CHAPTER THIRTY-TWO
-Jade-
ILANG BESES na 'kong nagpapalit-palit ng posisyon sa paghiga dahil hindi ako makatulog ngayong gabi. Ala una na ng madaling araw pero heto ako ngayon at nahihirapan sa pagtulog. Kanina naman sa school gustong-gusto kong pumikit pero ngayon inaatake na 'ko ng insomnia.
Wala namang laman ang isip ko. Wala akong maisip na p'wede kong isipin dahil ang mata ko lang naman ang ayaw pumikit. Feeling ko ang dami-dami kong iniisip kahit blanko ang utak ko. Sinubukan kong magpatugtog ng kanta pero walang naging epekto sa akin.
Bumuntong-hininga ako at bumaba para magtimpla ng gatas. Nagtaka ako kasi bukas pa 'yung ilaw, 'yon pala gising pa si kuya at nakaharap sa laptop niya. Mukhang gumagawa siya ng assignment nila.
"Ba't 'di ka pa natutulog, kuya? Anong oras na." Nakaw-pansin ko at nagtungo sa kusina para magtimpla ng gatas.
"Sinimulan ko lang 'tong project namin para konti na lang gagawin ko sa susunod," tugon niya at napatango ako ako dahil nagsisipag na naman siya. "E ikaw? Dapat tulog ka na ngayon dahil maaga pa ang pasok mo bukas."
Napanguso ako. "'Di kasi ako makatulog, e. Kahit anong pilit ko ayaw pa ring manahimik ng diwa ko. Napatimpla na tuloy ako."
"Kung ano-ano kasi ang iniisip mo. Kung nag-aaral ka edi sana mas mapapagod ang utak mo't aantukin ka."
"Nag-aaral naman ako ah?" Uminom ako ng gatas.
Nilingon niya 'ko at pinagtaasan ng isang kilay. "Nakausap ko kanina 'yong teacher mo sa chemistry. Sinumbong niya sa 'kin 'yung mga kabaliwan mo sa subject niya. Sabi niya baka mawala raw ang scholarship mo kung patuloy kang hindi mag-aaral ng chem."
0.0
"Pa'no naman nagsumbong si sir? Nagpunta siyang school mo, gano'n?" Gara talaga no'n ni Sir Terror. Talagang nagsumbong pa sa kapatid ko e p'wede namang sa 'kin na lang siya magreklamo. Papagalitan pa 'ko nito ni Kuya, e.
"Tch. Magkaibigan kami dati no'ng nag-aaral pa 'ko sa JH kaya close kami. Saktong nakita ko siya kanina kaya nagsumbong na siya."
Umawang ang bibig ko at biglang napalunok. "Kaya pala kilala niya 'ko no'ng first day of school pa lang." Akala ko pa naman may samaligno na 'yon si Sir no'ng binanggit niya ang pangalan ko dati kahit 'di pa 'ko napapakilala. Kinabahan naman ako ro'n.
Nilapitan ko si Kuya at tinabihan. "Kung close pala kayong dalawa ni sir, bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya na taasan ang grade ko para hindi mawala ang scholarship ko? Magagawa mo naman 'yon para sa kapatid mo diba, Kuya?" Nakangiti kong sabi na parang nang-uuto. "Ah!" Nahawakan ko ang ulo dahil bigla niya 'kong kinotongan!
TT_TT
"Shunga ka talaga. 'Di por que close kami ako ang magdedesisyon sa grade mo. Ba't 'di ka na lang mag-aral kesa ang mang-utos?" Pasinghal niyang tugon kaya sumimangot ako.
"Pa'no nakakainis siyang magturo. Wala nga akong naiintindihan sa mga sinasabi niya tapos nagsusumbong pa. Kung p'wede nga lang ibabagsak ko ang subject niya," pasaring kong sabi na umirap pa. "Oo na. Mag-aaral na 'ko nang mabuti para hindi na magsumbong 'yang si Sir Terror."
"Umakyat ka na. Maaga ka pang gigising."
"Mm. Goodnight." Hinalikan ko siya sa pisngi bago lulukso-luksong umakyat sa taas bitbit ang gatas ko. Kini-kiss ko talaga minsan si Kuya sa pisngi kasi dati ko pa 'yon ginagawa. Minsan nga nandidiri siya e magkapatid naman kami.
Nilapag ko muna ang baso sa lamesa sa tabi ng kama at kinuha ang bag ko para ayusin ang mga gamit ko. Wala na talaga akong magawa kaya aabalahin ko muna ang sarili ko't baka dito ako makatulog.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Ficção AdolescenteThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?