CHAPTER TWENTY-ONE
-Zilthea-
SOBRANG NAKAKAIRITA 'tong si Bryle. Umarko ang kilay ko when this freaking pervert smirked with a not so beautiful but super duper irritating smile! I hissed, but he just freaking laughed like there was no tomorrow. At hinihiling ko na sana kainin siya ng malaking isda para malaman niya ang galit ko sa kaniya!
This Bryle jerk guy's always been following me ever since me and my cousin arrived here in school. Dapat masaya ako ngayon, but this guy keeps bugging me every time na uupo siya sa tabi ko, tinatawag ang pangalan ko, and even following me without knowing his limitations!
>>_<<
"Ba't 'di mo tinatanggap 'yung alok ko sa'yo, Ms. Zilthea? Ayaw mo bang maging boyfriend mo 'ko kapalit ng hindi ko na pagsunod sa'yo?"
Napapikit ako sa sobrang inis at basta na lang siyang binatukan. "Are you nuts?! Ba't naman ako papayag sa nakakadiring offer mo, ha? Mukha bang mauuto mo 'ko?!"
"Psh. Ang laki-laki na nga no'ng offer ko e," sibangot niya at humalukipkip. "Tapos nambabatok ka pa. Masakit kaya 'yon. Sinasaktan mo na nga 'tong puso ko ta's ire-reject mo pa 'ko."
"Excuse me? Pero dati ka pa rejected sa 'kin and sa buong family ko kasi ayaw nila ng mga gaya mong assumero, ilusyonado, manyak, at mayabang! Kuha mo?!"
"I know. That's why I'm giving you this chance."
"Chance what?!"
"Chance to be my girlfriend."
Napasinghal ako nang sobrang lakas. "Ano ba, Bryle? Ayokong maging gf mo and don't you dare to offer me again because I'll never choose a guy like you!" Dinuro ko siya dahil sobra-sobra na ang panggigigil ko sa kaniya mula pa kanina. "At sa'yo na 'yang chance mo, okay? Hindi chance na matatawag 'yung pagiging girlfriend mo dahil nakakadiri 'yon!"
"Chance 'yon kasi kung ayaw nga sa 'kin ng family mo at naging boyfriend mo 'ko, may chance ka na makilala kung sino talaga 'ko at hindi 'yung alam mo na manyak at loko-loko ako. Seryoso ako sa'yo 'cause you're one of a kind and delicate. Imagine how I could say those words to you if I'm not sincere with my feelings," seryoso niyang sabi pero suminghal lang ulit ako. "Zilthea please..."
"Ayoko nga! 'Kita mo namang galit na galit ako sa'yo, diba?! Ayokong pumayag sa gusto mo at hinding-hindi mo 'ko mapipilit kahit anong gawin mo!" Jusko. Umaatake ang pagiging bungangera ko sa kaniya!
Sinasabi niya kanina pa sa 'kin 'yung offer niya raw na 'pag pumayag akong maging girlfriend niya hindi na raw niya 'ko guguluhin. Isang nakakadiring bagay ang maging kami dahil hindi ko naman siya gusto and if I know, gano'n din siya sa 'kin dahil hindi naman talaga niya 'ko gusto. Mabuti na lang at napalaki ako ni Mommy at Daddy na mapagmatiyag kaya nakikita ko kung sincere ba talaga ang mga tao sa pinapakita nila o pina-plastik lang nila 'ko.
Ang kapal kasi ng mukha ng Bryle na 'to, e. Kung makapagsalita akala mo lahat makukuha niya kaya kung makaasta e boyfriend ko at may karapatan siya sa 'kin. As if namang papayag ako sa gusto niya? Gwapo siya but seeing him laugh every day just gives me the thought that he's lacking in respect, manners, and attitude.
"Ang harsh mo naman kay Bryle, coz. Why don't you try to give him a chance so he can show you his true intentions?" Biglang singit ng pinsan ko na busy sa pagkuha ng picture sa camera niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Seriously, cousin?"
Nakangiwi siyang tumingin sa 'kin. "I'm serious, my pretty coz. It's not bad if you try some things you haven't tried yet. I won't tell Tita Zel if that's what you're scared of."
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?