Chapter 22: Last Warning

1 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

-Jade-

NANGINGINIG ANG mga kamay pati ang mga paa ko habang nakatingin kay Rence na siyang kasayaw ko sa mismong gitna ng dance floor kung saan kami makikita ng mga estudyante at sentro ng atraksyon sa quadrangle. Hindi mapakali ang loob ko dahil kaharap ko ang crush ko, nahahawakan niya 'ko at naisasayaw pa. Hindi ako makapaniwala na nangyayari na ngayon 'yung bagay na kanina lang e hinihiling kong mangyari.

Hindi ako komportable kasi hawak-hawak niya 'ko sa bewang at parang nangingilabot pa 'ko dahil wala pang lalaking humawak sa 'kin nang ganito at si Rence pa lang. Nanginginig ako dahil pakiramdam ko magkakamali ako gaya ng nangyari kanina noong si RC ang kasayaw ko. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ako 'tong unang naisayaw ng crush ko sa gabing 'to kaya sobra-sobra ang nararamdaman kong tuwa bagaman may ilang at hiya dahil hindi ako sanay na ganito kaming dalawa.

Feeling ko tuloy nahihiya siya na ayain ako kahit 'di naman halata sa kaniya. Ako pa nga 'tong nahihiya kasi mali-mali akong sumayaw. Tapos sabi niya sa 'kin kanina first time niya lang din daw 'to pero hindi naman siya nagkakamali. Ano? Magic?

Nagmamagic si Rence? Magician siya?

0.0

Siya kaya si Master M na magician sa TV5?

Napakunot-noo ako sa naisip ko kasi kung first time niya lang sumayaw diba dapat nagkakamali siya at hindi professional siyang sumayaw? Dapat shushunga-shunga rin siyang sumayaw gaya ko. Eh, parang hindi naman kaya baka nag-magic lang siya sa sarili niya kaya 'di siya nagkakamali.

Ang dami ko naman yatang nakikilalang mga may powers ngayon? O baka naman lahat ng estudyante dito sa JH may kaniya-kaniyang powers at ako lang 'tong wala? Kasi si Bryle at RC manghuhula, si Yelo mind-reader na alien, tapos si Rence naman magician. P'wede kayang manghingi ng powers sa kanila para maging gaya nila ako?

"Rence. Pa'no ka nga pala gumaling sumayaw e diba first time mo lang pumunta sa gan'to?" Pag-uumpisa kong muli sa usapin sa mahinang boses.

Ngumiti siya sa 'kin nang matamis at halos matunaw ang puso ko ro'n. Pero 'pag nalaman kong magician siya 'di ko na siya magugustuhan kasi nanloloko siya ng mga tao gaya nina RC at Bryle e masamang gawain 'yon. Kahit gwapo siyang magician 'di ko pa rin tatanggapin kung sino siya kasi bawal akong magkagusto sa mga manlolokong tulad nila na jino-joke time 'yung mga magic sa tv.

Eh? Artista si Rence? Oo nga, 'no?

v^.^v

"Por que first time 'di na agad kailangan maging magaling?"

Nagtaka ako. "Diba dapat gano'n 'yon?"

"Gano'n what?"

"Gano'n. Dapat hindi ka muna magaling kasi 'di ka sanay."

Natawa siya at tinap ang ulo ko. "Ang gara mo, Jade. Gulo mo kausap."

"Huh? Anong magulo e ang linaw-linaw nga no'ng sinabi ko?" Aning ba 'tong si Rence? Ano bang 'di niya maintindihan sa tinanong ko e diba talagang malinaw 'yon? Bingi yata siya, e. O baka talagang magician siya at natunugan niya lang na magtatanong ako kaya ginugulo niya ang isip ko. Hays.

"Pfft. H'wag ka na kasi magtanong. Pati ako nagiging slow sa sinasabi mo, e. Change topic na lang." Sagot niya kaya tumango na lang ako. Pero kailangan ko pa ring kumpirmahin kung talaga bang magician siya o hindi.

"Ano namang topic?"

"About your lovelife."

"Lovelife?" Takang tanong ko sa pagtataka sa tanong niya. Tumango naman siya. "Ano namang meron sa lovelife?"

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now