Chapter 30: AJ

1 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY

-Dominic-

"WHERE'S LOURENCE?" Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang mangkok ng ice cream na ginawa ni yaya para sa 'kin. Umupo ako sa high chair at nagsimulang kumain.

"Nasa lakad kasama si Zilthea," napatango ako. "May hangover ka ba? Lasing ka kahapon, diba?"

"Medyo masakit lang ang ulo ko but ice cream can cure this."

Luminga ako sa paligid at walang tao maliban sa 'min ni Yaya at sa isang maid na si Sese. Wala si Mommy dahil nasa duty, si Lourence naman nasa gala raw. Walang gumugulo sa 'kin kaya may peace of mind ako ngayong araw. Kaya nagpatugtog na lang din muna 'ko ng kantang Wannabe ng Spice Girls.

"Sa London na ba talaga nakatatag ang negosyo ni Sir Nate? Araw-araw kong nakikita sa balita ang pangalan niya."

Sumimangot ako sa sinabing 'yon ni Yaya. "Fortunately yes. Mas mabuti nga 'yon dahil mas matagal siyang mananatili ro'n." Wala akong interes sa pag-uwi rito ni Daddy dahil wala naman akong pakialam sa kaniya. Wala naman din siya rito.

"Mm. Pero alam mo bang uuwi na siya rito ngayong linggo?"

"What?" Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. "Ngayong linggo na?" Tumango siya. "Bakit ang bilis naman?"

Itinaas niya ang mga balikat. "Narinig ko lang ang balitang 'yon sa Mommy mo dahil tumawag sa kaniya ang asawa niya. Biglaan din daw ang desisyong iyon ng daddy mo kaya inaasahan ko nang magugulat ka. Pero hindi ka na rin dapat magulat dahil babalik at babalik si Sir Nate."

Mas nadagdagan naman ang lukot sa mukha ko at biglang nawala sa mood. "I'm not surprised because I'm annoyed. He shouldn't have come back here in the first place. Tsh."

Napasinghal ako sa nalaman kong balita. Hindi na dapat ako maiinis pero dahil alam kong ngayong linggo na ang balik ni Dad galing ibang bansa e mukhang isang taon akong mawawala sa mood at paiiralin ang galit ko sa kaniya. Wala naman na kasing dahilan para bumalik siya rito dahil ang trabaho lang ang mahal niya't hindi ang pamilya niya. Nakakatawa dahil naisip niya pa palang balitaan si Mommy.

Talagang nakakainis at hindi nakakagulat. P'wede naman kasi siyang mag-stay na lang do'n sa ibang bansa para hindi ako ang maperwisyo rito. Hindi pa nga totally naglalaho sa isip ko 'yung mga sinabi niya sa 'kin noon pero mukhang bibigyan niya 'ko ng panibagong sakit sa ulo at inis. Kahit Daddy ko pa siya hindi ako magdadalawang-isip na lumayas dito kapag pinaalis niya 'ko.

Ayaw na ayaw ko sa kaniya at mas matatanggap ko pang makasama si Mom kesa sa kaniya. Sa pamilya namin sa kaniya ako pinaka-naiinis dahil sukdulan din ang pinakita niya sa 'kin noon. Siya at ang ugali niya ang dahilan kung bakit ganito na 'ko ngayon. Actually lahat nga sila, e. Pero si dad lang talaga ang sukdulan ang ugali. Ugh. I despise him.

"Alam ko namang galit ka sa kaniya, pero malay mo naman dito kayo magkabati. Tutulungan ko kayong mag-ayos."

"Kahit buong Pilipinas pa ang magtulungan hindi kami magkakaayos. For sure gigisahin niya 'ko nang gigisahin pag-uwi niya. Eh, di mas lalong hindi ako lalabas ng kwarto," inis na singhal ko. "It's really irritating. P'wede namang h'wag na siyang bumalik."

"Dominic, daddy mo pa rin naman siya kahit anong mangyari. Ang dugo niya ang nananalaytay sa'yo kaya hindi maaaring dadalhin mo sa pagtanda iyang galit mo sa kaniya. Istrikto si Sir Nate at dahil 'yon sa ayaw niyang masira ang buhay ng mga anak niya."

"Right. That's why he stopped me from committing suicide before." Sarkastiko kong tugon.

"Ano? Tinangka mong magpakamatay?" Nakangiwi akong tumango-tango. "Aba'y matindi ka palang bata ka, ano? Paano na lang pala kung natuloy 'yon?"

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now