PROLOGUE
Umuulan ngayon sa Cavite. Malakas ang hampas ng hangin at malakas ang pagbugso ng ulan. Sa tingin ko bagyo na 'to kasi sobrang lakas talaga ng ulan. Walang binalita na may bagyo pero parang anumang oras e magkakaro'n na ng thunderstorm.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakatingin sa labas ng nakabukas kong bintana, at pinagmamasdan ang mga sumasayaw na punong nakikita ng mga mata ko. Libre naman akong nakakapag-sight seeing dito sa bintana.
Gusto kong panoorin na lang ang mga puno na parang kumekendeng katulad ng mga dancers sa Wowowillie, hehe. Kahit umuulan ang ganda pa rin nilang panoorin tapos nakakagaan din sila sa pakiramdam. At feeling ko sila ang kailangan ko para hindi ako maging malungkot.
Malungkot ba talaga ako? Bakit nga ba?
Nakanguso akong bumuntong-hininga at hinawakan ang pareho kong braso dahil sa lamig ng simoy ng hangin. August pa lang pero parang december na sa lamig. Siguro magtutuloy-tuloy pa 'tong bagyong 'to hanggang bukas o sa susunod pang mga araw.
Gusto kong matawa dahil para bang nakikisama ang mga puno sa nararamdaman ko ngayon. Higit na kailangan ko ang pagdamay nila sa 'kin dahil malungkot talaga ako. Gusto ko ring manghinayang sa hindi ko malamang kadahilanan. Umuusbong ang lungkot sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ba gano'n.
Hinawi ko ang buhok ko na nilipad ng malakas na hangin. Napayakap ulit ako sa sarili ko at nanginig dahil hindi ko na talaga kinakaya ang lamig.
Umalis ako sa kinauupuan ko at isinara ang bintana ko. Natigilan ako sa pagsasara nito nang may mahagip ng mga mata ko.
0.0?
Natuon ang paningin ko sa isang lalaking nasa labas ng bahay namin. Nakaupo siya sa gilid ng kalsada habang nakapatong ang magkabilang braso sa kaniyang nakataas na dalawang tuhod. Nakayuko siya pero sa pagtaas ng kaniyang mga balikat, nasisiguro kong umiiyak siya.
Bago lang kaya siya rito? Tanong ko sa isip. Ni minsan hindi ko pa nakikita ang lalaking 'yon sa labas namin. Ang lakas kasi maka-rich guy ng suot niya at isa pa, ngayon ko lang din siya nakita kaya hindi ko siya mapamilyaran. Nagtataka tuloy ako kung bakit sa taon ng inilagi ko rito sa bahay namin e ngayon lang ako nakakita ng isang lalaking grabe umiyak.
Nauulanan na siya pero mukhang wala siyang balak na pumasok sa bahay nila. Ni wala siyang dalang payong o kahit masisilungan man lang. Mukha na rin siyang nilalamig habang nakaupo do'n. Sa tingin ko may problema ang lalaking 'yon kasi umiiyak.
Ano kayang problema niya?
Iyon agad ang unang pumasok sa isipan ko. Napakurap ako ng tatlong beses habang nakatitig pa rin sa lalaki at sa isang iglap, biglang nawala ang lungkot sa kalooban ko at mapalitan ito ng hindi pangkaraniwang tuwa. Hindi ko maintindihan, nagtataka ako.
Anong sign ba 'to? Dapat na siguro akong mag-toothbrush araw-araw.
Umalis ako sa kinatatayuan ko at kinuha ang pad at lapis ko na ginagamit ko sa pagdo-drawing. Gusto ko sanang i-drawing 'yung lalaki dahil para sa 'kin napaka-gandang tanawin ang pwesto niya para sa mga obra ko.
Iginuhit ko siya na kung saan magiging kamukha niya talaga ang dina-drawing ko. Sa gano'ng posisyon ko siya iginuhit, sa posisyong nakaupo at nakatingin sa kaniyang harap na tila mayroon siyang nakikita ro'n na hindi ko nakikita. Wala naman din kasi siyang ginagawa kaya hindi na rin masama kung ido-drawing ko siya.
0.0?!
"Ay nanay ko!" Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong papel nang biglang tumingin 'yong lalaki sa gawi ko!
Hindi ko nakikita ang kaniyang mga mata dahil natatakpan 'yon ng kaniyang basang buhok, pero sigurado ako na sa akin talaga siya nakatingin.
At sa ganoong distansya niya sa akin ay nakikita ko ang pagtulo ng luha niya kahit umuulan. Gusto ko tuloy siyang lapitan at silungan ng payong pero hindi ko lang magawa dahil una sa lahat, hindi ko siya kilala at hindi rin ako nangingialam sa buhay ng iba. 'Di ko nga alam na may nage-exists pa lang hitsura niya ngayon.
Tinignan ko na lamang ang drawing ko at biglang napangiti nang malawak dahil isa ito sa mga magandang obra na nagawa ko.
Salamat sa lalaking 'yon na nababasa ng ulan. At kapag nakita ko siya sa susunod, tatanungin ko siya kung bakit siya nandito sa tapat ng bahay namin, kung bakit siya tumingin sa 'kin bigla, at kung wala na ba siyang problema.
To be continued...
Next chapter: Jordan high
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?