CHAPTER FIVE
-Jade-
"UY, KUYA." Bumaba ako ng hagdan habang nakatingin sa kapatid ko na nasa salas.
"Hay nako, bunso. Na-miss mo agad ako? Pumasok lang naman ako, e." Kunyari'y naiinis niyang tugon habang nakaupo't nagtatanggal ng medyas sa paa.
"Naiinis ka pa niyan ah?"
"Ba't ba kasi, bunso? May kailangan ka ba sa pinaka-gwapo mong kuya?" Natatawa niyang tanong pero agad ding nanlaki ang mga mata niya.
"Kuya, may itatanong ako."
"Teka lang!"
"Bakit?"
"Maayos na ba pakiramdam mo, bunso? Bakit bumaba ka agad? Baka mamaya nag-aagaw buhay ka na pala tapos pinuntahan mo pa 'ko," hinawakan niya ang balikat ko at inuga-uga 'yon na parang tinitignan ang kalagayan ko. "Bunso! Magsalita ka! Bakit bumaba ka agad?!"
"Kuya." Nagpipigil na pagtawag ko ngunit hindi pa rin siya matigil sa pag-uga sa 'kin.
"Sabihin mo, bunso! Baka mamamatay ka na ngayon tapos hindi mo pa sinasabi sa 'min! Ayoko pang mawalan ng kapatid! Sabi ko naman kasi kay Nanay h'wag ka munang pababain kasi baka nag-aagaw buhay ka na! Bunso! Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa 'min!"
"Ang OA mo! Hindi naman ako nagkasakit kaya h'wag kang OA diyan, p'wede?! Hindi pa 'ko mamamatay at hindi ka pa mawawalan ng kapatid!" Inis na palahaw ko habang masama ang tinging ipinupukol sa kaniya. Bwisit kasi, e. Kung makasigaw akala mo masu-shutay na 'ko. Kailangan ko pa kayang makita si Tobey.
"Sorry naman. Baka kasi malala ka na, e."
"Ikaw ang malala, kuya."
"Nye, imbento! Wala naman akong sakit!"
"Malala ka na talaga," dinuro ko siya't sininghalan. "Malala na 'yang pagiging OA mo."
"Grabe ka naman sa 'kin, bunso. Hindi mo na ba mahal ang pinaka-gwapo mong kuya? Ba't gan'yan ka naman magsalita sa 'kin?" Nagpanggap siyang nagtatampo habang nakanguso pa. "Aray ko naman!" Reklamo niya matapos ko siyang batukan nang malakas.
"Ang gara mo, kuya! Ang dami mong alam!" Inirapan ko siya sa matinding inis. "May itatanong lang ako sa'yo, okay? Ang dami-dami mo pang sinasabi diyan, e."
"Ano ba 'yon?"
"Gusto ko lang sanang itanong kung 'yung kaibigan ko ba talaga 'yong nagligtas sa 'kin sa kahapon. Diba nakita mo 'ko ro'n? Sinabi kasi sa 'kin ni Nanay na kasama mo raw si Rence, 'yung kaibigan ko na hinatid ako rito sa bahay." Huhu. Hindi naman niya siguro nakita na kasama ko si Rence sa labas ng school kahapon, diba? Pagbibintangan niya kasi 'yong jowa ko tapos magsusumbong siya.
Pero hindi talaga 'yon ang itatanong ko kay kuya kasi gusto kong makasiguro sa naiisip ko tungkol sa lalaking naglitas sa 'kin kahapon mula ro'n sa holdaper.
Naiisip ko kasi na si Yelo 'yon pero naguguluhan din ako kung bakit biglang napasok si Rence sa usapan. Ibig kong sabihin, bakit naiisip kong si Yelo ang lalaking nagligtas sa 'kin kung si Rence pala talaga ang nag-uwi sa 'kin dito? Pero sabagay, ang sinabi lang naman sa 'kin kanina ni Nanay e hinatid daw ako ni Rence at Kuya rito sa bahay dahil nakita nila 'ko sa kalsada kaya posibleng tama lang din ako sa akala ko. Pero kailangan ko talagang makasigurado kaya si Kuya ang tatanungin ko ngayon.
"'Yun ba?" Umastang nag-iisip ang kapatid ko dahil napapangiwi pa siya. "Hindi, bunso e."
Nagtaka ako. "Hindi? E sino?"
"Ewan ko. Pero ang alam ko siya lang 'yung nakakita sa'yo kahapon. Wala naman siyang sinabi kung anong nangyari sa'yo kaya siguro hindi niya rin alam 'yung nangyari."
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?