CHAPTER TWELVE
-RC-
"WHAT DO we have for lunch, Manang?" Umupo si Kuya Mark sa tabi ko at nilapag ang laptop sa harap niya. Nagsuot siya ng reading glasses at tumutok sa pagtitipa sa laptop.
"Fried chicken, sir." Sagot naman ni Manang Minda na siyang mayordoma dito sa bahay.
"Fried chicken? Bakit 'yon?"
"Nako. Itanong mo riyan sa kapatid mo. Gusto niya laging mamantika ang kinakain niya kaya iyon na lang ang niluto ko."
Lumingon sa 'kin si Kuya at pinagtaasan ako ng kilay. Agad akong naging abala sa nilalaro kong dinasour at aso na stuffed animals.
"Why did you request to her na manok ang iluto? Diba sinabi ko sa'yo na masama ang laging oily ang kinakain?" Istriktong tanong niya sa 'kin.
"Pow. Pow. Pow," kunyari hindi ko siya narinig. "Kainin mo siya, doggo. Boogsh..."
"RC. I'm talking to you."
Hindi ko pa rin siya pinansin. "Boogsh. Boogsh. Lagot ka sa 'ken, dinasour. Waaaa... lagot ka na sa 'kin. Kakainin kita."
"If you continue that kind of rude manner I'll throw away your toys and I'll ground you here unless you have classes."
Doon na 'ko natigil sa ginagawa kong paglalaro. Dahan-dahan kong tinago sa hita ko ang mga laruan ko at nakangusong hinarap si Kuya Markus na istriktong nakatingin sa 'kin na akala mo galit. O galit na talaga siya kasi salubong mga kilay niya. Huhu.
TT_TT
"Hand me the toys, RC." Nilahad niya ang palad niya sa harap ko na ikinagulat ko.
"No. I'm just playing..." Nakanguso ko pa ring tanggi at mas tinago ang mga laruan ko. Natatakot ako kasi baka itapon niya 'to. Ayoko pa namang mawalan ng laruan kasi wala akong kalaro.
Pinagkrus na lang niya ang mga braso at bumuntong-hininga. "Why are you being like that? Didn't I tell you not to play whenever I'm talking to you?" Seryoso niyang sabi.
Mas napanguso ako. "I'm sorry. Magagalit ka kasi, e."
"Yes. At mas lalo akong magagalit kung hindi mo aayusin 'yang sarili mo," sabi niya kaya napayuko ako. "You're still a teenager but know how to act matured. Dapat inaayos mo na 'yang sarili mo-"
"Dahil magiging teacher ka at hindi ka na dapat naglalaro ng ganiyan." Sinabayan ko ang sinasabi niya na famous line na niya at lagi kong naririnig mula sa kaniya.
"Pinagti-trip-an mo ba 'ko?" Para siyang nainis.
Umiling-iling ako. "I'm sorry. I can't help myself but to play, e. Sayang naman 'tong mga toys ko..." Mahinang katwiran ko para hindi siya lalong mainis.
Napasinghal siya. "Imbes na maglaro ka riyan gawin mo na lang ang dapat na gawin mo sa school para naman hindi puro negative feedbacks ang natatanggap mo sa lecturers mo. Nakakahiya. Teacher ang kapatid mo pero lagi kang sumusuway sa rules na parang bata."
"Sorry, Kuya. 'Di na po mauulit 'yun..."
"Tch. Umakyat ka na sa taas. You're just wasting your time here. H'wag ka nang maglalaro at humanap ka na lang ng mga kaibigan mo."
"Opo..."
Laylay ang mga balikat akong umakyat papunta sa kwarto ko habang bitbit ang mga stuffed animals na pinaglalaruan ko. Nagpunta ako sa secret basement ko sa kwarto at nilaro-laro ang mga baril-barilan kong laruan.
Gano'n talaga si Kuya Markus sa 'kin, lagi niya 'kong pinagsasabihan in a very serious tone kaya lagi niya 'kong napapasunod at wala akong nagagawa kundi ang manahimik. I want to neglect and disobey him, but I can't because he's my brother and also my senior... in this house.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?