CHAPTER THIRTY-EIGHT
-Jade-
PANAY ANG kwento ko habang hinahatid ako ni Curt pauwi sa 'min. Kung ano-ano tungkol sa buhay ko ang sinasabi ko sa kaniya na ultimo pati mga kaibigan ko ay kilala na niya dahil sa 'kin. Nakikinig naman siya at wala pa naman siyang naibibigay na negative feedback so far.
Hindi naman kasi siya mukhang naiirita at hindi rin siya mukhang sobrang interesado. Basta tahimik lang siyang nakikinig sa mga dinadaldal ko. Kung si RC kasi 'to malamang maririndi 'yon sa ingay ko.
"It's really nice to be your friend, Jade. Alam mo kasi... dati ko pa gustong makipag-kaibigan sa'yo simula pa no'ng binu-bully ka ng Wanda Girls." Siya naman ang nagsalita matapos ang mahabang pagdaldal ko.
Nagulat ako. "Totoo ba? Anong nakita mo sa 'kin at gusto mo 'kong kaibiganin?"
"Uhm," nag-isip siya. "I felt like our situations were mutual. Gustong-gusto kitang tulungan no'n no'ng binu-bully ka nila pero baka ako naman ang awayin nila. Sorry for shutting my mouth off when I could've helped you from them." Sincere niyang sabi na parang nalulungkot pa.
Matagal ko siyang tinitigan at hindi ko naiwasang matawa. "Bakit ba nagso-sorry ka? 'Di mo naman kasalanan'yun, e. Tsaka may naitulong ka naman ah? Ikaw 'yung nagsumbong sa dean sa ginawa nila sa 'kin nung party at dahil do'n kaya rin sila na-expel."
"Yeah, but I should've done it sooner. Natakot lang talaga ako sa gagawin nila..."
"Okay na 'yon sa 'kin, Curt. Dati pa namang nangyari 'yon kaya kalimutan na natin sila, okay?"
"Okay..."
Tinapik ko siya sa balikat. "Pero masaya akong malaman na gusto mo 'kong maging kaibigan. Ngayon kumpleto na ang group natin kasi dumating ka na."
Bigla siyang ngumiti. "Mm. Masaya kayo kasama."
"Yieeeee! Ibig sabihin ba niyan hindi ka na mahihiya sa 'ming lahat?!"
"About that... I'll try doing it."
"Sus," inismiran ko siya. "Bakit ka ba nahihiya, ha? Siguro crush mo 'ko? Yieeee..." Nakangisi kong pang-aasar sa kaniya.
Napansin kong namula ang mga pisngi niya. "Hindi ah. Si Zilthea ang crush ko," ibubulong niya lang sana 'yon pero naging malakas sa pandinig ko. Nang ma-realize ang sinabi ay gulat siyang tumingin sa 'kin. "N-no! I mean... it's not like... that..." Uutal-utal niyang sabi na hindi pa malaman ang idudugtong.
Mas lumawak ang ngisi ko. "May gusto ka rin kay Zilthea?"
Dahan-dahan siyang tumango at mas dumagdag pa ang pula sa mukha niya.
Humalakhak ako sa pagiging mahiyaing cute niya. "Ba't ka ba nahihiya? Sanay na 'kong may naririnig na may gusto sa kaibigan ko, 'no! Maganda naman talaga 'yon, e!"
"E-eh, kasi nahihiya lang akong malaman mo..."
"Sus! Si RC nga rin may crush do'n pero 'di ko naman sinabi," bigla akong may naisip. "Pero oo nga, 'no? Tatlo na pala kayong may gusto kay Thea na kaibigan ko. Hindi niyo naman siya balak pag-agawan, ano?"
"Of course not!" Guilty niyang sabi at biglang nahiya. "I prefer to keep my feelings secret kasi hindi naman type ko ang mga gusto niya."
"Malay mo naman magustuhan ka niya, diba? Ang nega-nega niyong mag-isip ni RC samantalang si Bryle ang kapal ng mukha."
"Nega-nega? What's that?"
Pinigilan kong matawa. "Negative mag-isip."
Natigilan siya at natawa sa nalaman. "Gano'n pala," para siyang natuwa. "Eh, pa'no kapag positive mag-isip? Posi-posi?"
YOU ARE READING
School Playlist #1: Breakthrough [On-going]
Teen FictionThis is only the beginning of their difficulties. Will they be able to surpass the chaos, or will they continue what has come to a halt between them? Is this also the beginning of their characters' breakthrough?