CHAPTER THIRTY-THREE
-Lourence-
MAHIGIT ISANG oras na ang nakalipas matapos ang insidente sa pagitan nila Dad at Dominic kanina. Mahigit isang oras na rin kaming naghihintay sa pagbalik dito ng kapatid ko dahil umalis siya nang hindi nagsasabi kung saan siya pupunta. Kanina pa namin siya tinatawagan pero nagri-ring lang at hindi niya sinasagot.
Hindi namin maiwasan ang mag-alala. Lalo na si Mommy. Inutusan niya ang personal driver niya at ni Dad para hanapin si Dominic sa sobrang pag-aalala niya. Lumalalim na rin kasi ang gabi at hindi naman namin hahayaang matulog sa labas ang kapatid ko.
Samantala, kasalukuyan namang nagpapaalam ang mga bisita ni Dad na invited para sa welcome party niya rito sa bahay. Nando'n siya at masayang kinakausap ang mga tao na parang walang nangyari sa kanila ng kapatid ko. Knowing him, wala naman siyang pakialam kay JD dahil alam niyang babalik 'yon dito.
"Goodbye, tito. Take care." Nakangiti kong paalam kay Tito Aaron na kasama ang anak niyang si Zilthea.
"Bye, coz. I'll try to find Dominic pa rin." Mahinang ani Z na isa ring nakasaksi sa ginawa ni Dad kay JD. For sure nag-aalala rin siya sa pinsan niya.
Nginitian ko na lang siya at tinapik naman ako ni Tito sa balikat. Nandito ako sa pinto kaya 'yong ibang bisita ay nagpapaalam din sa akin. Kilala nila ako dahil pinakilala ako ni Dad sa kanila kanina. Hindi ko naman kilala ang iba sa kanila dahil pinaghalo-halo silang business partners, colleagues, at staffs sa kompanya ni Dad. Nagulat nga ako dahil ang dami nila.
"I can't find Dominic, Nate. Nag-aalala na ako sa kaniya." Si Mom ang nakita ko na kausap si Dad. Nakasapo siya sa batok niya na para bang sumakit 'yon sa sobrang pag-aalala.
"He'll return if he wants to, wife. He's at the right age already. Stop treating him like a baby." Hindi nababahalang tugon ni dad. Tinanggal niya ang suot na coat at naupo sa sofa.
"Masama na bang mag-alala para sa anak ko? Gabi na at baka kung ano pang mangyari sa kaniya sa labas," mas naghisterya lang si Mom. "Why did you do that to him earlier, Nate? Paniguradong nagdamdam siya sa ginawa mo. Are you sure you're his father?"
"I was just disappointed in him, Jhulie. Kararating ko lang pero binigyan niya agad ako ng sakit sa ulo."
"But it's not right to embarrass him in front of your visitors. Do you even care about his feelings?" Nagtaas na siya ng boses kaya natigilan ang asawa. "Gano'n din siguro ang ginagawa mo sa kaniya sa London habang wala ako. Kaya hindi ko siya masisisi kung naging gano'n ang ugali niya."
Habang nagtatalo sila ay tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag. Tinignan ko ang caller at nagulat ako kasi pangalan ni Jade ang nakalagay.
"Hello, Jade? Why did you call this night?"
"Uhm. Rence, p'wede bang pumunta ka rito ngayon sa Tuesday? Nandito kasi si Dominic at nahimatay siya."
"What? Is he okay?"
"Sa tingin ko hindi. Mainit kasi ang katawan niya at nahihilo siya kanina hanggang sa nahimatay na lang siya. Wala kasi siyang dalang kotse kaya tinawagan na kita."
"Okay. I'll be there. Just wait for me," pinutol ko ang linya at lumapit kina Mom na hindi pa rin tapos magtalo. "Mom, Dad. I already know where to find JD. My friend called and she said Dominic is unconscious."
Muling nag-alala si Mom. "Where is he, anak?"
"Sa Patag na Lupa. Pupunta na ako ro'n para sunduin siya so you don't need to worry. I'll be back with him later," humalik ako sa pisngi niya. "I'll get going, dad." Medyo awkward ko pang sabi.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Novela JuvenilThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?