Chapter 31: Ice

2 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

-Jade-

INAANTOK PA rin ako hanggang sa makauwi ako ng bahay. Sampung minuto lang naman ako nakatulog sa byahe pero feeling ko kailangan ko na ng tulog hanggang bukas.

Ako ang nagbibit ng mga gagamitin namin bukas dahil nakakahiya naman talaga sa kasama kong alien kanina. Actually hindi nga siya nag-effort na gisingin ako, e. Kasi bigla siyang pumreno at sa lakas ng impact no'n halos tumilapon ako sa windshield ng kotse. Malaki talaga pagsisisi ko na naisipan ko pa siyang isama.

"Wala bang sandok 'yung kaklase mo sa bahay nila, bunso? Ba't pati 'to binili niyo?" Usisa ni Kuya nang ilapag ko sa lamesa ang paper bags. "May mga mangkok pa oh. P'wede namang umano na lang sa bahay ah?"

Ngumiwi ako. "Ewan ko ro'n. Siya kasi ang bumili kaya wala akong nagawa. Hayaan na. Mayaman naman siya, e."

Parang ewan kasi si Yelo. Pati mga utensils na dadalhin bukas binili niya pa e sure namang meron sila no'n sa bahay nila. Nagwawaldas siya ng pera dahil alam niyang hindi kaniya. Pati mga kutsara bumili rin siya. Kainis talaga.

Tinuro ako ni Kuya gamit ang sandok. "Pero bakit ikaw ang nag-uwi nito, ha? Dapat siya na lang."

"Pagbibitbit na nga lang ambag ko hindi ko pa gagawin? Ayos lang naman sa 'kin." Pero hindi talaga kasi kanina ko pa binibitbit ang mga 'yon. Malas lang talaga dahil si Yelo ang kasama ko.

"Sabagay," nagkibit-balikat na lang si Kuya. "Kumain ka muna, bunso. Pupunta lang ako sa Tuesday."

"Mm."

Kinabukasan ay naging excited ako dahil magluluto na kami, hehe. Hiniram ko pa 'yung magandang apron ni Kuya para lang magmukha talaga akong chef. Feeling ko kasi magiging sobrang sarap ng lulutuin namin.

At speaking of, nandito siya ngayon sa tabi ko at seryosong naghahalo ng sauce ng dish namin na chicken puttanesca. Mukha na nga akong ewan dito dahil nakapalumbaba lang ako habang pinapanood siya. Siya lang naman kasi ang may alam ng lulutuin namin. Naging excited pa naman ako, hays.

"Hand me white wine."

Sumimangot ako bago iabot sa kaniya ang cup na may lamang dry white wine. Ito lang ang role ko rito dahil kahit sa pagsusukat ng ingredients ay siya ang gumawa. Mukhang ayaw niya yata akong patulungin sa activity naming 'to.

"Gusto mo bang"

"Tikman mo nga 'to, babae." Bago pa 'ko makapagsalita ay nagsalita na siya. Ang arte niya dahil lukot ang mukha niya habang nagluluto na animong ayaw niya sa amoy ng sariling niluluto.

Napasiring ako at kumuha ng kutsara para tikman ang sarsa ng nagawa niya.

...

...

"Wow. Ang anghang naman nito. Masarap!" Nag-thumbs up pa 'ko dahil ang nalalasahan ko na ang sarap ng niluto namin kahit sarsa pa lang. Tapos 'yung manok matagal na pinakuluan kaya sobrang tender.

"Ikaw naman tumikim, Dominic. Masarap, promise!" Kumuha ako ng sarsa gamit ang kutsara at tinapat 'yon sa mukha niya. "Bilis, tikman mo."

Inilayo niya ang mukha. "Ayoko."

"Ba't naman? Ikaw ang nagluto tapos 'di mo lang titikman? O baka naman nandidiri ka lang sa kutsara kasi laway conscious ka?"

"Tsh. Hindi ako naniniwala sa sinabi mong masarap kaya hindi ko titikman."

"Grabe ka naman sa 'kin. Mukha bang sinungaling ako?" Nakangiwi siyang tumango. "Eh, di h'wag mong tikman! Masarap naman talaga!"

"Hi, Dominic!" Biglang lumapit sa table namin si Christine na may dalang medyo malaking kutsara.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now