CHAPTER TEN
-Jason-
HININTAY KO na munang makapasok sa bahay si bunso bago ako maglakad paalis sa bahay namin. Ang sweet-sweet talaga ng soon to be bayaw ko na si Pareng Rence. Naniniwala akong sila ang magkakatuluyan ni bunso sa susunod dahil bagay silang dalawa. Hahaha!
Kaso lang ang pangit ng kapatid ko kaya baka hindi rin siya magustuhan ng bayaw ko. Tsk. Sa'n ba kasi nagmana ang kapatid kong 'yon ng kapangitan niya? Ang layo ng histura niya sa mukha ko, e. 'Buti pa 'ko maganda ang genes. Siya mukhang pinaglihi sa paa ng kapre.
Pero 'ayun na nga. Malaki ang pasasalamat ko kay Lourence kasi ni-saved niya si bunso sa holdaper na walang taste sa mga biktima niya. Kahit may sinasabi pa si Jade na lalaking nagligtas sa kaniya, syempre kung hindi pa siya nakita ni Pareng Rence e baka guts-guts na siyang nakarating sa bahay. Ayaw ko pang mawalan ng kapatid. Kahit pangit 'yun syempre utol ko pa rin siya. Ang pangit niya lang kasi, e. Sukat hindi nagpalit ng damit kanina nu'ng nadumihan sa grasa ng bike ko. Napaka-kadiring babae talaga.
Anyways, napapansin ko kay bayaw na parang may kamukha siyang kilala ko. Hindi ko nga alam kung sino pero may kamukha lang talaga siya. Ang gwapo niya kasi at mas gwapo pa siya sa 'kin. Pero baka napa-paranoid na naman ako ngayon.
Pumunta ako sa Tuesday na located walking distance lang muna sa bahay namin.
Oy h'wag ka! Bar 'yon! Tuesday lang ang pinangalan kasi tuesday 'yon no'ng ginawa dati. Sikat din 'yon dito sa Patag na Lupa at kaibigan lang naman namin ni bunso ang may-ari no'n. Hindi naman 'yon gano'n ka-laki pero sikat pa rin sa mga tao.
Pagkarating ko ro'n, maingay na sounds agad ang naririnig ko mula sa stereo at sumasapaw pa 'yung videoke. Nag-alcohol muna 'ko kasi alam mo na, germs are everywhere and I don't want to interact with them. Pagkatapos ko sa sanitizing area nila syempre pumunta na 'ko sa counter kung nasa'n ang anak ni Aling Velma na si Lovely na siyang kaibigan namin.
"Hi, Lovely!" Masayang bati ko sa kaniya.
Dahil abala siya sa pagtingin ng listahan e nagulat siya nang marinig ang boses ko. Mas matanda pa siya kay bunso pero close naman sila. Sila ang magkasama mula pagkabata kaya magkababata kami. Mula no'ng lumipat kami rito dati, si Aling Velms na ang naging kaibigan ni Nanay kaya hanggang ngayon e friendships sila. Hehe.
"Uy, tol. Anong ginagawa mo rito?"
"Nasa'n si Aling Velms?"
Minsan lang kung makita ko sa counter si Aling Velma. Kadalasan ay si Lovely ang nakikita ko kaya naman 'pag may pinapasingil sa 'kin si Nanay e kailangan ko pa siyang hanapin. Maykaya naman sila pero umuutang pa rin kay Nanay ng mga beauty products kasi gusto yatang bumata.
Pfft. Akala nila 'yung mga binebenta ni Nanay ang ginagamit niya kasi mukhang bata si Nanay. Pero ang totoo hindi lang nagkakalayo ang edad namin ni Nanay kasi katorse pa lang siya nang nabuntis siya sa 'kin at kinse anyos siya nang ipanganak niya 'ko. Maganda rin kaya si Nanay. Para lang kaming magkakapatid. Hahaha!
"Huh? Ba't mo hinahanap?" Nangingiting tanong sa 'kin ni Abel. Nickname niya 'yon.
Kinamot ko ang ulo ko. "Inutusan ako ni Nanay. Sisingilin ko lang 'yung inutang ni Aling Velms," luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang Mama niya. "Nasa'n ba siya?" Tanong ko pa. Baka kasi tinataguan na kami, e. Ngayon na ang due date niya sa inutang niya kay Inay.
Baka hindi magbayad. Charot.
"Wait. Tatawagin ko lang." Tumalikod siya sa 'kin para pumunta sa staff's room nila.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?