CHAPTER THREE
-Jade-
"A PENNY for your thoughts?" May biglang nagsalita sa likuran ko. Nilingon ko 'yon at nakita ko si Rence na nakangiti nang maganda sa 'kin.
"Ba't ka nandito?"
Nandito na naman ako ngayon sa garden ng Jordan High, nakaupo sa may swing habang pinagmamasdan ang mga bulaklak at puno na maganda sa paningin ko. Kanina pa nga 'ko nandito kasi ayaw ko munang pumunta sa room.
Maaga pa rin naman at dahil tinatamad ako, dito muna ako. Kaso mukhang malakas ang radar nito ni Rence kaya nalaman niyang nandito rin ako. Bilib din ako sa kaniya, at feeling ko favorite na rin niyang magpunta dito sa garden.
"Syempre. Alam ko namang dito ka lang pupunta." Nakangiti niya pa ring sabi at naupo sa katabi kong swing.
Isang araw na ang nakalipas mula no'ng awayin ako ng Wanda Girls sa labas nitong garden. Inalis ko na lang sa isip ko na dalawang beses nila akong sinampal. Hanggang ngayon nahihiya ako sa ibang taong nandito kasi sa t'wing dumadaan ako e pinagtitinginan nila 'ko na akala mo artista.
Hindi naman na rin ako ginulo ng parabola girls kahapon. Nakita ko sila, tinignan nila ako pero hindi nila 'ko inano. Kinalimutan ko na lang din ang nangyari no'n at hindi ko sinabi kay Zilthea na binully na naman ako ng mga babaeng 'yon nu'ng isang araw bago ako umuwi. Ayaw ko lang na sabihin sa kaniya dahil baka mapatulan niya pa ang mga 'yon. Lalala na naman ang away.
"Wala ka ba talagang gagawin t'wing papasok ka kundi tignan lang 'yung mga halaman? Nakaka-boring kaya." Maya-maya ay untag ni Rence sa tabi ko.
"Ewan," tinaas ko ang dalawa kong balikat. "Basta gusto ko lang na palagi akong nakakakita ng mga halaman."
"Parehas pala talaga kayo ng kapatid ko."
Oo nga pala. Kapatid niya nga pala si Yelo na masungit. Hindi naman siya mukhang mahilig sa mga halaman dahil palagi siyang nakatingin sa mga libro niya. Puro libro at mukhang wala naman siyang interes sa mga bagay-bagay na nakikita niya sa buhay niya.
"Rence, may tanong ako."
Humarap siya sa 'kin. "Mm. Ano 'yun?"
"Ba't parang 'di kayo nag-uusap ng kapatid mo?" Inosente kong tanong ngunit nakita ko kung paano siya matigilan. Tila hindi niya nagustuhan ang tanong ko.
"May problema ba?" Mahina kong tanong. 'Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Ayos lang kung hindi mo sagutin ang tanong ko." Nahiya ako. Pakiramdam ko hindi niya talaga nagustuhan ang tinanong ko.
"Nag-uusap naman kaming dalawa... minsan."
"Minsan? Hindi ba kayo close na dalawa?"
Umiling siya. "We're not that close, but we're treating each other as brothers. It's complicated."
"Bakit komplikado?"
Bumuntong-hininga siya. "It's a long story, Jade. Hindi mo rin maiintindihan." Nagpilit siya ng ngiti sa 'kin pero seryoso siya ro'n.
"Pasensiya na. Na-curious lang kasi ako." Napapahiya kong sabi at nag-iwas ng tingin.
"Ayos lang," alam kong napansin niya ang pagkapahiya ko kaya niya 'yon sinabi. Napanguso lang ako dahil nahihiya pa rin. "Hmm. Gusto mo bang lumabas?"
"Ha?"
"Kako gusto mo bang lumabas? Lalabas tayo, gano'n. Pero 'di tayo magcu-cut ng klase."
"Bakit naman tayo lalabas? Anong meron?"
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?