Chapter 25: Expulsion

1 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

-Jade-

"ITU-TUTOR mo ba mamaya si Zilthea, bunso?"

Tumango ako sa tanong na 'yon ni Kuya Son. "Wala naman siyang sinabi sa 'kin na magi-stop muna 'kong mag-tutor, e."

"Ah. 'Buti naman."

"'Buti naman ano? 'Buti naman nagtu-tutor ako?"

"Oo, hehe. Para wala ka sa bahay kasi ikaw ang umuubos ng pagkain natin do'n."

Hinampas ko siya sa braso at sinimangutan. "Grabe ka ah. Ilang araw nga 'kong nawala sa bahay ta's ganiyan ka pa magsalita sa 'kin. If I know ikaw lang ang umuubos ng pagkain do'n." Reklamo ko kasi grabe magsalita ang kapatid kong 'to. Apat na araw akong nawala sa bahay kasi nasa ospital ako. Ngayon na nga lang ulit ako makakapasok sa school at maihahatid niya bilang bonding tapos nang-iinis pa.

Inakbayan niya naman ako habang tumatawa. "Charot lang naman, bunso. Na-miss lang kasi kitang asarin. Hehehe!"

"Sus. Lagi mo nga 'kong inaasar sa ospital, e. Na-miss daw..."

"Hoy. Totoo kaya 'yon! Masama bang ma-miss ang kapatid mo kahit lagi kayong nagkikita? Napaka-nega mong kapatid ka. Hindi ka naniniwala sa gwapo mong kapatid, e."

"At bakit naman ako maniniwala sa mangunguto, aber?" Pambabara ko kaya natigilan siya't napataas-kilay. "Alam kong inuuto mo lang ako, Kuya. May iuutos ka na naman kasi sa 'kin."

Ginulo niya ang buhok ko kaya nagreklamo ako. "Wala, 'no. Grabe 'to," sabi niya lang pero hindi pa rin ako naniwala. Nang makarating kami sa tapat ng school ay inalis niya ang pagkaka-akbay niya sa 'kin at hinarap ako. "Pumasok ka na sa school niyo, bunso. Ingat ka sa mga bully at baka ma-ospital ka ulit."

Tumango-tango ako. "Mag-iingat na talaga 'ko at hinding-hindi na 'ko magpapa-api sa kahit kanino dahil matapang na 'ko at marunong lumaban sa mga maldita kong schoolmate!"

"Excuse me, girl. You're blocking my way." Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa gilid ko. Nakita ko ang isang babaeng mataray na nakatingin sa 'kin.

"Sorry, Ate. Daan ka na oh," nakatanggap ako bigla ng isang mahinang kutos mula kay Kuya kaya pinanlakihan ko siya ng mata. "Para sa'n 'yon, Kuya? Ba't ka nangungutos diyan?!" Napahawak ako sa ulo ko at hinimas 'yon kasi nananakit 'tong kapatid ko e hindi ko naman siya inaano!

Huhuhu. Sakit ah!

Tumawa siya habang nakaturo sa 'kin. "Ang gara mo kasi, bunso. Sabi mo marunong ka nang lumaban sa maldita mong schoolmates tapos pinadaan mo 'yung babaeng nagmaldita sa'yo."

"Eh, syempre nakaharang naman talaga 'ko..." Bigla akong natigilan at napakurap-kurap nang makita kong malawak naman ang single gate namin dito. Bigla akong napakamot sa ulo ko at nagpilit ng tawa na parang natatae lang. "E kasi baka magalit talaga siya, e.." Sabi ko na lang kasi maldita nga naman talaga ang babaeng dumaan. Ang lawak ng daan tapos kung makapagsabi ng you're blocking my way akala mo inagawan ko talaga siya sa daan.

Napailing na lang sa 'kin si Kuya. "Hindi mo naman kailangang maging maldita rin, bunso. H'wag ka lang magpapa-api kasi natatapakan ang pride mo. Syempre kailangan mo ring lumaban at sumagot kahit konti, 'no."

"Mm-mm! Hindi na 'ko magpapa-api kaya papasok na 'ko sa school! Hehe. Bye!" Kinawayan ko siya saka tumalikod sa kaniya pero bigla akong bumalik sa harap niya dahil hinatak niya ang bag ko. "Bakit? May sasabihin ka pa ba?"

"May nakalimutan lang akong sabihin sa'yo."

"Ano 'yun?"

Tinignan niya 'ko nang seryoso. "Layuan mo rin si Dominic ah? Kapag nalaman kong nakipag-usap ka na naman sa kaniya bibilugin ko talaga 'yang bilog mong mukha at mas paliliitin ko pa para magmukha ka na talagang bola. Sinabi nang ayokong kinakausap mo ang lalaking 'yon, e."

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now