Chapter 39: The Lodge

1 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

-Dominic-

HALOS MAGDIKIT ang mga kilay ko nang bigla lang akong layasan ni Aleiha habang nag-uusap kami. Tinanaw ko ang likuran niya at nadagdagan ang inis ko dahil mukhang balewala lang sa kaniyang naiinis ako sa nalaman kong pagtapon niya sa binigay ko sa dati.

Binilisan ko ang paglakad ko para maabutan siya.

"Baliw ka ba, babae? Bakit mo tinapon ang stuffed toy na 'yon?" Pinahalata ko ang inis sa boses ko.

Nilingon niya 'ko saglit pero agad ding suminghal at pairap na nag-iwas ng tingin bago ituloy-tuloy ang paglakad.

Napahinto ako at nakaawang ang ang bibig na sinundan siya ng tingin.

"Ha," natatawa at hindi makapaniwalang singhal ko. "Now she's ignoring me? Baliw talaga." Inis na bulong ko sa hangin.

How dare she ignore me like that? I asked her nicely but she just rolled her eyes at me. I really hate her. Nobody else has ever ignored me like that. She's problematic, isn't she?

She's a psycho, a crazy, a loony.

"What happened to my bestie?" Tanong ni Zilthea nang maupo ako sa upuan. Umakyat na 'ko rito sa classroom dahil tapos naman na 'yong pag-uusap kanina sa opisina ni dean.

Hindi naman ako dapat pupunta ro'n kung hindi lang dahil sa babaeng 'yon na parang iiyak na kanina. Ginigisa kasi siya ni Christine at p'wedeng magkasakitan pa sila. Mahina 'yon si Aleiha kaya wala siyang magiging laban.

"Just ask her." I'm not in the mood to tell a story about earlier to anyone. No'ng pumasok nga ako rito nasa akin ang tingin ng lahat, e. Parang lahat gustong magtanong sa 'kin tungkol sa kanina.

Tumango si Zilthea pero nasa akin pa rin ang tingin niya. "Why did you do that, coz?"

"Did what?"

"You announced to everyone that Jade shoud go to the dean's office to talk about the incident earlier. You even told her you never wanted to know her."

"And? Is something wrong about that?" Totoo ang pagtataka sa tono ko.

"Siguro sa paningin ng iba walang mali, pero ako na-feel kong kinakampihan mo si Christine."

"Huh?" Mas lalo akong nagtaka. Seryoso ang tono niya kaya hindi ko maintindihan kung sobrang seryoso ba ng sinabi ko kanina.

"Didn't you see Jade's face while she was waiting for you to respond? I could see she was hoping you'd tell she wouldn't do such a thing. Tapos no'ng sinabi mong dadalhin siya kay dean, mas natakot at kinabahan siya. Napahiya kasi siya, e. Akala niya tutulungan mo siya." Seryoso niya ring paliwanag na mas lalong ipinagtaka ko. Medyo nagulat din ako dahil gano'n ang naging hatid sa kaniya ng sinabi ko kanina.

"I thought you two were already friends. Kung ako ang nasa lagay ni Jade, magagalit ako sa'yo dahil pinalabas mong naniniwala kang kaya kong gawin ang bagay na 'yon." Dagdag pa ni Zilthea nang hindi ako makasagot.

Hindi na rin siya nagsalita at nanahimik na lang. Pero halata pa rin sa kaniyang nag-aalala siya para sa kaibigan niya.

Inisip ko ang mga sinabi niya gano'n na rin ang mga sinabi ko kanina. 'Yon naman talaga dapat ang sabihin ko dahil inaakusahan si Aleiha at si kailangan nilang mag-usap-usap para malaman nila kung totoong kinuha niya ang answer key o hindi. Bakit naging mali siya sa paningin ni Zilthea?

Wala naman akong nakikita sa sinabi ko kanina para isipin ng pinsan ko ang ganon. Una sa lahat, hindi ko kaibigan si Aleiha kahit nag-uusap pa kami. At pangalawa, hindi ko p'wedeng ipagtaggol na lang basta ang estudyanteng gano'n ang lagay. Kung kinuha man niya 'yon o hindi, dapat akong maging patas dahil nanonood din ang ibang tao. Bawal akong maging biased.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now