: ALL FICTION
CHAPTER FORTY-THREE
- Dominic -
DINALA SA ospital si Lourence sa tulong ng security guard na siyang sumita sa akin kanina. Wala pa rin siyang malay at walang tigil ang pagdugo ng likod ng ulo niya habang nasa stretcher siya't dinadala sa emergency room.
Tinawagan ko si Mommy na magpunta rito dahil hindi ito ang ospital kung saan siya nagtatrabaho. Expected ko nang sobra siyang mag-aalala at maghihisterya sa sinapit ng anak kaya hinanda ko na rin ang pasensiya ko. Tinanong niya 'ko sa nangyari pero hindi ko binanggit na nakaharap ko ang gumawa nito kay Lourence. Uusisain niya 'ko at ayoko namang magkwento dahil baka ako pa ang masisi nila sa nangyaring 'to.
Okupado rin ang isip ko sa pag-iisip sa gumawa nito kay Kuya. Hindi naman siya mahilig gumawa ng kabalbalan sa ibang tao pero sa ginawang ito sa kaniya ay para bang napakalaki ng kasalanan niya sa taong 'yon. Maaari niya 'yong ikamatay dahil hamak mas malakas ang tama niya kesa sa naging tama ni Aleiha kanina.
Iniisip ko kung anong atraso sa taong 'yon ni bonsai at Kuya para gantihan niya sa parehas na paraan sa iisang araw lang din. Hindi lang nagkataong parehas ang sinapit nina Aleiha at Lourence ngayong araw dahil paniguradong may dahilan 'yon, at 'yon ang hindi ko mahulaan dahil hindi ko rin kilala ang taong 'yon. Pero isa lang ang alam ko; malapit lang sa kanila ang taong nakamaskara at nagmamasid sa paligid.
"Nasaan ang anak ko, Jhulie?"
Napalingon ako nang mangibabaw ang boses ni Dad. Naglapat ang mga labi ko at lihim na napairap dahil wala pa man ay parang naghahamon na siya ng away.
"He's still inside the room, hon." Sinagot siya ni Mom kaya naupo ito sa kaniyang tabi.
"Ano'ng nangyari sa lakad niyo at ganiyan ang sinapit ng kapatid mo?" Ako naman ang tinanong ni Dad at hindi maipaliwanag ang inis sa mukha niya.
"Ewan ko."
"Anong ewan mo?"
"Nakita ko na lang siyang walang malay sa restroom. Malay ko ba kung anong nangyari sa kaniya?" Mabilis akong nairita.
Suminghal naman siya. "Himala namang ikaw ang nakaligtas at kapatid mo ang minalas."
"Matutuwa ka ba kapag nasa loob ako ng kwartong 'yan?" Sarkastiko kong tanong sa sarkastiko niyang pahayag.
"Dominic," nanunuway ang tinig ni Mom kaya napatiim-bagang na lang ako. "He didn't know Lourence would be in this situation, Nate. Mabuti nga at hindi silang dalawa ang napahamak kaya magpasalamat na lang tayo."
"I don't want our son to be admitted to this kind of hospital. Let's transfer him to Frank's hospital as soon as possible." Patungkol niya sa ospital kung saan nagtatrabaho ang asawa at kaibigan. Palibhasa ay maliit lang ang ospital na 'to ay hindi siya komportable sa maraming tao at paligid.
"How about our flight later, hon? Lourence's not able to come with us."
"We won't go. The wedding is cancelled."
Nagulat si Mom at napakunot-noo naman ako.
"Ano'ng nangyari? Ikaw ba ang nagpa-cancel dahil sa nangyari sa anak mo?"
Umiling si Dad na masama ang tingin. "It's those Brits fault. They had a change of mind as to his son's request," saka siya napailing. "Sayang ang mga ipinuhunan ko sa kasal na 'yon para ikansela nila, mga lintek."
Tipid akong ngumisi. "They did the right thing. They prioritized Dela's happiness and you didn't."
Naging matalas ang mga mata niya nang mag-angat ng tingin sa akin. "You don't speak to me in that way, Dominic. You don't know everything."
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Roman pour AdolescentsThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?