CHAPTER ONE
-Jade-
"SORRY PO." Sabi ko sa babaeng nabunggo ko sa kalagitnaan ng paglalakad ko sa malawak na field sa Jordan High.
Nagkalat ang mga libro ko sa sahig dulot ng bungguan naming dalawa kaya pinulot ko ang mga 'yon at tinulungan niya naman ako.
"No. It's okay, miss. I'm sorry. I didn't notice you." Sagot ng babae sa 'kin habang tinatago ang kaniyang earphone na marahil dahilan kung bakit hindi niya 'ko napansin.
"Mag-ingat ka na lang sa susunod." Nagpilit ako ng ngiti, o sabihin na nating plastic na ngiti bago ko siya tuluyang lagpasan at magpatuloy sa paglalakad.
Careless naman ni ate.
Mahina akong napasinghal at ngumuso sa paglalakad habang bitbit ang mabibigat na libro ko. Hinahanap ko kasi 'yung garden kasi gusto kong makakita ng mga halaman.
Ngayon ang unang araw ko sa pasukan bilang isang third year high school student. At dahil unang araw ngayon ng pasukan, syempre lunes at lahat ng mga estudyante ay pumunta sa flag pole para isagawa ang flag ceremony.
May nakikita akong mga estudyanteng naglalakad at papunta ro'n pero 'di naman ako susunod. Hindi naman siguro nila 'ko hahanapin.
Maligaw-ligaw ako kanina dahil sa dami ng pasikot-sikot sa school na 'to. Ngayon alam ko na kung bakit ito ang pinaka-kilalang school dito, bukod sa mahal ang tuition fee e nakakalito at nakakalula rin ang nagtataasang mga buildings. Balita ko nga rin may elevator din dito, e. Hehe.
Pagpunta ko sa garden nilabas ko ang pad at lapis ko tsaka nag-drawing ng mga punong nakikita ng mga mata ko. Hilig ko ang mag-drawing at oo, favorite kong iguhit ang mga halaman.
Hay. Sarap sa feeling nito. Mag-picture kaya ako ta's send ko kay Kuya? Hahaha!
v^.^v
"P'wede kang samahan, 'te?" May bigla akong narinig na nagsalita sa tabi ko kaya muntik-muntikan ko pang mabitawan ang mga hawak ko.
Nilingon ko ang nanggulat na 'yon at natulala bigla nang makita ang isang lalaki na nakangiti sa 'kin ng maganda. Natigilan ako sa itsura niya na ngayon ko pa lang nakita sa tanang buhay ko.
Sino 'to? Kapatid ni Piolo Pascual?
Sobrang gwapo niya lalo na't nakangiti pa. Hindi kahabaan ang mukha niya, matangkad siya, malalalim ang mga mata at 'di gaanong malaki, matangos din ang ilong niya at maputi ang balat.
Napakurap-kurap ako bago siya magawang tugunin. "Sige." Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ang mga mata ko sa drawing ko.
Bakit kaya ang gwapo niya? Anghel ba siya? May anghel dito sa JH?
Umupo 'yung lalaki sa katabi kong swing dahil dito ang napili kong maging pwesto rito sa garden. Akala ko naman sasamahan niya 'ko pero naramdaman kong nakatingin lang siya sa ginuguhit ko. Kahit naiilang, mas pinili ko na lang na h'wag siyang sitahin. Naiilang kasi ako sa titig niya.
"Nice sketch, 'te." Biglang sabi niya na nakatitig pa rin sa gawa ko. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.
Natigilan ako. "Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napangiti ako sa pagkabigla.
Minsan lang may pumuri sa gawa ko. Hindi ko naman kasi pinapakita ang mga drawing ko sa mga kasama ko sa bahay. Tinatabi ko na lang para palagi kong tignan. Wala lang. Proud kasi ako sa talent ko. Hahaha.
"Oo. Ang ganda, e."
"Mahilig ako mag-drawing ng puno ta's halaman kasi favorite ko sila." Nakangiting tugon ko ulit sa lalaking angel habang pinagpapatuloy ang pagkiskis ng lapis sa papel ng pad ko.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Fiksi RemajaThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?