Chapter 37: Doubts and Blames

2 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

-Jade-

"NAG-ENJOY ka ba?"

Iyon ang tanong sa 'kin ni Rence habang naglalakad kami pauwi at hinahatid niya 'ko pabalik sa bahay na tinutuluyan namin. Madilim na ang langit pero hindi pa naman sobrang gabi kasi papagalitan na 'ko.

Nakangiti akong tumango. "Mm. Sobra."

"Glad to hear that. Ako rin nag-enjoy."

"Nag-enjoy ka sa haba ng nilakad natin?"

"I mean I enjoyed accompanying you. Nasasanay na 'kong gumala," tumawa siya. "But does your foot hurt? Napagod ka ba sa paglalakad natin?"

"Uhm. Medyo, hehe..." Nahihiya kong sabi.

Totoong medyo masakit ang paa ko kasi mahaba rin ang nilakad namin. Hindi dala ni Rence ang kotse niya at kung dala man niya, 'di rin siya makakapag-drive dahil injured siya. Kaya nagtiis na lang kami maglakad kahit malayo ang pinuntahan namin.

"Sorry about that. You refused kasi when I asked you if we could ride a taxi." Ani Rence na parang nakokonsensiya.

Gulat ko siyang nilingon. "Hala. Okay lang, 'no. 'Di naman ako nagrereklamo, e."

"Sabi mo masakit paa mo."

"Oo nga, pero 'di naman ako nagrereklamo. Okay nga 'to para mabawasan fats ko sa katawan, e. Hehe."

"You sure?"

"Mm. Tsaka mas nakaka-enjoy maglakad 'pag ganito kasi malamig 'yung hangin tapos mailaw sa daan. Nakaka-relax." Gusto kong matawa sa guilty niyang itsura. Seryoso siya masyado sa mga sinasabi ko kahit wala naman akong intensyong konsensiyahin siya. Ang cute niya lang.

Ngumiti siya at tumango. "Alright. Sabi mo, e."

Huminto ako nang tumapat kami sa tapat ng bahay ng pinsan ni nanay. Hinarap ko si Rence at nginitian.

"Dito na lang ako, Rence. Salamat sa paghatid. Salamat din pala rito sa binili mo sa 'king souvenir." Sabi ko at pinakita ang keychain na may maliit na stuffed toy ni Eldar. May shop din kasi sa EK kaya pinuntahan na rin namin, pero 'di ko naman alam na bibilhan niya 'ko ng ganito.

"You're welcome. Kamukha mo kasi 'yan kaya binili ko."

Sumimangot ako. "'Di ka talaga maka-move on do'n, ano?"

Tumawa naman siya na parang tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko. "Because you're fun to tease."

"Sus. Pasalamat ka wala akong mapang-asar sa'yo."

"Bakit? Kasi gwapo ako at wala akong pangit na kamukha?"

"Ang feeling mo!" Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Mauuna na nga ako. Aasarin mo na naman ako nang aasarin."

"Jade? Ikaw ba 'yan?"

Natigilan ako at nagulat nang marinig ang boses ni Nanay mula sa likuran ko! Saglit pa 'kong napatitig sa unahan bago napapalunok at dahan-dahan siyang harapin. Kinabahan ako bigla nang makita ang kunot niyang noo.

"H-hello, 'nay. Hehe..." Mahina kong sabi at kinabahan dahil baka isipin niyang nakipag-date ako kahit hindi naman.

"Bakit ngayon ka lang? Gabi na ah?"

Umawang ang bibig ko pero hindi nakapag-salita. Ang paalam ko kasi sa kaniya kanina ay saglit lang ako. Hindi ko rin namalayan ang oras kaya ngayon lang kami nakauwi. Lagot na naman ako nito.

"At sino itong kasama mo?" Lumingon siya sa likod ko kaya nakita niya si Rence. "Oh, hijo. Kilala kita ah?"

"Uhm. Hello, tita. I'm Lourence Kyle po, friend ni Jade." Sabi ni Rence at nagmano kay nanay.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now