Chapter 20: Not a Makeover

2 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY

-Jade-

HINDI AKO matigil sa paglalaro ng mga daliri ko't pagyuko habang iniiwasan ang mga tingin ng ilang estudyanteng naglalakad at nakakasalubong ko sa hallway. Lahat sila ay hawak ang kanilang mga cellphone at tumatawang nakatingin sa 'kin kaya libo-libong kahihiyan ang dulot sa 'kin niyon. Paniguradong pinapanood nila 'yung video kung saan kinukutya at pinagtatawanan ako ng Wanda Girls habang ako naman ay parang sisiw na basang-basa at umiiyak pa.

Sobrang big deal no'n para sa 'kin. Ayokong maging sentro ng atensyon sa school na 'to at magtawanan sa 'kin ang mga nakakasalubong ko dahil hindi ko maiharap ang mukha ko sa kanila. Kahit nga sa mga kaibigan ko nahihiya ako, e. Kasi may nakakasama silang isang maliit na basura na minamali-maliit lang ng mga bigating tao rito. Nakakahiya talaga kasi baka makarating pa 'yon sa labas ng school at mas lalong dumami ang mambully sa 'kin. Kasi ang iisipin nila hindi naman ako lumalaban kaya okay lang na awayin nila 'ko katulad ng ginagawa nila Chloe.

"Nandito na pala si Jade oh! Ha-ha-ha! Kawawa naman siya 'di nakalaban naturingang kaibigan si Zilthea!"

Nahinto ako sa pagpasok ko sa classroom nang marinig kong sumigaw ang isa kong kaklase. Hayun na sila at nagtatawanan nga sa 'kin habang hawak ang mga gadgets nila.

Ngumuso ako at nakayukong umupo sa upuan. Ang hiya ay nasa loob ko pa rin dahil ang bilis kumalat ng video ngayong araw samantalang no'ng nakaraang araw pa naman 'yon nangyari. Talagang tatlong araw silang nag-effort para mas maging katawa-tawa ako sa iba? 'Yun ba ang ganti nila kasi 'di nila 'ko nakita sa cr kahapon?

"It's okay, Jade. Mabubura rin ang videong 'yon." Tinapik ni Zilthea ang braso ko matapos sabihin ang linyang 'yon.

Mas ngumuso ako. "Kahit mabura 'yon alam pa rin ng mga tao dito na aping-api ako sa Wanda Girls. Ako kaya 'yung masisira dahil do'n. Ayokong pagtawanan ng iba."

"No one expected that was gonna happen. And if p'wede lang na sabunutan ko ang Wanda Girls para dito ginawa ko na. You know how much I hate them."

Wala pa ring dumadating na teacher ngayon pero sana wala pang dumating kasi alam kong hindi ako makakapag-focus at malulutang na naman hanggang sa mapagalitan ako. Ayokong bagabagin ng problema ko pero hindi ko rin naman alam kung pa'no ko 'to masosolusyonan.

"Hi, Jade. Ganda natin ah?"

Biglang lumapit si Bryle sa pwesto namin nang hindi namin inaasahan. May lahi siguro 'tong kabute. Sulpot nang sulpot, e.

Kasama niya 'yong kaibigan niyang si Justin na walang reaksyon ang mukha na nakatingin sa 'kin. May hawak sila na kung ano sa mga kamay nila na gamit na hindi ko alam kung anong tawag.

"I have two good news and one bad news to you, Jade. Anong gusto mong mauna?" Tanong ni Bryle. 'Yung kaibigan niya 'yung sinuggest niyang magbura sa video ko at ilang minuto lang mula no'ng magsama sila pero nandito agad sila. Feeling ko ang galing niyang hacker.

"Good news muna ta's bad news ta's good news ulit."

Ngumisi siya. "First good news natin, burado na ang video sa website ng Jordan High kaya wala nang mapapanood 'yung mga estudyante." Nagyayabang niyang sabi.

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Totoo ba 'yan?!" Napatayo pa 'ko sa sobrang gulat.

Mayabang siyang tumango at tumikhim. "Alam mo kasi, talagang magaling na hacker 'tong kaibigan ko kaya naayos namin 'yung chaos in less ten minutes. So, dapat magpasalamat ka sa 'ming dalawa."

"Salamat. Hehehe!" Malaki ang ngiting sabi ko at tumingin sa mga kaklase kong pawang nakaupo na ngayon at wala nang pinapanood. Mukhang hindi na nga talaga nila mapanood 'yung video kasi nabura na.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now