Chapter 47: Avoidance

1 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN

- Jade -

PAGKATAPOS NG tagpong 'yon sa pagitan namin ni Dominic ay parang nawalan na rin ako ng sigla panandalian. Ang daming laman ng isip ko at lahat 'yon puro negatibo kaya mas bumibigat lang ang pakiramdam ko. Hindi ko inakalang magiging ganito ako sa bahay pa ng iba.

Sapat na siguro 'yong mga reyalisasyong 'yon para matanggap ko na talagang hopiang-hopia ako kay Rence. Ano pa ba'ng sense kung malulungkot ako e alam ko namang sa umpisa pa lang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Mas mabuti ngang maaga niya 'kong binasted para 'di na 'ko magpatuloy sa pag-assume.

"Nainom mo na 'yung juice?" Salubong sa 'kin ni Justin nang makapasok ako sa loob at makita ko siya sa living area at umiinom ng juice.

"Oo nga pala," natitigilan kong tugon at napa-tsk. "Naiwanan ko sa labas, e. Kuhanin ko na lang."

"H'wag na, kiddo. 'Di naman kawalan sa kanila ang mawalan ng isang baso ng juice."

"Gano'n?" Tumango siya kaya napaupo ako. "Bakit mo ba kasi inutusan si Yelong ibigay 'yung juice sa 'kin, ha? Kung 'di niya 'ko sinundan 'di ko 'yon maiiwanan." Gara din ng lalaking 'to, e. Talagang inutusan niya pa ang lakaking 'yon para iabot sa 'kin ang juice, nakita niya pa tuloy akong umiiyak dahil sa kapatid niya.

Tumaas ang isang kilay ni Justin. "Excuse me, pero hindi ko siya inutusang ibigay sa'yo ang juice. Siya ang nagsabing siya ang magbibigay sa'yo."

"Ha?"

"I'm not lying, kiddo. No'ng nasalubong ko siya tinanong niya 'ko kung para sa'yo raw ba 'yung hawak kong baso kaya um-oo ako, tapos sinabi na niyang siya na lang daw ang mag-aabot sa'yo kasi 'di ko naman alam kung nasa'n ka."

Mas nagulat ako. "Sinabi 'yon ni Yelo?"

Kunot-noo siyang tumango. "Bakit gulat na gulat ka? 'Di ba p'wedeng alam niya lang talaga kung nasa'n ka?" Taka niyang sabi. "Tsaka sa'n ka ba galing? Sabi ko kukuha lang akong juice tapos lumabas ka na, tsh."

"N-nagpahangin lang..." Pagsisinungaling ko at napaiwas ng tingin dahil sa nalaman ko.

Ibig sabihin ginusto talaga akong sundan ni Yelo kanina no'ng nakita niya 'kong umalis? Nagpalusot lang siya sa 'king inutusan siya ni Justin na ibigay sa 'kin 'yong juice dahil plano niya talaga akong sundan?

E pero bakit naman? 'Di ba dapat wala naman na siyang pake kahit umiyak pa 'ko? Tapos kanina rin napakwento siya kahit pinaparamdam niya sa 'kin dati at no'ng mga nakaraang hindi ako dapat nangingialam sa buhay nila. Hibang ba siya at naisip 'yong gawin sa 'kin?

"That's all for today, guys! Let's do our best tomorrow, okie?!" Masiglang sabi ni Christine nang sabay silang magpunta rito ni Dominic.

Kunot-noo kong tiningnan si Yelo at hindi inaasahang tumingin din siya sa akin. Bahagyang nanliit ang paningin niya na parang inaalam kung ano'ng tinitingin ko sa kaniya, pero nang hindi ko siya tigilan ay siya na rin ang umiwas ng tingin.

May sayad kaya ang tulad niya?

"Ihatid na kita, kiddo. Nagdidilim na 'yung langit oh, delikado na sa labas." Biglang presinta ni Justin pagkatapos ng practice namin.

"H'wag na, kaya ko namang mag-commute e."

Inakbayan niya na naman ako. "Alam ko, pero gusto kitang ihatid. Sabi ko nga sa'yo crush kita, 'di ba?"

Nang tingnan ko siya ay nakangisi siya kaya napasiring ako. "Oo na, dami mo pang sinasabi."

Tumawa lang siya na parang tuwang-tuwa sa pang-aasar sa 'kin. Gaya nga ng sabi niya ay siya nga ang naghatid sa 'kin kaya nakasakay ulit ako sa kotse niya. Mabait pala 'to maging kaibigan.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now