KAY Joliza muna po tayo :)) Inaayos ko pa ung kay Stephany, eh kasi naman nagkita na sila! Madami nanamang pasikot-sikot ang istorya. xD
~~~~~~~~~
Chapter Thirty three
~~ Joliza's Side ~~
One month later
Isang buwan na ang nakalipas. Nahihirapan na ako, Kaya ko pa kaya?!
Pulit-ulit kona lang tinatanong sa sarili ko!
Hindi ko alam kung ano nangyayari saakin pero..
Konting masabi lang ni patrick ng masasakit na salita. naiiyak na kagad ako.
Hindi naman ako ganito dati,
Masyado naba akong nasasaktan at kahit simpleng "Hindi kita mahal " Na pulit-ulit kong naririnig dati. ay DUMUDUROG sa puso ko ngayon ?!
Tanggap ko dati na hindi niya ako mahal kasi willing naman akong gawin ang lahat mahalin niya lang ako. Pero bakit ang sensitive ko?!
Mapili pa ako sa pagkain ko. ayoko ng mabahong amoy. at higit sa lahat ayoko sa Madilim!! dati gustong-gusto ko ang madilim pero bakit ngayon?! ano ba nangyayari saakin?
Hindi naman siguro ako buntis? Hindi naman ako nakakaranas ng pagsuka at kung ano-ano pa. then hindi ko alam kung magkakaroon ba ako ngayon kasi irregular ako.
Punta muna kaya akong ospital?! Punta na lang ako. para makapag'pachek-up.
Ang pangit kona. Tumataba ako. Nahilig kasi ako sa Chocolate cake na my Cherry.
~
" Ano po Resulta? " Nandtio na kasi ako sa Ospital. nakapag pacheck-up na ako at eto na nga ang results.
" Well. According to your results ..
You are four weeks pregnant. congratulations Mrs. Reyes " at kinamayan pa ako nito.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
Ako buntis ?!
" Po? Eh bakit hindi naman po ako nakakaranas ng pagsusuka? " tanong ko kay doctora.
" Normal lang naman po yan misis. ganun po talaga ang ibang nagbubuntis. Lucky po kayo dahil hindi naging maselan ang pagbubuntis niyo. Hindi ka makakaranas ng pagsusuka. kahit anong malihihan mong kainin makakain mo dahil kaya naman ng sikmura mo. "
" kaya po pala nahilig ako sa chocolate cakes " masaya ako. kahit nung una SHOCK! pero masaya ako! May bagong dadating na magmamahal sa akin.
" Asan po ba si Mister ?! "
" Ah. Eh. Nasa trabaho po " kahit hindi ko naman alam kung nasaan si patrick >/////<
" Pero misis. kailangan niyo pong magiingat lagi. dahil ayon po sa ibang test pede kayong magtamo ng bruises sa inyong katawan, oras na tumama ka sa matitgas na bagay magkakapasa ka kagad. Wag po kayong mag-alala. hanggang Pasa lang naman po ang matatamo niyo. "
(a/n: Gawa-gawa ko lang po yon. HAHA :D )
" Iwasan niyo din pong mastress at madepress. hangga't maari po iwasan ang pagiyak. karamihan kasi sa mga nagbubuntis masyadong emotional. pede siyang maka'affect sa mood ng baby. "
" Well. Congratulations po ulit Mrs. Reyes. "
" Thank you " bumaba na ako ng clinic at nagbayad sa cashier.
Buti na lang walang gaanong nakaka'kilala saakin dito.
Si doctora din kasi yung doctor ni Stephany. kaya kilala niya na ako.
So nagbunga ang nangyari sa amin ni Patrick ? Yung araw na galit siya.
So ang baby nato ay bunga ng galit. imbis na pagmamahal?
NO! MAHAL KO TONG BABY KO! kaya hindi pedeng maging bunga lang to ng galit. punong-puno to ng pagmamahal. pagmamahal KOOO!
dumaan muna ako sa Red Ribbon. nagugutom nanaman ako gusto ko ng chocolate cake with cherry.
Pag ka'uwi ko sa Condo, nagpalit kagad ako ng nighties para matutulog na lang ako at agad kong kinain yung Chocolate cake. Gutom talaga ako.
makalipas ang ilang oras. dinalaw na ako ng antok. at nakatulog na
~~
~~ Patrick's Side ~~
Ano ba namang klaseng babae to?! Nangaakit ba siya ?! bakit ba siya nagsusuot ng mga nighties na yan?!
kailangan dito sa Sofa natutulog ?!
Bukas pa ang T.V !!
nilagpasan kona lang siya at dumeretso sa kusina. my box nanaman ng Cake sa lamesa.
binuksan ko ang ref at. puno nanaman ng chocolate cake. nasan ba yung niluto niyang ulam? Nagugutom ako.
sa pinakasulok na parte ng Ref. nakita ko ang isang plato ng Chicken pastel. my Favorite! sa lahat ng luto niya eto pinakagusto ko.
ininit ko ito sa macrowave at saglit na nagpalit ng damit.
Nagsuot lang ako ng boxers at sando.
**
natapos na ako sa pagkain. alas dos na ng umaga. papasok na dapat ako sa kwarto ng maalala kong natutulog nga pala si joliza sa sofa.
pumasok ako sa kwarto niya para kumuha ng kumot ng mapansin ko ang mga litrato sa ibabaw ng bed side table at drawer niya.
sa ibabaw ng bed side table niya picture namin nung kasal. at nang gumawi naman ako sa drawer niya. puro ..
picture ko?!
nandito yung picture ko noong nagswiswimming kami ng mga kaibigan ko.
picture ko nang grumaduate ako.
picture ko noong bata pa ako.
picture ko habang natutulog sa sofa.
picture ko habang nanunuod ng T.V
picture ko habang umiinom ng tubig.
PURO PICTURE KO?! ganun ba kabaliw tong babaeng to sa akin?
napansin ko yung picture niyang nakadikit sa salamin.
ang ganda niya sa picture. simple and innocent beautiful face. kinuha ko ito at lumabas na.
kukumutan kona lang siya. Hangga't maari ayokong nadidikit sa kanya. may kung ano kasing nangyayari saakin pag nadidikit ako sa kanya.
" Patri..ck " kinakamot niya pa yung legs niya. malamok ba?! malakas naman yung aircon sa loob ng condo.
kinumutan kona lang siya at punasok na sa loob.
( ----------> picture ni joliza na kinuha ni patrick sa salamin )
~~~~~~ to be continued >:))
~~~~~~~~~~~~~~~~~~'
Wag po kaying mag-alala. may kasunod pa yan :))) Antay na lang yung kasunod.
i-eedit kopa. pinutol ko lang yung part na yan para may Ma'UD ako ^_____^ Hohoho. yun lamang.
BINABASA MO ANG
Suddenly Appeared ( Best friends Story ) COMPLETED!
Ficção Adolescente1 Paano kung yung Taong minahal mo, yung alala mo kaya kang panindigan at kaya kang tanggapin ay iniwan ka kasi natakot siya? pano kana niyan? Pano na kayo? maibabalik pa ba ang dati? tatanggapin mo pa kaya siyang makapasok sa buhay mong masaya na...
