CHAPTER TWENTY-EIGHT
Someone's Point Of View
(not gonna reveal in this season)A year ago...
"Hi, Margareth! What's up? Have you forgotten what I told you?!"
Masaya kong sinalubong ang secretary kong si Margareth pagkauwi ko sa bahay. She's been staying here for two nights, and now I'm saying goodbye to her. But of course she won't end up with nothing as if she spent nights here without reason.
Tinignan ko si Dad na agarang lumingon sa gawi ko nang marinig ang sinabi kong 'yon sa secretary ko. Itinaas ko ang mga balikat at muling binalingan si Marge. I gave her a meaningful look.
Kumunot ang noo ko nang makita ang matamlay niyang mukha. Agad na pumasok sa isip kong malungkot siya dahil uuwi na siya so lumapit ako para yakapin siya. Lagi naman kaming nagkikita sa company at mababaw lang ang dalawang gabing inilagi niya rito para malungkot siya nang ganito. I feel attached to her. Siya lang ang naging kaibigan ko rito.
"You can go home now, Margareth. Thank you for staying here." Ani Dad kaya naghiwalay kaming dalawa.
"Hey. Diba sabi mo nagawan mo ng paraan 'yung problem ko? What's the thing you were talking about?" Napalitan ng pagtataka ang boses ko habang tinatanong si Margareth.
Bumuntong-hininga siya at yumuko. "I'm sorry. Your dad didn't allow me to get you out of here."
"What?" Napalunok ako at binalingan si Dad na nakatingin pa rin sa 'kin. Umawang ang labi ko at binalingan ang secretary ko. "Why did you tell him?" Nairita naman ang boses ko.
"And do you still think you're gonna escape from me, daughter? The things you've settled for your will are against my rules. And the choice you've made to hide wasn't a good one." Tugon ni Dad sa malamig na tono ng boses.
Mas lalo namang umawang ang labi ko. "Why did you..."
"Margareth is your secretary but you can't control her, but I can. Just respect her decision to not help you with whatever your concern is."
"I'm gonna go back to the office. I'm sorry. I hope you forgive me." Sinserong sabi ng secretary ko at lumabas ng bahay dala ang mga gamit niya.
Napaatras ako habang napapalunok sa panlulumo. I wasn't expecting this to happen. I thought I could escape from here with the help of Margareth. But I'm still wrong. Kahit anong gawin ko hindi ako makawala sa kamay ng Daddy ko.
Masayang-masaya pa 'ko habang nagmamaneho kasi akala ko masosolusyonan ko na ang problema ko. Pakiramdam ko sobrang tagal ko nang nakatago sa kural na 'to dahil para akong nagigipit kahit totoo naman. Laging naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga sandaling itong nabalewala na naman ang kagustuhan ko.
Lumapit si Daddy sa 'kin at hinawakan ang dalawa kong balikat. Tinignan niya 'ko sa mga mata kaya agad akong pinanggiliran ng luha.
"Are you still hoping you can escape from me, my princess? You know me. Ayokong may kumikilos nang palihim dahil hindi sila nakakaligtas," aniya kaya agad akong tinamaan ng takot. Tama siya dahil palihim nga naman talaga ang ginawa kong paghingi ng tulong sa secretary ko. At 'yun ang ayaw niyang nangyayari dahil malalagay ako sa alanganin. "But I'll let this slide this time, daughter. I hope this won't happen again. Hm?" Dagdag pa niya't inayos ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid.
Tumalikod siya pero naglakas-loob akong magsalita na naging dahilan ng paghinto niya.
"Why can't you just let me see him again, daddy? Am I not really allowed to see my... my boyfriend?" Alam kong hindi niya magugustuhan ang tanong ko, pero huli na para mabawi ko pa ang sinabi ko. Kahit natatakot e naglakas-loob pa rin ako.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?