CHAPTER FORTY-NINE
- Jason -
HINDI MATIGIL sa katatawa ang baliw na si Lovely nang kwentuhan siya ni Zilthea tungkol sa nakakahiyang moments ni bunso rito sa school nila. Ilang beses daw kasing pinagalitan ni Markus si bunso dahil madalas lutang at hindi nakikinig sa klase.
"Gaga talaga 'yang si AJ, e. Hilig niya talaga 'yong pinapahiya ang sarili niya." Natatawa itong napailing habang hawak ang tiyan niyang sumakit katatawa.
"Even no'ng acquaintance party Sir Markus scolded her because of the assignment she didn't pass before that day."
"Pfft! E di gumawa siya ng assignment habang nasa party?!"
"Yeah! It was funny, right?! We helped her na lang para hindi siya ma-zero nang tuluyan, pfft!"
"Hahaha! Ang epic naman! Siguro puro reklamo na nasa isip ni Jade no'n, hahaha!"
Nakikitawa ako sa kanila nang mag-ring ang cellphone sa bulsa ko.
Iritable kong sinagot ang tawag dahil ang bwisit kong kaibigan lang naman ang tumatawag. Kahit gusto kong i-decline ang call ay sinagot ko na rin.
"Ano ba, pre? Kanina ka pa tawag nang tawag sa 'kin ah? Bakla ka ba?" Inis kong angil dahil siya ang makapal ang mukhang kanina pa tumatawag sa 'kin. Sabi nang nasa event ako.
"Chill, pre. Nami-miss lang kasi kita kaya panay ang tawag ko," humalakhak siya kaya sumimangot ako. "Kumusta ka na diyan sa Jordan High? Feeling mo ba high school ka ulit? Hahaha!"
"Wala ka talagang kwenta kausap kahit kelan, ulol."
"Pfft! Nami-miss ka na rin ni Thalia rito! Hinahanap ka niya sa 'kin every minute every second! Thalia oh, pfft!"
"Hey, Jason! Let's watch a fight later!" Sumulpot ang boses ni Thalia sa kabilang linya.
"'Di ako p'wede, Thalia e. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho pag-uwi."
"Oo nga pala, 'no? Sa day off mo na lang, hihi."
"Sige, p'wede naman."
"Bakit ikaw lang ang inaaya ni Thalia sa mga lakad niya, ha? Wala na ba 'ko sa picture ng friendship natin?" Boses ulit ni Tom ang narinig ko.
"Tangina mo, manahimik ka na."
Humalakhak lang ulit siya. "Twenty minutes na lang may klase na ulit tayo, tol! Bumalik ka na rito kung ayaw mong ma-absent-an ka ni panot!"
"Oo na, putcha! Pumirmi ka na diyan, p'wede?!" Mas lalo lang akong nairita at tinapos ang tawag. Bwisit talaga ang lalaking 'yon kahit kelan. Tatawag-tawag pa, e.
"Couz!" Tinawag ni Zilthea si Pareng Rence na lumabas ng classroom kung nasaan ang booth nila.
Nagulat ito nang makita kami pero lumapit din naman siya nang nakangiti. "Why are you still here?"
"Hinihintay lang namin si bunso na bumalik, bayaw. Bumaba kasi siya para umihi." Sagot ko.
"Tapos ka na sa trabaho mo sa loob? Bakit ka lumabas?"
"Mamaya pa ulit ang rotation ko. Magla-lunch muna kami sa canteen ng mga kaklase ko," tugon niya. "Kayo, hindi ba kayo kakain? Sabay na kayo sa 'min."
"Hindi na, couz. Pagbalik na lang siguro ni Jade saka kami kakain, mauna ka na tapos puntahan mo na lang kami."
"Alright. I'll go first, then." Tinanguan niya kaming tatlo bago siya naglakad paalis.
"Ang tagal namang magbanyo ni AJ? Kanina pa siya umalis ah?" Nagtatakang ani Lovely.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Fiksi RemajaThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?