Chapter 29: Sunset

1 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

-Jade-

"WHICH ONE do you think is prettier, friend? The yellow or the blue one?" Inosenteng tanong ni Zilthea habang hawak ang dalawang dress na nakasabit sa hanger. Namimili kami rito sa women's boutique dahil gusto niya raw mag-shopping.

"Hmm," kunyari akong nag-isip. Sinipat kong mabuti ang dalawang dress na pinagpipilian niya. "Mas maganda 'yung color yellow. Mas bagay sa'yo."

"Really?" Tinapat niya ito sa katawan niya ngunit ngumuso rin. "I think mas maganda 'tong blue. What do you think?"

"Hehe. Ikaw bahala..." Medyo magulo rin pala siya, ano? Tinanong niya pa 'ko siya rin pala ang pipili.

"Tsk! Dalawa na nga lang 'tong bibilhin ko! Ang hirap talaga kapag maganda. Lahat ng damit bumabagay sa'yo."

"Sure ka bibilhan mo 'yang dalawa? Mahal 'yan."

"It's fine, Jade," mataray niyang saad. "Ano nang nabili mo? May I see?"

"Ah. Ito lang binili ko oh." Iniabot ko sa kaniya ang binili kong salaming maliit. 'Yun lang kasi 'yung nakita ko na sa tingin ko ay magagamit ko nang matagal. Ang dami kasing gamit dito na pambabae pero nakakalula naman ang presyo.

"Ngi? Ano ka ba naman, girl? Ba't eto lang ang binili mo? Ililibre naman kita, e."

Ngumuso ako. "Ito lang kasi 'yung murang nakita ko. Tsaka 'di rin kase 'ko mahilig sa mga dress-dress na 'yan. 'Di naman ako pala-gala." Katwiran ko. 150 lang 'yung salaming kinuha ko kaya medyo mahal pa rin. Mahirap na makakuha ng 150 ngayon, 'no.

Tinapik naman ni Zilthea ang braso ko. "Iba ka talaga, Jade. Siguro 'pag ibang babae ang sinama ko kukunin nila ang lahat ng gusto nila. You're so kind."

"Hindi naman, hehe."

"Pumili ka na lang ng iba sa ibang shop ah? Para marami kang remembrance sa 'kin. Hihi," bungisngis niya at tumango ako. "Bayaran ko na 'tong mga binili natin. Hintayin mo na lang si coz sa labas."

Tumango ako at nakaawang ang labing pinagmasdan siyang maglakad palayo dala ang sangkatutak na damit na siya ang pumili. Isang hawakan nga lang ang binili ko pero siya parang kailangan niya ng sampung kamay para sa mga bitbit niya. Iba na talaga ang mayayaman.

Lumabas ako ng boutique para hintayin si Rence na nag-cr. Nandito kami sa mall na pagmamay-ari ng kambal ni Tita Zel. Dito kami nagpa-ayos bago ang acquaintance party no'ng nakaraan at ngayon nililibot ulit namin 'to. Sabi ni Rence kapag napagod na raw kami ni Zilthea sa pagso-shopping saka kami maglalaro sa ibang mall kasi walang arcade station dito dahil parang lahat ng tinitinda dito ang ma-mahal.

Binuksan ko ang cellphone ko dahil may nag-message. Si Kuya lang pala.

Siya: anu n ganap sau jn bunso nakidnap k nba hhah
Ako: i2 masaya kc busog aku sa pagtingin ky rence
Siya: landi m tlga kapatid bwct
Ako: hahahahaaa.... mamaya paku makakauwi kx gagala p kmi hehhe dba anggaling
Siya: ok wg kna umuwi
Ako: 👍

Susundan ko pa sana ng message ang like ko na 'yon pero may lumabas na notification galing sa messages. Pinindot ko 'yon dahil hindi pamilyar 'yung number na nag-message.

Stranger: hello, you're so cute in personal :>>

0.0?

Ako: cnu pu i2
Stranger: your schoolmate :>
Ako: ah heheh sino k nga po?name nyu po
Stranger: 👿

Luh. Baliw ba 'to?

"Hey, Jade."

Umangat ang dalawa kong balikat nang bigla 'yong tapikin ng kung sino. Lumingon ako at nakita ko si Rence na nakataas ang isang kilay.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now