[Chapter Thirty Five] - Paalam

1.3K 9 3
                                    

Hellye! Eto na muna ang UD :)) Next Week na po ako ulit magu'UD! Exam na namin eh. kaya sa Studies muna ako. 

~~~~~~~~~~~~~

Chapter Thirty Five

~~ Joliza Side ~~

 Nandito ako sa condo ngayon. para kunin na lahat ng gamit ko.

eto naman ang gusto niya diba? ang mawala ako sa Buhay niya.

Dahil Mahal ko siya at kahit Masakit kakayanin ko. aalis ako sa buhay niya

handa akong isakripisyo ang kasiyahan ko alang-alang sa kasiyahan niya.

Hindi lang naman ang pagtitig at pagmamahal sa kanya ang kaligayahan ko. 

Balang araw dadating din ang magbibigay saya at magmamahal sa akin ng totoo. 

ang Anak ko. 

Kinuha ko na ang maleta ko sa ilalim ng kama at isa-isang niligay doon ang aking mga damit.

bawat parte ng bahay na ito. alam ang hinanakit at pinagdaanan ko. 

ang bahay na ito ang may alam kung gaano ko minahal si Patrick.

Mga ilang oras din siguro akong nagliligpit at nakaramdam na ako ng pagod. 

masama nga pala sa akin ang umiyak at magpagod. 

nahihilo na ako. hanggang sa mawalan ako ng malay. 

~~~~

  Nahimatay ako? Uniti-Unti kong minulat ang mga mata ko at agad kong nabungaran ang mukha ni Patrick 

tumayo agad ako dahil kailangan ko ng umalis dito. kaya siguro siya nandito dahil inaatay niya akong umalis? Siguro nga! Tama. Ayoko ng isiping na nasa tabi ko siya dahil nag-aalala siya. 

Hindiiiiiiii! Tama na yan!! Wag ng UMASA!! MASAKIT!!

 May kung anong kirot nanaman ang naramdaman ko. Hanggang kailan kaya ako masasaktan?! Kailan kay mabubuo ang isang araw ko ng hindi man lang nasasaktan?! 

 Tumayo kagad ako at isa-isa kong zinipper lahat ng bag ko. Masyado akong maraming gamit kaya maraming bag ang pinaglagyan ko. alam kong nakatingin lang siya sa akin.

Lumapit ako sa Telepono at idinial ang number ni Eva. Siya nagbabantay sa lobby sa ibaba. sa tagal ba naman naming nakatira dito kaya naging kaibigan ko na din siya, tinawagan ko siya para paakyatin yung guard dito sa itaas. taga buhat ng gamit ko. 

" Hindi kana aalis? " Tanong niya. Talaga bang gustong-gusto niya na akong umalis?!

"Aalis sympre. Yun naman ang gusto mo diba? " Pumiyok ako sa huling salitang binanggit ko. Maiiyak nanaman ata ako -______________-

 " Ssaan K-ka pupunta?! " Tanong niya sa akin. Pleaaase. Wag na siyang magsalita,. TT___TT

Mahihirapan akong pigilan ang sarili kong iwanan siya. Tama NA!!!!!!! 

"Kahit saan. Kung saan may magmamahal sa akin " naluluha nanaman ako. Tangina! Kailan ba titigil ang pesteng luha na ito?! Ayoko ng umiyak!! Baka maging iyakin ang baby ko nito! 

   *Ding Dong* 

Hindi ko namalayan na tumutulo nanaman ang luha ko. Bakit ako UMIYAK?!!!!

Agad kong pinunuasan ito at nagderetso sa pintuan.

" Kuya, pakikuha ung mga maleta sa kwarto. " 

Nang mailabas na nung guard yung mga maleta ko. pumasok ulit ako sa kwarto. may nakalimutan akong kuhanin. binuksan ko yung box sa bedside table ko.

" J-joliza " napatigil ako sa ginagawa ko ng magsalita siya. 

" Tama na. Patrick, Please? Baka kasi magbago pa isip ko. at wag ka ng iwan. Kahit masakit patrick kakayanin ko. mas masaya ka diba kung wala kang asawa? " Yumuko ito. Bakit niya ba ginagawa ito? NAHIHIRAPAN AKO alam niya ba yun?

" Joliza .. " Ayokong marinig mga sasabihin niya. baka masaktan nanaman ako.

"Wag kana munang magsalita no? Hayaan mo muna ako. Hindi naman siguro masama ang magalit kahit ngayon lang diba?! " 

" Sige hahayaan kita " Malumanay niyang sagot.

" Oo. alam ko na una palang ayaw mo talaga sa akin, Ang tigas kasi ng Ulo ko eh! Alam ko na ngang ayaw mo sa akin pero dikit ako ng dikit sayo " tinanggal ko ang kwintas na bigay niya sa akin dati. 

" Na-aalala mo pa ito? Siguro hindi na no? Hindi naman to mahalaga sayo eh. Pero sa akin. Eto ang pinakaMahalagang bagay sa buhay ko.. Dahil ito ang binigay mo saakin nung birthday ko. Sobrang saya ko at dahil nakasama kita ng ilang taon sa bahay na ito . sa ilang taong iyon naging pabigat ako sa buhay mo. Naging pasaway ako at naiirita kita lagi. Pasensya na no? Ganto lang talga ako. at chaka Sobrang saya ko dahil ikaw naging asawa ko kahit wala lang sayo. Pero eto ang natutunan ko sa lahat ng nangyari sa atin. "

" Nakakapagod pala talagang magmahal ng sobra. Ang hirap lang talaga. Napatunayan ko talaga sa sarili kong mahirap talaga. Akala ko hindi totoo ang mga ganun na may ibang napapagod dahil lang sa pagmamahal, pero mali ako. Tama pala talaga. " Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay doon ang kwintas.

" Ikaw na bahala dyan kung itatabi mo o itatapon mo. Yang ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko. nasasayo na yan kung aalagaan mo yan o babaliwalain mo din. Huling Huli na talaga ito, at hindi mo na ako makikita muli.

Lumapit ako sa kanya at Hinalikan siya sa labi, 

Huli na talaga iyon. Kung kahapon Last na Hug ngayon Last na Kiss. Parang gumaan na bigla ang pakiramdam ko? 

"Pabaon bago kami umalis" at lumabas na akong condo niya. 

" Bye na Eva! Aalis na ako :) Pano ba yan? wala ka ng gagamuting Sugat " siya kasi lagi ang gumagamot ng sugat ko sa tuwing nakikipag-away ako.

" Hah? Saan ka pupunta?" Lumbas na ito sa lobby at nilapitan ako. 

" Ah. Dun muna ako sa bahay ng bestfriend ko. Masyado ng maraming nagyari eh. Maiiyak lang ako paginalala kopa. Ikaw na muna bahala sa kanya ha! Bye " Hinug ko siya at nagbeso-beso. 

Pagkasakay ko sa sasakyan ko agad ko itong pinaandar at umalis na. 

Ang mahalin ang sarili ko at ang batang nasa sinapupunanan ko ang kailangan kong gawin

Pa'alam Patrick Reyes 

~~~~ To Be Continued :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sabaw na Update :)) Ang bad ko ata? Lagi na lang yung boys ang pinag'rerealize ko?! Nyahaha :D 

Vote At comment naman kayo! :D 

---------------------- My Patrick nga pala ---------------> 

Suddenly Appeared ( Best friends Story ) COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon