Chapter 13: Zilthea's Suitor?

2 0 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

-Zilthea-

OH MY gosh. Where's my bestie?! Huhuhu. I can't handle this anymore! I'm in hell!

"Hi, Ms. Zilthea. Are you alone?" Lumapit sa 'kin si Jax Bryle habang nakangisi nang sobrang lawak na parang manyak.

Actually kanina pa sila nangungulit ng mga kaibigan niya sa 'kin. They couldn't stop following me and I'm already disgusted! Sumunod sila sa 'kin dito sa canteen pagkatapos tapusin si Mrs. Florenzo ang klase niya. Naiirita na nga ako rito kasi nabu-bwisit sa mukha nilang lima. Or apat lang pala dahil hindi naman nakikisali sa kanila 'yung lalaking masungit na Justin ang pangalan.

Kanina pa 'ko nagmumuni-muni rito at hindi ako mapakali dahil sa kanilang lahat. Naiinis ako, e. I've been thinking since earlier kung bakit ba hindi nila 'ko tinitigilan. Lalo na 'tong si Bryle na wagas kung makangisi. It seems like he will do something not nice or bad to me. Ayaw ko sa mga gaya niya at naiinis ako sa paglapit-lapit, pagkausap, at pagtawag niya sa pangalan ko. Maganda ang name ko pero pumapangit kapag sa kaniya galing. Yuck.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at hindi siya sinagot sa tanong niyang nakakairita. Pumunta na lang ako sa comfort room para mag-retouch para naman may magawa ako at hindi ko mapansin ang mga lalaking 'yon. Hihintayin ko na lang din na makabalik ang kaibigan ko dahil inutusan siya ni Miss pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

Omg. Nando'n din pala ang Wanda Girls!

Napatakip ako sa bibig ko sa pag-aakalang na-bully na ulit ang kaibigan ko ro'n. Wala akong naging balita sa tatlong bruhang 'yon simula no'ng nakaraang linggo pa. Pero sa tingin ko hindi na nila aawayin pa ulit ang cute na kaibigan ko. They're all scared of me and they should be more scared if they do some bad things with my bestie. I'm able to kick their freaking ass outside until they won't attempt to enter this beautiful school again. Hindi naman sila bagay rito. And why are they putting the blame na hindi naman para sa friend ko, right? They're disgusting. That's why I hate them.

"Hi, Ms. Zilthea."

Napatalon ako sa gulat nang saktong paglabas ko ng restroom ay nakita ko na naman ang nakakairitang pagmumukha ni Bryle na nakangisi na naman! Magkakrus pa ang mga braso niya at nakasandal sa pader as if he's been waiting for me to go out of the restroom!

Siya na naman?!

"Wala ka bang planong tigilan ako, playboy?!" Inis agad na tanong ko sa kaniya dahil mukha talaga siyang papansin sa lipunan. Kanina pa 'ko nagtitimpi, at hindi na talaga 'ko makapagpigil dahil inis na inis na 'ko! Argh!

Umayos siya ng tayo habang magkakrus pa rin ang dalawang braso. "Why should I?"

"Could you please stop acting like you want me to pay attention to you?! Naiinis ako sa'yo sa totoo lang. At naiinis na 'ko sa paglapit-lapit mo sa 'kin!"

Hindi ba talaga niya 'ko titigilan? Palagi na lang niya 'kong sinusundan kasama ang mga kaibigan niyang mukha namang tahong. At mas nakakainis pa dahil nagmumukha na silang mga tanga sa pagsunod sa 'kin!

Hindi ko naman sila aso at hindi ako ang amo nila kaya bakit nila 'ko sinusundan?! Hamak na stalkers lang sila at oo, sikat ang Bryle na 'to dahil siya ang captain ng basketball team at hindi ko lang siya nakikita sa tagal ng pagpasok ko rito. Pero anong pakealam ko?! Naiirita ako sa kaniya at naiinis! Hindi naman siya nagpapakita sa 'kin dati at ngayon lang!

Mas ngumisi siya sa sinabi ko kaya nagsalubong nang sobra ang mga kilay ko.

Simula no'ng nagpakilala sila sa 'kin ng mga kaibigan niyang parang baliw, nakikita ko na sila lagi na nakasunod sa 'kin pero hindi naman ako kinakausap. Pati no'ng pumunta kami ni Mommy sa mall nakita ko silang nakasunod at mabuti na lang hindi sila nagpakita kay Mom dahil baka masampal ko sila isa-isa. Parang mga tanga lang sila no'n, diba?

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now