CHAPTER FORTY-ONE
Someone's Point of View [Jigsaw]
"MAGALING SI Spade sa mga gano'ng bagay. Hindi ka ba natatakot sa kaniya?"
Napapikit ako sa inis at hinablot sa kwelyo ang lalaking nagsabi sa akin no'n. "Wala akong pakialam kung mas magaling siya sa 'kin. Ang gusto ko lang ay tawagin mo siya dahil wala akong oras na makipag-takutan sa kahit na kanino."
Maangas niya 'kong tinulak at inangasan ng tingin. "Maghintay ka."
Napairap ako nang sandaling tumalikod siya sa 'kin. Tumingin ako sa relos ko at maaga pa naman bago magsimula ang klase namin. Mabuti naman para may oras akong makipag-usap sa gusto kong kausapin.
Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nairita ako nang makita ang ilang mga lalaking nasa akin ang tingin at 'yong iba ay mapagbanta pa. For sure nabababaan sila sa 'kin dahil hindi nila ako kauri. Pero wala akong pakialam dahil hindi naman sila ang pakay ko.
"Kailangan mo?"
Lumingon ako sa likod ko nang may magsalita. Nang lingunin ko 'yon ay basta na lang akong napangiti nang makita ang gusto kong bisitahin ngayong umaga.
"What's up, dude? You missed me?" Itinaas ko ang mga braso para umastang nanghihingi ng yakap.
Masamang tingin ang natanggap ko. "Ulol. Ikaw ang may kailangan sa 'kin. Ano bang sadya mo?"
Naging mapakla ang itsura ko at ngumiwi. "Kailangan ko ng tulong mo."
"Tulong? Bakit sa akin? Bakit hindi sa mga gaya mo?"
"Wala akong tiwala sa kanila," nababagot kong tugon at naglabas ng sigarilyo para sindihan 'yon at humithit. "Ano? Madali lang naman ang gagawin. Kahit ikaw lang sapat na." Nginisihan ko siya.
"Masyado akong busy para matulungan ka, pero kung urgent p'wede naman kitang isingit."
"'Buti na lang at hindi 'to urgent kaya hindi mo kailangang ma-pressure. H'wag kang mag-alala."
"Tanginamo. Duwag."
Tinawanan ko lang ang sinabi niya. "Plano ko pa sanang sabihin sa'yo ang gusto kong mangyari pero dahil busy ka hindi na kita gagambalain."
"Bigyan mo 'ko ng hint kung tungkol saan 'yan."
"Ano pa ba? Eh, di gyera."
"Pfft," pinigilan niyang matawa. "Ganiyan ka ba ka-duwag? Kaya mo na ang mga ganiyang bagay."
"Sabihin na nating hindi biro ang kalaban ko ngayon," nagbuga ako ng usok at napatiim-bagang. "Masyadong mayabang, maraming sinasabi, pero magaling."
"May katulad ko pa pala?" Natatawa niyang tanong na hindi nabahala sa sinabi ko. "Kung ganiyan pala ang taong 'yan, I think it's an urgent matter already."
"I knew you'd say that." Ngumisi ako at nakipagpalitan ng makahulugang tingin sa kaniya.
Pagkatapos ng pakikipag-usap sa kaniya ay dumeretso na rin ako sa school. Malas ang araw ko ngayon dahil binutas ng mga lalaki ro'n ang mamahaling gulong ng kotse ko bilang kapalit daw ng pamemerwisyo ko sa lugar nila. Wala tuloy akong nagamit. Peste.
Huminto ako sa paglakad papunta sa building namin nang matanawan ko mula sa kalayuan si Aleiha Jade na siyang babaeng gusto ko. Naging malaki ang ngisi ko sa labi dahil ibang level ang pagkakagusto ko sa kaniya. Ni hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa kaniya kasi hindi naman siya gano'n ka-ganda.
Wala muna akong ilalagay sa locker niya ngayon para hindi siya ma-overwhelm sa generosity ko, lalo na at nagbigay ako ng surprise delivey sa kaniya kahapon. Given her personality, I assumed she liked those.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?