Chapter 6: Jacket

2 0 0
                                    

CHAPTER SIX

-Jason- (Sunday)

"EH, BAKIT nandito ka?! Diba bumibili ka ng softdrink? Tsk! Kaya nga 'ko lumabas kasi sinundan kita. Ang tagal mo, e! Tapos nandito ka lang pala?!" Inis na bulyaw ko kay bunso dahil nakita ko siya rito sa kalsada na mukhang kanina pa nanonood sa away ng sigang si Gello tsaka ng lalaki.

Sinundan ko siya rito kasi ang tagal niyang umuwi sa bahay. Kapag gano'n kasi talagang nagdududa na 'ko at nag-aalala dahil kung saan na naman humahantong ang paggala ng kapatid kong 'to. Kakatapos nga lang ng nangyari sa kaniya ro'n sa holdaper tapos mapapahamak na naman siya?

Mabuti na lang talaga at hindi siya nadamay sa away ni Gello dahil mahilig mandamay ang siraulong 'yon e takot naman sa 'kin. Kaya nga siya tumakbo no'ng sinaway ko, e.

Iba na talaga ang tao ngayon oh. Siga pero sa mga gwapo lang pala allergic.

Pero seryoso, p'wede talagang mapahamak kapag nakialam si bunso sa away nila kasi knowing Gello'ng pangit, mahilig siyang mandamay ng mga walang kalaban-labang tao. Magandang bagay na lang 'yung takot siya sa 'kin para hindi niya masaktan ang kapatid ko.

"Ihh. Niligtas ko lang kasi 'yung kaklase kong muntik nang madamay." Nakangusong sabi ni bunso kaya nagtaka ako.

"Ha? Sino?!"

Sinong kaklase niya? Wala naman akong nakitang kung sinong tao sa daan no'ng naglalakad ako ah? E sino na lang pala ang tinutukoy nitong si bunso?

Baka naman multo. Ayokong matakot ulit dahil binlackmail ako ng kapatid ko kanina. Biruin niyo sumakit 'yung katawan ko sa paglilinis dahil sa inutos niya? Sinunod ko na lang siya kasi may communication pala sila ni Annabelle ngayon. Siguro espiritista 'tong si bunso kaya sila nagcha-chat ng manikang 'yon?!

"'Yun oh," bigla siyang nagturo. "Dumadaan kasi siya kanina kaya pinagtago ko muna sa poste. Masungit kaya lumabas din siya."

Napatingin ako sa itinuro ni bunso na gawi. Nakita ko ang isang lalaki na may suot na gray fleece jacket at nakatalikod na naglalakad palayo sa 'min.

Matangkad. Pero parang bigla akong napamilyaran sa kaniya.

Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan ang lalaking 'yon na naglalakad pa rin. Ewan ko ba pero talagang pamilyar siya sa 'kin. May kilala rin kasi ako na gano'n kung tumindig at maglakad at kasing tangkad niya rin. Nakikita ko sa lalaking 'yon ang dating... kakilala ko.

Hindi naman siya siguro 'yon. Baka namamalik-mata lang ako dahil siguro iniisip ko ang taong 'yon na siya pero hindi naman talaga. Bakit naman kasi magiging siya 'yon e nasa ibang bansa sila at mukhang hindi na sila babalik dito?

v*_*v

Mukhang hindi na nga talaga babalik ang mga 'yon dito sa Pinas at talagang h'wag na silang bumalik. Mali lang siguro ang tingin ko sa lalaking 'yon. Hindi ko naman nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa 'min.

Pero kung siya man talaga 'yon at nakauwi na sila rito sa Pilipinas, siguro dapat na 'kong maghanda kapag nagharap-harap ulit kami. At kung sakaling kaklase nga siya ni bunso, dapat ko na rin sigurong bantayan ang kapatid ko. Mahirap na.

"Huy, kuya!"

Umangat ang dalawang balikat ko sa sobrang gulat nang marinig kong magsalita si bunso sa harap ko.

"Bakit ba? Nakakagulat ka naman!" Reklamo ko habang masama ang timpla ng mukha. Aatakihin yata ako sa kapatid kong 'to. Nambibigla, e. Kung sakaling inatake sa puso 'tong gwapong kuya niya eh, di nawalan pa siya ng kapatid na macho.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now