CHAPTER TWENTY-SIX
-Jade-
IIKA-IKA AKONG lumapit kay Ms. Florenzo habang iniaabot ang index card ko dahil ngayon ang debate namin sa subject niya. Pinagkunutan niya pa 'ko ng noo sa naging lakad ko pero ngumuso lang ako't nagbaba ng tingin at iika-ika ring naglakad pabalik sa upuan ko.
"Aray." Napadaing ako dahil saktong umupo ako e bigla ring sumakit ang tumbong kong nabugbog yata kanina sa pagbagsak ko sa library.
Ngumuso lang ulit ako at yumuko dahil ang sakit-sakit ng pwet ko. Hindi ako makalakad nang maayos at matino kasi ang sakit. Parang may bukol na namamaga na hindi mo maintindihan dahil makirot siya at masakit.
Kasalanan kasi 'to ni Dominic, e. Kung hindi niya sana 'ko hinila at ibinagsak kanina sa library sana hindi pa 'ko ganito kumilos ngayon. Ang bagal-bagal kong maglakad at halos mahawakan ko pa 'yung pisngi ng pwet ko dahil sumasakit 'yon t'wing maglalakad ako. Napapatingin tuloy sa 'kin ang mga kaklase ko kasi alam ko mukha na naman akong tanga sa paraan ko ng paglalakad.
"Okay ka lang ba, Jade?" Biglang tinapik ni Zilthea ang braso ko.
"Masakit lang 'yung pwet ko." Pag-amin ko kasi feeling ko umurong na 'yung mga tae ko kasi naka-stock sila sa rectum ko at hindi ko sila maitatae mamaya.
"Kawawa ka naman. Baka hindi mo makayanang makatayo nang matagal mamaya sa debate."
Umiling ako. "Hindi naman ako sasali. Ang mahalaga may gawa ako sa seatwork ni Miss kanina."
"Sabagay," itinaas niya ang mga balikat. "Pero sabihin mo lang sa 'kin 'pag sobrang sakit na niyan ah? We can go to clinic para malagyan mo 'yan ng compress o mag-pain reliever ka na lang."
"Hindi na. Kaya ko naman 'tong tiisin."
"Masakit pwet mo, Jade?!"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla 'yong isigaw ng nakikisaling si Bryle sa buong klase!
Sinuway siya ni Zilthea. "Ang ingay mo naman. Could you please shut up?!"
"I'm just asking. May pain reliever kasi ako rito para 'di niya maramdaman 'yung sakit ng pwet niya!"
"Mr. Santiago! What's with your words today?!" Suway ni Ms. Florenzo sa kaniya kaya nagulat ang maingay na si Bryle at natakpan ang bibig niya.
"E Miss, masakit daw po kasi 'yung tumbong ng friend ko. Nagsu-suggest lang po kung gusto niya ng pain reliever."
"You can say that without yelling. You're interupting me," singhal pa ulit nito. "Don't make a noise, class. We'll start our debate now!"
"Sorry, Miss!" Pahabol na tugon ni Bryle at humalukipkip. "Jade. Ayaw mo talaga ng pain reliever? Pantanggal sakit ng pwet 'yon."
Sumimangot ako. "H'wag na lang. Mawawala rin 'to." Sagot ko kasi hindi ko naman hiningi ang tulong niya para mag-suggest siyang gumamit ako ng pain reliever.
Magde-debate kami tungkol sa mga bayani dahil 'yun din ang lesson namin ngayon. Pinaghiwalay niya ang mga index cards naming lahat kasi mahahati sa dalawang grupo ang klase namin kaya ang naging arrangement ng silya namin ay two lines on the sides at tatayo na lang kami kapag gusto naming kontrahin 'yung mga sumasagot.
Wala naman akong planong sumali sa ganito pero ang sabi ni Miss hindi raw niya pabababain ang mga hindi nakipag-participate kaya sasagot na lang ako kahit isang beses. At kabilang din ako sa grupo ng PRO at kalaban naman namin 'yung mga CON na nasa harap namin. Nakakainis nga kasi ako lang dito dahil nasa kabilang grupo si Zilthea o kahit si Bryle kaya wala rin akong madadaldal. Idagdag pa 'yung sakit ng pwet ko kaya alam kong mahihirapan na naman akong tumayo nito.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?