CHAPTER THIRTY-SIX
-Dominic-
"WHY THE hell did I say that?"
Mahina kong inumpog sa manibela ang noo ko nang maalala ang huli kong sinabi kay Jason bago ko siya layasan do'n sa Tuesday. Katatapos lang naming mag-usap pero heto ako at naiinis na nagtataka sa mga binitawan kong salita sa kaniya.
I fucking told him to forgive his bonsai sister. Kaya ako nagkakaganito e dahil wala naman sa plano ko ang sabihin 'yon sa kaniya. Basta na lang lumabas sa bibig ko at hindi ko alam kung anong pesteng demonyo ang bumulong sa 'kin para sabihin 'yon.
Wala naman kasi dapat akong pakialam. Kung mag-away man sila dahil sa 'kin, ilalabas ko na ang sarili ko ro'n kasi hindi sila relevant sa buhay ko. Pero dahil gano'n ang sinabi ko kay Jason nagmukha akong may pakialam kahit wala naman talaga.
"Don't you ever think about that woman again, Dominic. I'll fucking kill you." Mariin kong sabi sa sarili ko habang inuumpog pa rin ang noo ko sa manibela.
"Fuck," singhal ko at tinignan ang mukha ko sa rearview mirror para lang makita ang lukot kong mukha. "Ih. Yaya, help me..." Naiinis na parang maiiyak nang anas ko at ilang beses na ipinadyak ang mga paa ko.
Kesa ang magdabog pa ay pinaandar ko na lang din ang kotse ko pauwi. Bwisit kasi si Aleiha, e. Kanina niya pa binubulabog ang isip ko dahil sa pag-iyak niya tungkol sa away nila ng kuya niya. Kahit ayaw ko siyang isipin, basta-basta na lang pumapasok sa isip ko 'yong kaninang senaryo kung saan ko siya natanawang umiiyak na parang bata.
Hindi ko rin alam kung bakit ayaw no'ng umalis sa utak ko. Sana pala 'di ko na lang siya nilapitan kanina kasi ako ang naiinis ngayon. Tsaka wala namang kaisip-isip sa kaniya, diba? Wala naman siya rito pero namemeste pa rin siya. Gano'n tuloy ang nasabi ko sa kapatid niyang bwisit na basta na lang naupo sa harap ko kanina. Baka isipin no'n nangingialam ako.
v-.-v
Medyo nahihilo ako ngayon dahil kanina pa 'ko umiinom doon sa Tuesday. Dapat magi-stay pa 'ko nang mas matagal kaso dumating si Jason at ginulo ang matiwasay kong pag-inom.
Ngayon mapipilitan akong umuwi sa bahay sa hilo. Mapapagalitan na naman ako ng pamilya ko. Tsh. Wala na talagang nangyaring maganda sa araw ko ngayon.
"Where have you been, Dominic? Did you drink again?" Nakapamewang si Mommy nang maabutan ko siya pag-uwi ko. Nakataas ang kilay niya at mukhang manenermon na naman siya.
Lumabi ako. "I'm not sick anymore."
"I'm getting sick worrying about you, son. Bakit ba ganiyan ka t'wing nagtatanong ako sa'yo sa mga ginagawa mo? I'm just worried about you."
"Could you shut up, mom? I want to rest," nakamot ko ang patilya at nilagpasan siya pero sa isang paghatak niya sa damit ko ay umatras ako. "What?" Iritable kong tugon na sinamaan pa siya ng tingin.
"Hindi ka magpapahinga hangga't hindi ka nakakausap ng daddy mo."
"What? What does he have to do with this?" Mas lalo akong nairita. "Mom, I don't want to talk to him."
"Why not? Are you scared you can't get a rest if you talk to me?"
Biglang sumulpot sa kung saan si dad na seryosong nakatingin sa akin. Bumuga naman ako ng hangin at matalim ang mga matang nag-iwas ng tingin dahil sasabak na naman ako sa pakikipag-sagutan sa kanilang dalawa.
"What now? Is it something more important than my sleep?" Hindi ko gusto ang mga gani-ganito nila dahil 'yung mga sinasabi nila sa 'kin ay hindi ko pinapakinggan.
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?