Chapter 9: Service

1 0 0
                                    

CHAPTER NINE

-Dominic-

"SHE CALLED you?"

Tumango ako sa tanong na 'yon ni Mommy. "It seems like Daddy permitted her to use her phone," saka ako sumiring. "Finally after almost two years. Fuck." Natatawa kong bulong sa sarili.

"I heard you, Dominic."

Lumabi ako at itinaas ang dalawa kong kamay. "Not sorry."

Pinagkrus niya ang mga braso, marahil ay naramdaman ang sarkasmo sa pananalita ko. "I know you're mad because of what you heard, but please understand your father."

"Here we go again," I chuckled sarcastically. "Ako ba inintindi niya noon? Hindi naman, e. Halatang sa 'kin na lang siya nagagalit ngayon."

"Ano bang nangyari sa London at naging ganiyan ang galit mo sa kaniya?"

"He manipulated my life and abandoned me when he could no longer use me."

"Dominic..." Hinawakan niya ang braso ko pero iwinaksi ko iyon.

"Don't pity me for being like this, Mom. And don't you ever tell me to understand your husband's disgusting behaviour."

Pumasok ako sa kwarto para magpahinga muna saglit dahil napagod ako sa school at napagod pa 'ko sa pakikipag-usap kay Mommy. Naiinis lang ako sa kaniya. Sa t'wing sinasabihan ko siya ng gano'n sinasabi niya sa 'kin na sorry at intindihin ko siya. Ang sabihin niya wala talaga siyang ginawa para kumustahin kaming mga anak niya o kahit ako man lang kaya wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa 'kin ngayon.

Hindi niya alam kung bakit ako galit kay Dad. Hindi niya alam kung bakit ganito ang ugali ko. Kasi nga wala siyang ginawa para alamin ang nangyayari sa 'min do'n. Talagang wala siyang pakialam sa 'kin at mas gusto niyang magpaka-sarap dito habang wala kami.

Close na close kami ni Mommy dati and she was the one who was always there for me when my father got mad at me. Sa 'kin lang naman mainit ang dugo no'n kaya sanay na ako. Nakakainis dahil sa kaniya na nga lang ako umaasa na hindi na ako pasunurin ni Daddy sa London pero wala siyang ginawa.

She did nothing but to freaking shut her mouth to warn her husband. Siya ang kakampi ko rito pero ngayon pati siya kinagagalitan ko na rin. Wala na talaga akong matinong kakampi rito maliban kay Yaya na mas mahal pa 'ko kesa sa mga anak niya at mas minahal pa 'ko bilang anak niya. Hindi tulad ng mga magulang ko, lahat walang pakialam. Walang kwenta.

I admit that my life is a trash. Lahat ng sa 'kin pinagkait na nila kaya hindi na 'ko naging masaya sa buhay ko. Lahat sila pinagkaitan ako ng masayang buhay dahil ayaw nila 'kong makasama rito. They took my whole damn happiness because it fucking satisfies them. But was that really a satisfaction for them? Nakikita nila 'kong malungkot dahil sa kanila tapos masaya pa sila ro'n?

Lahat na lang ng gawin ko mali. Lahat na lang ng sabihin ko nakaka-bastos para sa kanila kaya hindi ko na rin alam kung saan ba 'ko dapat lumugar. Hirap kasi sa kanila, hindi nila inaalam ang nararamdaman ko bago nila 'ko husgahan.

"Dominic, hijo. Kumain ka muna. Bakit parang aalis ka?" Nagtatakang sabi sa 'kin ni Yaya nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Wala lang 'to, 'ya. May dadaanan lang ako saglit."

Inilapag niya muna ang tray sa side table bago ako lapitan. "Magaling na ba ang sugat mong iyan sa braso mo? Mukhang hindi pa rin nawawala ah?"

"Hindi pa nga. Tsaka masakit din 'pag nagagalaw ko. I think that ointment is nonsense."

"Kumain ka muna at hindi ka na naman bumaba kanina. Hinahanap ka ng Mommy mo at nag-aalala sa'yo."

"Tsh. What was that care for? Nandito lang naman ako sa bahay."

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now