Chapter 44: Astony

0 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

- Jade -

PANAY ANG pasasalamat ko kay Lolo Kineng at sa mga anak niya sa pag-alis ko sa kanilang resort. Sinabihan nila 'kong bumalik para may masaya silang bisita. Dahil do'n ay masaya akong umalis at umuwi sa bahay dahil abot-tenga ang mga ngiti nila't malapad ang kaway sa daan ko paglabas. Hanggang sa pag-uwi ko talagang approachable pa rin ang dating nila.

Wala na kasi si Yelo kaya 'di na 'ko nakapagpaalam. Bigla na lang siyang nawala na parang bula at hindi na mahagilap pa kahit saan. Hindi rin naman alam ng mga tao ro'n kung nasa'n siya kaya talagang may samaligno siya't nakapapag-teleport. Pagkatapos ng kaninang tagpo sa 'min ay naging weird na ang pagkilos niya.

Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil parang nawala rin ako sa sarili saglit pagtapos naming matumba't 'di makagalaw nang ilang sandali sa buhanginan. Nandito pa rin sa akin ang panlalamig dahil t'wing naaalala ko kung gano'n kaganda ang mga mata ni Yelo kanina no'ng natitigan ko. Brown na brown 'yung kulay ng kaniya pero parang nagniningning sa araw.

Hay, pero napaka-OA niya naman kung dahil do'n kaya siya nawala bigla. Kapag simpleng interaction lang namin ang nangyayari lagi naman siyang walang pakialam tapos ngayon parang sobra siyang naapektuhan. Wala naman akong dapat na pake, pero iniwanan niya kasi akong mag-isa sa mga bata.

Inalis ko na lang sa isip ko ang tungkol sa bagay na 'yon dahil 'di ko naman na dapat iniisip pa ang lalaking 'yon. Sakay ng taxing tinawag at binayaran ni Lolo Kineng ay nakauwi ako nang ligtas sa bahay ni Tita Cecile kaya muli ko siyang pinaulanan ng pasasalamat.

"Napakatagal mo namang maglibot, Jade? Ilang oras ang inabot mo ah?" Takang tanong ni Nanay nang maabutan ko siya sa kusina at naghuhugas ng pinggan.

Kinamot ko ang batok at tumawa na parang natatae. "Sorry, 'nay. Nasiyahan lang ako masyado e, hehe." 'Di ko masabi sa kaniyang galing ako sa beach dahil baka sabihin niyang sobrang gala ko naman at wala akong kasama. Kapag sinabi ko namang kasama ko si Yelo ay baka maisuplong niya pa kay Kuya.

"Gutom ka ba? Tinirhan kita ng ulam. Tingnan mo na lang diyan sa mesa't nakatakip."

"Hindi na siguro, 'nay. 'Di pa naman ako nagugutom." Syempre echos lang 'yon dahil busog na talaga ako sa pananghalian kanina. Sa dami ng nakahain do'n pati bulate ko sa tiyan solve na solve.

Tumaas ang isang kilay ni Nanay na parang nagdududa sa sinabi ko pero ngumiti lang ako at lulukso-luksong nagtungo sa kwarto namin para hindi na siya makapagtanong pa.

Sumalampak ako sa kama at nakangiting binuksan ang cellphone na hiniram ko pa kay Kuya para magamit ko sa pagkuha ng pictures kanina. Ito kasi malinaw ang quality ng camera kaya mas okay ipangkuha ng pictures.

Hindi siya nakasama ngayon dahil may competition siyang sinalihan na ginanap lang naman sa loob ng school nila. Kinakabahan siya kanina dahil magagaling ang mga kasama niya kaya pinalakas ko lang ang loob niya. For sure siya naman ang mananalo ro'n.

Napabungisngis ako nang makita ang maraming magagandang kuha ko ng larawan mula pa kanina. Marami akong nakuha kanina pero ang gagamitin ko na lang sa project ay 'yong kuha ko sa beach. Doon talaga ako pinaka-nagandahan dahil grabe ang view.

Kahit nando'n si Dominic na kinaiinisan ko at nakaposas pa kami sa isa't isa ay na-enjoy ko rin ang pananatili ko ro'n kahit saglit na oras lang. Sobrang ganda ng lugar at tanawin at mababait ang mga tao lalo na si Lolo Kineng na siyang nagsama sa akin. Masarap din sobra ang pagkain at iyon talaga ang tumatak sa akin. Noon lang ako nakakain kasama ang mga residente ng isang komunidad nang sama-sama.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now