Chapter 18: Gratitude

1 0 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

-Jason-

"OKAY KA lang ba talaga, bunso? 'Yung totoo?" Alalang tanong ko kay Jade habang nakayakap sa kaniya sa gitna ng madilim na daan kung saan ko siya nakitang kausap o kaharap 'yung lalaking naka-itim.

Humiwalay siya sa 'kin pero 'yung dalawang kamay niya nasa tenga niya na parang may kung ano siyang naririnig na hindi ko naririnig. Walang reaksyon ang mukha niya samantalang kanina umiiyak siya sa takot at kaba. Parang bigla tuloy nag-iba ang tingin ko ngayon sa kaniya.

"Ano? Ayos ka na ba?" Tanong ko ulit dahil hindi naman siya sumagot. Para tuloy akong tanga rito dahil 'di naman niya 'ko sinasagot. Para akong nakikipag-usap sa hangin.

Dalawang beses siyang tumango habang wala pa ring reaksyon ang mukha saka na 'ko tinalikuran. Pero 'yung dalawang kamay niya nasa tenga niya pa rin habang naglalakad siya. Napakunot-noo ako sa kilos niyang 'yon na hindi pangkaraniwan sa 'kin. Biruin mo hindi man lang niya ako kinausap e kanina lang umiiyak siya? Ano kayang nangyayari sa kaniya at naging bangag siya kausap?

v-.-v

Pabuntong-hininga akong tumingin sa kinaroronan ng lalaking hindi naman talaga nakatakas at nakatingin pa rin sa 'min hanggang ngayon. Tinaliman ko 'yon ng tingin, may halong pagbabanta at pananakot kaya umatras siya't umalis na rin sa kinalulugaran niya.

Kumuyom nang mariin ang mga palad ko bago sundan si bunso sa paglalakad. Biglang may galit na namuo sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong galit sa lalaking 'yon dahil kilala ko siya. At paulit-ulit ko siyang isusumpa sa isip ko kahit nakalayo na siya.

Hindi ko alam kung ano bang sinabi niya kay bunso no'ng naabutan ko sila kanina. Pero sana wala siyang sinabi sa kung ano mang pagkatao niya dahil animal siya. Mabuti na lang at dumating agad ako dahil baka kung ano pa ang magawa niya kay bunso. Hindi ko 'yon matatanggap kung sakali. At baka kung ano rin ang kalagyan niya sa 'kin.

Oo. Alam ko namang hindi niya sasaktan ang kapatid ko, pero kailangan ko pa ring makasiguro dahil 'yung mga tulad niya ang dapat na iniiwasan, kinagagalitan, at nilalayuan dahil wala siyang puso at kwenta. Nakakagalit lang dahil nakuha niya pa talagang magpakita sa kapatid ko nang gano'n-gano'n at hindi nagpapaalam sa 'kin. Hindi ko alam na may gano'n siyang balak. Kung alam ko lang sana pinatay ko na siya dati pa.

Tangina lang.

Pagkauwi sa bahay ay dire-diretso sa paghubad ng medyas niya si bunso pati na rin ng bag. Tapos sinabi niya rin na matutulog na 'ko bago siya umakyat sa kwarto niya para matulog kahit na maaga pa. Feeling ko ang weird niya ngayon e hindi naman siya gano'n no'ng mga nakaraang araw.

Hindi ko alam kung anong naramdaman niya kanina no'ng nagpakita sa kaniya ang lalaking 'yon. Pero sana wala siyang kakaibang naramdaman dahil ayoko pang mag-kwento sa kaniya ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya. At hindi pa rin panahon para makilala niya ang lalaking 'yon na sumunod sa kaniya. Nagtataka lang ako kung ba't naging gan'to siya ngayon e hindi naman siya nagiging cold kapag kausap mo. Kaya hindi normal para sa 'kin ang pakikitungo niya ngayon. Mukhang wala naman nang problema kasi nailigtas ko na siya, pero gano'n pa rin siya umasta.

Ngumiwi ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ni bunso para silipin siya. Mas nagtaka naman ako dahil tulog na nga siya at sobrang himbing pa ng pagkakapikit niya. Hindi naman siya maaga kung matulog at kapag sinabi niyang matutulog na siya palagi 'yong scam dahil manonood pa siya ng kung ano-ano sa cellphone niya. 'Di ko na alam ang nangyayari dito kay bunso ngayon.

Hindi kaya may sayad na ang utak niya o 'di kaya dati siyang baliw? Anong nangyayari sa kaniya?

Malalim ang naging buntong-hininga ko bago magpasyang bumaba at hintayin si Nanay dahil iku-kwento ko sa kaniya 'yung tungkol sa lalaking lumapit kay bunso kanina.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now