Chapter 34: Hug

0 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

-Lourence- (Wednesday)

ALAS NUEBE ng gabi nang magising ako dahil sa malakas na boses na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at napamura ako nang kumirot ang likod ko.

Wala pala ako sa kwarto sa bahay dahil nandito ako sa ospital. Naalala ko pa ang nangyari kanina bago ako humantong sa ganito. At mukhang kilala ko na kung sino ang gumising sa akin.

"Ikaw pa ang may ganang sumagot nang ganiyan matapos ng ginawa mo sa kapatid mo? Talaga bang wala ka nang pinapalampas na kahit sino?!" Sabi na nga ba. Boses ni Dad ang naririnig ko. Sila-sila na naman ang nagtatalo.

"I didn't do that intentionally." Kalmadong boses ni Dominic ang tumugon sa kaniya.

Natigilan ako at nagbaba ng tingin sa braso ko. Meron akong arm sling para suportahan ang braso kong may pilay. Medyo makirot din ang ilang parte ng ulo ko dulot ng pagkalaglag ko kanina sa hagdan. At kapatid ko ang dahilan no'n.

Siya ang dahilan kung bakit ako nalaglag kanina. Nagtatalo lang kami at bigla niya na lang akong hinawakan sa kwelyo para itulak sa hagdan na ilang hakbang din. Pagkatapos no'n hindi ko na alam ang sunod na nangyari at nagising na lang ako na nandito na 'ko sa ospital.

Pinapagalitan ngayon si Dominic ni Daddy dahil sa ginawa nito sa 'kin. Expected ko na rin 'to kaya hindi na rin ako magugulat. May bagong dahilan na naman kasi para magalit si Dad sa kapatid ko.

"Kung gano'n trip mo lang na itulak siya? Niloloko mo ba kaming lahat?!"

"I told you. Hindi ko intensyong itulak si Lourence dahil nabigla rin ako."

"Tigilan mo na 'ko sa ganiyang mga rason mo, Dominic. Huling-huli ka na sa akto pero nagmamatigas ka pa rin. Bakit ba hirap kang akuin ang kasalanan mo?!"

"Nate, you should-"

"I said what I said, Dad. Kung gusto mo, aakuin ko ang pagtulak sa kaniya dahil ako naman talaga ang gumawa no'n. Pero hindi ako magso-sorry dahil hindi ko naman sinasadya." Nagmamatigas pa rin ang kapatid ko.

Narinig ko na ang malalim na pagsinghap ni Daddy ng hangin na nagtatakda na nagsisimula na naman siyang mapuno sa kausap.

"If you continue saying that-"

Natigil siya sa pagsasalita nang buksan ko ang pintuan ng kwarto at lumabas. Nagulat sina Mom at Dad pero hindi man lang kakikitaan ng emosyon sa mukha ang kapatid ko.

"You're awake, son! Thank God!" Si Mommy ang unang lumapit sa 'kin at niyakap ako. Humiwalay rin naman siya at sinipat ang mukha ko. "How are you feeling? Anong masakit sa'yo?" Puno ng pag-aalala ang boses niya.

Napalunok ako at klinaro ang lalamunan ko. "I'm okay, mom. You don't have to worry," sagot ko. "You don't need to shout at Dominic too, dad. Wala siyang kasalanan."

"Parehas kayo ng mommy mo na pinagtatanggol ang kapatid mo para lang hindi magdamdam," seryoso niyang sabi kaya napayuko ako. "Lalabas lang muna ako." Nakita ko na lang ang mga paa niyang naglakad paalis sa amin.

"Susundan ko lang ang daddy niyo para kausapin. Mag-usap muna kayong dalawa para maayos niyo ang nangyari sa inyo kanina. Take care, Lourence." Hinaplos pa ni Mommy ang pisngi ko bago kami iwanan.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now