Chapter 2: Dominic

1 0 0
                                    

CHAPTER TWO

-Dominic-

"PLANO MO bang magpa-late, Dominic?" Tanong ni Mommy nang makita niya 'kong bumaba mula sa kwarto ko.

"What's the day today?" Malamig kong tugon at nagsimulang kumain ng breakfast.

"It's monday, anak. May pasok ka sa school at kailangan mo nang bilisan. Lourence's there and I thought you followed him already."

"Okay."

Monday pala ngayon at ngayon ang first day of class namin sa Jordan High. Nu'ng umuwi ako dito galing ibang bansa, sinabi na sa 'kin ni Mom na enrolled na kaming dalawa ng kapatid ko sa isang school at do'n nga 'yon. Pero wala naman siyang sinabi na ngayon pala ang pasukan.

At wala rin akong pakialam kung ma-late pa 'ko. Hindi ko naman kasi alam na ngayon pala ang first day of school, e. Sana in-inform ako para maaga akong nagising.

Hindi na 'ko nagpaalam at deretso na 'kong pumasok sa school. Sabi ng kapatid ko 7:00 ang pasok dahil may flag ceremony pero 7:30 talaga ang original na simula ng klase kaya maaga pa 'ko. Si Mommy lang talaga ang OA.

Kaunti lang ang nakikita kong mga estudyante na naglalakad pero hindi ko sila pinansin. Tumunog ang phone sa bulsa ng pants ko.

It's Lourence Kyle. Maaga siyang pumunta rito dahil siya raw ang president ng student council at ako raw ang vice-president dahil kapatid niya naman ako. Masipag talagang pumasok sa school ang kapatid ko kaya magkaibang-magkaiba kami.

"Bakit?" Pagsagot ko sa tawag.

"Dominic. Can you come here in dean's office? Dean needs to talk to us. He has important thing to say." 'Yun lang at pinutol na niya ang linya.

Malalim akong bumuntong-hininga at napapikit nang mariin. Ano bang gagawin ko ro'n? Tsh. Nakakainis naman.

Nasa ID ko nakalagay kung nasa'n ang number ng locker ko kaya agad akong nagpunta sa locker room para ilagay do'n ang ilang gamit kong hindi ko naman magagamit at nagsisilbing pabigat lang sa bag ko.

"Sorry..." Pagkaharap na pagkaharap ko ay may bumangga sa 'kin na isang babae. Hindi ko siya nakikita kasi hanggang braso ko lang siya, pero alam kong babae siya.

Tsh. Tanga.

Umirap na lang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad at hindi na pinansin ang babae.

"Sorry..." Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang mahinang boses ng babae na bumangga rin kanina sa 'kin. I'm not looking at her but I got familiarized with her voice.

Hindi ko ulit siya pinansin at nilagpasan siya. Tanga siya at halatang nagpapapansin sa 'kin. Sukat kinuhanan ako ng pictures kanina. For sure may gusto lang siya sa akin.

"Hindi ka man lang nag-sorry ah?"

Napahinto ako sa paglakad nang marinig ko siyang magsalita.

Salubong ang kilay ko siyang hinarap at pinagtaasan ng kilay.

Tss. Iba na talaga ang mga babae ngayon. Kaya ayokong mag-enroll sa school na 'to, e. Unang araw ko pa lang may na-encounter agad akong tangang babae.

"Mag-sorry ka sa 'kin, lalaking pipi."

Bonsai. Tsh.

"Sabi ko mag-sorry ka," muling utos niya pero tinignan ko lang ulit siya habang kumukurap-kurap. "Hindi mo ba 'ko susundin? Pipi ka talaga, 'no? Magso-sorry na nga lang hindi mo pa masabi."

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now