Chapter 7: Library

3 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

-Zilthea-

"HOW WAS your school?"

Tinanong ako ni Mommy saktong paghatid sa 'kin ni Lourence sa bahay. Hindi na pumasok sa bahay si coz kasi uuwi na rin daw siya kasi hinahanap na siya ni Tita. Gusto ko pa naman siyang ka-bonding dito.

Lumapit ako kay Mommy at humalik sa pisngi niya bago siya sagutin. "It's fine I guess."

"Hmm?"

"I have a problem on my subject."

"What subject?"

"Mathematics," alinlangan kong sagot. "Yeah. Doon nga."

Doon kasi talaga 'ko nahihirapan sa mga subject namin. Minsan napapagalitan pa 'ko dahil hindi ko nasasagot 'yung mga pinapa-recite sa 'kin. Ang dami-dami kasing formulas, equations, at lahat-lahat. Nahihirapan ako at para 'kong nai-stress. Lahat kasi ng mga kamag-anak ko magaling sa subject na math except sa 'kin.

"Do you want me to get you a tutor?" Suggestion bigla ni Mommy.

"What for, mom?"

"Of course para maturuan ka at hindi ka na mahirapan sa subject mo. Gusto ko lang naman na hindi ka masyadong ma-hassle sa pag-aaral mo."

Umiling ako. "I don't think I will be needing that."

"Why is that?"

"P'wede naman siguro akong turuan ng friend ko e," sagot ko nang may maisip. "Yup. P'wede niya 'kong turuan. Scholar siya sa school."

"Sinong friend mo? Baka p'wede ka niyang turuan dito," nakangiting sabi niya ulit. "Dito ka niya sa bahay tuturuan. Isn't that good?"

"Talaga, mom?" Tumango siya. "Friend ko naman siya kaya sigurado akong papayag siya."

"Ano palang pangalan ng friend mo?"

"Jade is her name. Alam mo, mom? Cute din siya and smart. I'm sure you'll like her."

"Okay. Papuntahin mo siya rito sa bahay pagkatapos ng school niyo para i-tutor ka niya sa math," sabi ni mom at nag-nod ako. "O siya. Go to your room para makapagpalit ka ng damit. Tatawagin na lang kita kapag dinner na." Utos niya pa kaya umakyat na 'ko sa kwarto ko.

I feel exhausted today. Pero 'di bale, okay naman na 'ko sa ganitong set up kasi maganda at mga kasing-level ko ang mga students. Mahirap lang talaga 'yung mga lessons at sa math ako pinaka-nahihirapan, kabaligtaran naman ni Jade na magaling do'n. Kaya feeling ko mas okay na i-tutor niya 'ko. Maliit lang siya pero alam kong kaya niya 'kong turuan.

Habang nagpapalit ako ng damit ay naalala ko 'yung lalaking nagpakilala sa 'kin kanina sa school. Nakakainis dahil naalala ko na naman siya pati 'yung mga sinabi niya't ginawa. Bwisit na bwisit ako. I want to punch them one by one.

Hinihintay ko sa labas ng comfort room si Jade dahil naghuhugas siya ng katawan niya, or it's better kung maligo na lang siya para wala na talaga 'yung dumi sa katawan niya.

Nakakainis kasi ang Wanda Girls na 'yon, e. Kung p'wede ko lang silang gyerahin for them to feel my anger, gagawin ko na. Nakakainis talaga sila. Parang hindi sila nadadala sa ginagawa nila sa kaibigan ko. Kapag ako talaga nainis sasabunutan ko sila isa-isa para dama nila ang inis ko. They're so so so bitches! I hate them!

Palalagpasin ko lang sila ngayon kasi pinipigilan din ako ni Jade na labanan sila. Mabuti nga at napipigil pa ni Jade ang sarili niya na labanan ang mga 'yon, e. Kapag ako kasi 'yon, sasabunutan ko agad sila. They're losing my patience and I won't think twice to have a fight with them again. Wala silang karapatan para ganituhin ang kaibigan ko.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now