!
Novela Juvenil1 Paano kung yung Taong minahal mo, yung alala mo kaya kang panindigan at kaya kang tanggapin ay iniwan ka kasi natakot siya? pano kana niyan? Pano na kayo? maibabalik pa ba ang dati? tatanggapin mo pa kaya siyang makapasok sa buhay mong masaya na...