O! Update nanaman ako :) Kasi talo ako sa tetris. Tuluyan ng bumaba Rank ko. Kaines lang.
Nakapag UD na din ako sa Isa kong Story [ Mr. Disaster is My Mr. Destiny ? (Singtion Life ) ] Support niyo din sana =) Yun lang ! Lovelots :*
Dedicate koto sa kanya kasi. Natutuwa ako :) Hahaha. Salamat nga pala sayo :*
Play niyo Ulit yung Song Para Mafeel niyo ulit. xD
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter Twenty
~~ Stephany Side ~~
Ewan ko ba bakit ang bait ng lalaking to sa akin. Hinatid niya pa ako hanggang sa bahay namin. at ngayon nandito nga kami sa tapat. kinakabahan ako sa mangyayari pagnasabi ko na sa mga magulang ko.
" Wag kang kabahan sabi ko nga sayo maging matatag ka " Tapos nagsmile siya
" Salamat Ha. Ingat sa pag'dradrive " pinaharurot niya na yung sasakyan niya.
Eto na ako kinakabahan ako sa mangyayari. pumasok na ako sa loob at sakto nandun sina nanay at tatay sa sala nanunuod ng t.v nakatayo padin ako dito sa may pintuan.
" O anak. Ayaw mo pang pumasok " puna sa akin ng nanay, pumasok ako ng bahagya
" May problema ba ? " Tanong ng papa.
" M-ma .. P-pa .. " Nanlalambot tuhod ko para akong bubuhal sa bawat salitang bibitawan ko. natatakot ako sa mangyayari sa akin.. sa Amin..
" O ? May sakit kaba ? " Tanong ng mama.
" B..bunt..is P..p.oo A...ak.o.. " Mautal-utal kong sabi .
" Totoo ba yan anak ? " Tanong ng mama. ang papa naman halatang galit na galit na.
" Opo " Tapos yumuko ako.
Tumayo ang papa at *PAK !!* sinampal ako. tatanggapin ko ang sampal ng papa dahil alam kong mali ang ginawa ko. napa-iyak ako sa pagkakasampal sa akin..
" Bakit anak ? Pano mo nagawa yan ? " Tapos umiiyak ang papa.
umiiyak lang ako ng umiiyak.hanggang sa mapaupo ako sa sahig. nanghihina ang tuhod ko at hindi ko kayang tumindig ng deretso sa harap ng mga magulang ko.
" Anong klaseng anak ka ?! Hindi kami nagkulang sayo !! Pinayagan ka naming magka-nobyo pero ano ang kapalit ? Yan ba ? Ha ?!! " Sasampalin sana ako ng papa ng mapigilan siya ng mama
" Sorry po " sobrang sama na ng loob ng papa sa akin. tatanggapin kona lang kung ano magiging desisyon nila ..
" pababayaan mo na lang pag-aaral mo ? Asan yang lalakeng yan ?? " Galit na galit pa din ang papa.
" H..hindi d..daw p..po n.niya pananagutan " sa gulat ko sinuntok ng papa yung salamin sa pader at ito'y nabasag ..
" Punyeta !! Anong klaseng lalaki yan ? Put@ang In@ !! Hindi kaba nagiisip bata ka ? Malapit ng matapos ang pag-aaral mo ngayon mo pa pinabayaan ?? Nagpapakahirap ako magtrabaho makapagtapos ka lang tapos magpapabuntis ka lang Ha ??!!!! .. Tumayo ka jan ! Umalis ka dito " mahigpit Akong hinawakan ng papa sa braso at itinayo.
" Stepano Tama na " Awat ng mama
" Ewan ko ba Lany kung ano pagkukulang natin sa batang iyan. " sinipa ng papa ang lamesa kaya ito ay nasira din. pagkatapos nito ay agad ding pumasok sa kwarto ang papa
BINABASA MO ANG
Suddenly Appeared ( Best friends Story ) COMPLETED!
Fiksi Remaja1 Paano kung yung Taong minahal mo, yung alala mo kaya kang panindigan at kaya kang tanggapin ay iniwan ka kasi natakot siya? pano kana niyan? Pano na kayo? maibabalik pa ba ang dati? tatanggapin mo pa kaya siyang makapasok sa buhay mong masaya na...