CHAPTER SEVENTEEN
-Dominic-
"PASS ALL the papers in the aisle and pass them in front." Sabi ni Sir Pineda nang tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang time niya pati na rin ang up to 100 exam niya sa 'min.
Kanina pa ako tapos dahil parang sisiw lang 'yung test namin. Sisiw talaga dahil hindi naman 'yon gano'n ka-hirap. 'Yung iba ngayon lang natapos kaya nagrereklamo pa sila, pero ako kanina pa nababagot dito dahil ang tagal-tagal kong naghintay na matapos ang time. Bawal naman kaming lumabas dahil sabi ni Sir baka raw gayahin ng mga hindi pa tapos mag-take ng quiz. Kaya ito ako ngayon; nalalanta na sa pagkakaupo ko rito. Nag-iinit na nga ang tumbong ko, e.
"Sa mga kaibigan niyong absent ngayon, tell them they're already zero on our quiz," sabi ni sir. Biglang nagtaas ng kamay si Zilthea. "Yes, Ms. Ferrer? Do you have a problem?"
"Sir. Nandito po 'yung bag ni Jade pero hindi siya pumasok. Consider as absent pa rin po ba 'yon?"
"Oo naman. Absent siya sa subject ko but I allowed her to take her quiz tomorrow para sa request ng kapatid ko. Your friend has a valid reason why she didn't come today."
"Bakit po hindi siya nakapasok, Sir?"
"Just ask her. Wala na 'kong time para sagutin ka pa," sagot lang nito. "Wait for your second teacher, class. Goodbye." 'Yun lang at iniwanan na niya kami.
Malakas akong napabuntong-hininga at nababagot na ngumiwi saka sumandal sa upuan ko. Nagsuot ako ng headset at nagpatugtog ng Wannabe na kanta ng Spice Girls para naman magkaro'n ng kaunting kulay ang pananatili ko sa classroom na 'to. Nakakabagot kasi.
Hindi naman ako napagod sa pag-exam namin kanina, o kahit na ang utak ko dahil lahat naman ng tanong do'n ay alam ko. At pinartidahan pa 'yon ng hindi ko pagpasok at pagiging late ko sa klase ni Sir Pineda. Hamak na matalino talaga 'ko kaya pinagmamayabang ko na mape-perfect ko ang exam.
"Bilis na kasi, Zilthea! Ba't ba ayaw mo pa 'kong sagutin?!"
Lumingon ako sa malakas na boses ng lalaki sa tabi ng pinsan ko. Napakunot-noo ako dahil hawak-hawak niya pa sa braso ito at pinipilit sa kung ano mang gusto niya.
"'Di ba halata, jerk?! Hindi naman kita gusto at hindi kita gugustuhin! T'saka sino bang nagsabi sa'yo na nagpaligaw ako sa'yo?! Gawa-gawa lang naman 'yan ng imagination mo dahil ilusyonado ka!"
"Hindi ah! Sa'n mo 'yan nakuha, Zilthea?!"
"Argh! Bitiwan mo nga akong lalaki ka! Kapag ako talagang napuno sa'yo ire-report na kita kay dean dahil harassment na 'tong ginagawa mo sa 'kin! Manyak ka! Pervert!"
Nabitawan naman siya ng lalaki at sinimangutan nalang. "Grabe ka talaga magsalita sa 'kin, Zilthea. Gusto ko lang naman na maging tayo, e. O kahit friends man lang? Kanina I also asked your friend if I could be her friend but she just rejected me. Tapos ikaw din? Grabe kayong mag-bestfriend."
"Ano bang pakealam ko sa'yong lalaki ka? Didn't I tell you I like someone?! It's not you so don't assume we can be friends! Even Jade!"
"H'wag ka na ngang mangulit diyan, Bryle. Hindi naman ikaw ang naiingayan, e." Suway ng lalaki na nasa likuran ko.
"What are you trying to say? Na maingay ako?!"
"It's obvious, miss."
"I don't care with the two of you, okay?! Parehas lang naman kayong jerks na gusto akong bwisitin dito!"
"Sorry but not me. I don't have any interest in girls. Just my friends."
Umirap ako at hindi sila pinansin sa pag-aaway dahil naiirita ako sa kanila. Nakakainis panoorin ang mga nag-aaway-away na estudyante. Knowing my cousin na warfreak, talagang ipaglalaban niya kung anong gusto niya kaya minsan hindi ka rin mananalo sa kaniya.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?