Chapter 16: Second Warning

3 0 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

-Jade-

DINUKDOK KO ang mukha ko sa armchair at nakapikit na bumuntong-hininga. Nakaramdam ako ng antok sa sandaling 'to kaya mas mabuti kung ipipikit ko muna ang mga mata ko kahit sandaling minuto o segundo lang. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa puyat o dahil sa pagpunta namin ni Kuya sa Tuesday.

No'ng pumunta kami ro'n kagabi hindi ako pinainom ni Kuya ng alak na sinasabi niya. Pero no'ng nalasing siya bigla naman niya 'kong pinwersa na inumin 'yung iniinom niya. Kahit kelan 'di pa 'ko nakatikim ng alak o kahit 'yung simpleng mga alkohol na inumin kasi hindi ako pinapayagan ni Kuya. Kaya gano'n na lang 'yung pagiging sabik ko na makainom no'n kagabi at talagang tuwang-tuwa pa 'ko nang first time ko 'yong ininom.

Eh, ang kaso malakas pala ang tama ng alak sa katawan ko kaya nalasing ako nang walang kahirap-hirap. Isang maliit na basong beer lang 'yung ininom ko pero nahilo agad ako at parang biglang nabaliw. Hindi ko alam kung gano'n lang ba talaga 'yung nangyayari kapag first time mong uminom ng alak, pero sa tingin ko hindi dahil hindi naman gano'n si Lovely dati no'ng uminom siya no'n. Kaya nalaman ko na sobrang lakas ng epekto ng alak sa 'kin pati na sa katawan ko, na kahit tikim lang e guguhit na agad sa lalamunan ko 'yung likido at mapupunta sa baga ko hanggang sa mapunta sa sikmura ko.

Kaya ito ngayon ang kinalagyan ko. Hanggang ngayon inaantok ako dahil inatake ako ng insomnia ko kagabi. Hindi ako nakatulog nang maayos pero wala naman akong iniisip. Basta ang alam ko lang nahihilo ako at gusto ko pa ulit tikman 'yung alak na 'yon.

Ipapangako ko sa sarili ko na hinding-hindi na 'ko iinom ng mga gano'ng uri ng inumin dahil grabe ang epekto no'n sa 'kin. Nadala na 'ko sa kagabing nangyari at ayaw ko nang maulit pa 'yon dahil pahirapan akong makatulog at hindi pa 'ko masyadong nakaka-recover sa mga bagay-bagay dahil lutang ako. Mabuti na nga lang at nakapasok din ngayon si Kuya sa school nila dahil pinilit lang siya ni Nanay.

Bumuntong-hininga ulit ako at ito na naman ang kagustuhan kong matulog.

"Uy. Jade."

Biglang may kumalabit sa 'kin pero hindi ko 'yon pinansin kasi alam kong si Bryle lang 'yon at baka mag-feeling close na naman siya gaya ng kahapon.

"Ay. 'Di ka namamansin? Famous ka ba?"

"Anong kailangan mo?"

"Itatanong ko lang sana kung bakit wala pa si Zilthea my loves. Kanina ko pa kasi siya hinihintay pero wala pa siya. Absent na kaya ang bebe loves ko?"

"Ewan. Ba't mo tinatanong? Ang aga-aga pa kaya. Baka mala-late lang siya."

"Ay ganu'n? Sayang. Gusto ko pa naman siyang i-congrats."

Nagtataka ko siyang tinignan, nakanguso. "Bakit mo siya ico-congrats? Hindi naman siya nanalo sa contest, e."

Ngumisi siya nang tipid. "But she won my heart, Jade. Siya ang nanalo rito sa puso ko. Alam mo ba 'yon?"

"P'wede ba? Kung ganiyan lang pala ang sasabihin mo sa 'kin h'wag ka na lang magsalita." Corny nitong lalaking 'to. Hindi ko alam na may nabubuhay na tulad niyang gwapo rito sa mundo na corny'ng magsalita.

"Ikaw naman, Jade. Gusto lang naman kitang maging friend kasi kailangan kita para mapalapit ako kay Zilthea my loves," aniya na animong nagtatampo. "P'wede ba tayong maging friends, Jade?"

"Oo naman."

"Woah. Talaga?"

"Kaso walang benefit."

"Uy. H'wag ka namang ganiyan, Jade," sinangga niya 'ko sa braso kaya kumunot ang noo ko. "Corny akong tao pero hinding-hindi ako makikipag-friends with benefits sa'yo. 'Di ako pumapatol sa mga bata."

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now