CHAPTER FORTY
- Jade -
NAGISING ANG diwa ko nang may mauliningan akong mga boses na nagsasalita at animong bumubulong sa tenga ko. Habang tumatagal ay palakas nang palakas sa pandinig ko ang mga boses kaya unti-unti hanggang sa tuluyan nang nagising ang diwa ko sa nangyayari sa paligid.
"She's awake, nurse. Thank you."
Nalukot ang mukha ko nang marinig ang boses ni Rence. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at puting kisame ang sumalubong sa paningin ko.
"Hey, Jade. You okay?" Basta ko na lang naramdamang may humawak sa braso ko.
Nang lingunin ko iyon ay si Rence nga ang nakita kong nakatunghay sa akin at nakakunot ang noo. Ilang beses akong kumurap-kurap pero hindi ako namamalik-mata sa nakikita kong pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Nasa'n ako, Rence?" 'Yon ang tanong ko sa kaniya nang maupo ako. Nakahiga ako sa isang puting kama at kataka-takang nakakahinga na ako nang maayos.
Maging ang lugar na ito ay ginulat ako. Ang huli ko kasing natatandaan ay hindi ako makahinga at pinagpapawisan ako sa sobrang init dahil nasa saradong lugar ako. At higit sa lahat, hindi si Rence ang huling taong nakita bago ako magising.
Malamig na kasi rito sa loob at mahangin. Tahimik din ang paligid at ang naririnig ko lang ay 'yong tunog ng umaandar na maliit na bentilador. Ang sarap-sarap langhapin ng hangin dahil mabango. Malayong-malayo sa dinanas ko kanina.
"Nasa clinic ka, Jade. Nahimatay ka no'ng nakita namin kayo sa lodge kanina kaya dinala kita rito."
Naghalo ang gulat at pagtataka sa akin. "Nahimatay ako?"
"Mm. Sabi ng nurse dahil daw 'yon sa nahirapan kang huminga kanina. You almost died because of suffocation. Good thing you survived." Ngumiti si Rence pagkatapos sabihin ang huling pangungusap.
Mas lalo naman akong nagulat at hindi nakapaniwala.
So, dapat mamamatay na talaga ako kanina kung hindi lang ako nadala rito sa clinic? Sabagay. Feeling ko talaga masu-shutay na talaga ako kanina dahil para akong nalulunod. Wala akong masagap na hangin at sobrang nananakit ang dibdib ko. Dumagdag pa ang sakit ng ulo ko. 'Yon ang last kong naramdaman at hindi ko na alam ang mga susunod pang nangyari.
Luminga ako sa paligid nang biglang may maalala.
"Nasa'n si Dominic?" Ewan ko pero bigla 'yong lumabas sa bibig ko. Baka kasi katulad ko lang din siyang muntik nang mamatay at dinala sa clinic, pero hindi ko naman siya makita rito.
Natigilan si Rence sa tanong ko at tipid na ngumiti. "Umuwi na yata siya, e."
"Uwian na ba?"
"Hindi pa."
"Eh, anong ginagawa mo rito?"
"Uh. Binantayan ka hanggang gumising ka?" Patanong niyang tugon kaya hindi ko maiwasang magulat.
"Binantayan mo 'ko...?" Paniniguro ko at tumango naman siya. "Ilang oras ka bang naghintay?"
"Mga thirty six minutes na. Saglit ka lang nawalan ng malay, e. 'Buti naman nagising ka agad."
Natutop ko ang bibig at tumango. "Salamat..."
Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Nahiya ako nang malamang binantayan niya ako nang gano'n ka-tagal. Para sa 'kin matagal ang kalahating oras dahil marami na akong p'wedeng magawa no'n. Ang tibay lang ni Rence dahil nagawa niya 'kong h'wag iwanan.
Hindi na naman tuloy maipaliwanag ang galaw ng mga bulate sa tiyan ko ngayon. Kinikilig kasi ako, e. As in sobra-sobra na kung wala lang si Rence sa harap ko ay sasayaw ako sa tuwa. Gano'n ka-OA. Dahil sa nalaman ko feel na feel kong talagang nag-alala siya sa 'kin dahil nagawa niya pa 'kong bantayan. Alam ko namang may klase siya o may ginagawang ibang bagay pero nanatili pa rin siya rito sa clinic para sa akin. Sobra-sobra na ang bagay na 'yon para sa akin. Sobra akong natutuwa.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?