Chapter 42: Underground Battle

2 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-TWO

- Jason -

"SUNDUIN MO ang kapatid mo sa labas, Jason. Hindi mo ba alam ang nangyayari ngayon sa lugar natin?"

Kauuwi lang ni Nanay mula sa pagbili ng ulam sa labas pero inutusan niya agad ako. Tsaka malay ko ba kung anong meron dito sa barangay namin? 'Di ko naman kailangang maging updated, 'no.

"Ano ba'ng meron, 'nay?" Hindi paaabalang tugon ko. Nanonood ako ng UFC sa tv at ayokong maistorbo.

"Narinig ko sa mga kumare kong may pinatay raw na babae malapit do'n may Tuesday, at 'yong pumatay malamang iyon ang nababalitang serial killer dito."

Napasimangot ako. "Tsismis lang 'yan, 'nay. Narinig niyo lang pala, e." Knowing our mother, mabilis siyang maniwala sa mga sinasabi ng ibang tao. Tingnan mo nadala siya sa matatamis na salita ng walang kwenta naming tatay pero iniwan pa rin siya.

Oops. Foul na masyado, haha.

"Ano ka ba? Totoo ang sinasabi ko dahil may nakita rin akong mga pulis sa labas kanina. Hindi ka pa rin ba naniniwalang may mamamatay-tao nga rito sa atin?"

Itinaas ko ang mga balikat. "To see is to believe," balewala kong sagot. "Ah! Aray naman, 'nay!" Reklamo ko nang batuhin niya 'ko ng unan. Natapon tuloy ang kinakain kong popcorn.

v-.-v

"Kung ano-ano pang sinasabi mo riyan! Gusto mo bang itong saging na ang ibato ko sa'yo?!"

"Awat na, 'nay! Masakit, e!" Dati ba siyang assassinator? Ang galing umasinta ng anak kahit malayo siya, e. Ibang klase.

"Tumayo ka na riyan at sunduin ang kapatid mo sa labas! Kapag napahamak 'yon ay hindi ka na makakauwi rito!"

"Hindi pa tapos 'yung pinapa—"

"Bilisan mo bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko!"

"'Nay naman—"

"Jason?!" Inis na talaga niyang pagtawag na masama ang tingin sa akin.

Sumimangot ako at labas sa loob na tumayo. "Ito na po lalabas na. Baka bumuga ka na ng apoy diyan, e."

"May sinasabi ka?!"

"W-wala! Sabi ko ibabalik ko nang ligtas ang kapatid ko!" Umiwas ako nang akma niyang ipapalo sa akin ang kamay niya.

"Bilisan mo bago ko pa maibato sa'yo 'to!" Dinuro niya 'ko ng saging na lakatan.

"Oo na po." Napipilitan kong sabi at nagmadaling lumabas ng bahay dahil baka kung saang kangkungan pa 'ko mapadpad kapag nag-init talaga ang ulo ni Nanay.

Parehas sila ni bunso na mahilig manakit, e. Parehas na ngang maliit parehas pang brutal.

Walang sigla akong naglakad papunta sa pinuntahan ni bunso para sunduin kuno siya. Ang protective talaga ni Nanay pagdating sa bansot na 'yon e siya naman ang nag-utos na pumunta 'yong Tuesday. Tsaka hindi naman por que may pinatay sa lugar namin gano'n na rin ang mangyayari sa kapatid ko. Baka nga ang killer pa ang matakot sa kapangitan no'n, e.

Kumunot ang noo ko dahil may nakita nga akong iilang tao at mga pulis hindi pa man ako nakakapunta sa Tuesday. Sa ilaw na gawa ng sasakyan ng mga pulis ay talagang maaagaw no'n ang atensyon mo at mapapa-usyoso ka.

Totoo palang may pinatay. Akala ko gawa-gawa na naman ng mga tsismosa.

Ang mabilis na naagaw ng atensyon ko ay sina Jade at Lovely na hindi naman nakikisali sa mga taong pinapaalis ng pulis dahil nakikigulo.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now