CHAPTER TWENTY-FOUR
-Zilthea- (Monday)
"CLASS DISMISS."
Pagkasabing-pagkasabi ni Sir Garcia sa announcement na 'yon ay nagmadali na 'ko sa paglalagay ng mga gamit at libro ko sa bag dahil may mahalaga pa 'kong pupuntahan ngayon. Hindi naman ako sobrang nagmamadali, pero kailangan ko lang bilisan ang kilos ko kasi apurada ako but at the same time ay natutuwa kasi may good news akong narinig ngayong araw.
Hassle 'yung mga ginawa namin ngayong araw at feeling ko napagod ang utak ko sa sobrang dami ng ginawa namin. Puro seatworks and recitations. It's hard for me to pick up those lessons but I can handle them all.
"Ms. Zilthea, uuwi ka na? Sabay ka na sa 'kin oh." Bigla kong nakasalubong si Bryle no'ng nasa quadrangle na 'ko.
Pinagkrus ko ang mga braso at nakalabing tinignan siya pati 'yung mga kaibigan niyang kasama niya. "Pa'no ako makakasabay sa'yo e puro lalaki kayo? Baliw ka ba?"
"So what? I can kick them out anytime. They won't mind."
"Psh. H'wag na lang," umirap ako. "Wala akong panahong patulan 'yang pambu-bwisit mo, Bryle. Kailangan kong umalis."
"Sa'n ka naman pupunta?"
"Anong pakialam mo?" Pambabara ko lang sa kaniya at muling umirap. Nilagpasan ko siya pero naririnig-rinig ko pa 'yung nakakabwisit na pang-aasar ng mga kaibigan niya.
Unti-unti na 'kong nasasanay sa pang-iinis nila sa 'kin lalo na ng lalaking 'yon. Kayang-kaya ko na silang labanan, sigawan, at barahin dahil hindi naman 'yon mahirap para sa 'kin. Talagang naiinis lang ako kasi parang hindi talaga sila nagsasawa na bigyan ako ng sakit sa ulo.
Tinatanggihan ko nga sila no'ng acquaintance party no'ng sinasayaw nila 'ko dahil alam kong maaasar lang ako. Inis na inis kaya ako sa kanila lalo na kay Bryle na feeling nanalo sa lotto kasi pinayagan ko siyang maging partner ko bilang substitute ni Lourence kasi akala ko hindi siya sasayaw like what he said no'ng saturday.
"Coz. Sa'n ka punta?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko ang pinsan kong bully. Halos mapatalon pa 'ko sa gulat kasi I wasn't expecting him to see here. Siguro may lahi siyang mushroom. "Nakita ko 'yung manliligaw mo ro'n ah? LQ na naman kayo?" Here we go. He's starting to annoy me again!
"Nakakabwisit ka, Lourence. Alam mo ba?" I hissed. Halos buong Jordan High na yata ang nakakaalam ng tungkol sa 'min ng Bryle kaya marami rin gossips about sa 'ming dalawa at hindi na 'yon nakakatuwa 'cause it's nakakairita na.
Napamaang siya sa sinagot ko sa kaniya. "'Di mo naman sinabi sa 'kin," inosenteng sagot niya kaya napasinghal ako sa inis. "Tsaka hey. Ba't ka ba naiinis e diba manliligaw mo naman talaga 'yong si Bryle? At kung nagdududa ka sa kaniya, I'm here para maging bodyguard niya kasi boto naman ako sa kaniya. Hehe."
"Just shut the hell up, Lourence Kyle. You don't care if I don't like that Bryle. Parehas kayong jerk, e."
Tumawa naman siya. "Okay. But I do care if you say my shits are funny."
"Psh. Sa'n ka ba kasi pupunta at may dala ka pang prutas? Wala pa namang namamatay sa family natin maliban kay lolo tapos parang makiki-lamay ka." I noticed a basket with fruits na hawak-hawak niya at nakakatawa lang kasi mukha siyang bibisita sa kung sino mang yumao. At mas nakakatawa kasi bitbit niya pa 'yon sa school.
Tinignan niya ang hawak niyang fruits saka lumabi. "I'll visit Jade today. Masama ba?"
Biglang namilog ang bibig ko. "Gano'n ba? Omg! Pupunta rin kasi ako sa ospital para i-visit siya, e. P'wedeng sumabay na lang ako sa'yo?"
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?