Chapter 46: Once He Knows About You

1 0 0
                                    

CHAPTER FORTY-SIX

- Jade -

"ANO?! Baliw ka ba?! B-bakit naman kita hahalikan?!" Nanlalaki ang mga matang bulalas ko dahil sa kagula-gulantang sinabi ng lalaking 'to ngayon-ngayon lang!

Nanghihingi siya sa 'kin ng goodbye kiss dahil inaakala niyang ako 'yung babaeng girlfriend, este ex niya. Kanina niya pa 'ko tinatawag na Samantha kahit hindi naman talaga ako 'yon! Lasing na lasing ang hitsura niya at alam kong 'yon ang dahilan kung bakit siya ganito ngayon.

Manyak siya kapag lasing! Argh! Sabing 'di ako si love at Samantha!

Hindi ako pinakinggan ni Dominic dahil hawak ang isa kong braso ay hinatak niya 'ko para lumapit sa kaniya nang sobra!

Mas nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat na dinulot ng paghatak niya. Dahil halos magka-height na lang kami ngayong nakaupo siya at nakatayo ako ay sapat na 'yung paghatak niya para magkaharap ang mga mukha namin! Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko alam ang gagawin ko! Naeestatwa ako sa hindi malamang dahilan!

Nakangisi lang siya pero halata sa kaniyang dahil 'yon sa sobrang kalasingan, at ewan ko ba kung bakit parang nag-iba siya bigla sa paningin ko. Hindi na siya 'yong Dominic na walang reaksyon dahil buhat pa kanina, nang pagkamalan niya 'kong ex niya, ay marami na siyang ipinakitang emosyon sa akin. Ngayon ko lang siyang nakitang gano'n.

0.0

Waaaa! Nakatingin siya sa labi ko! Lord, ano'ng gagawin ko?! Seryoso ba ang lalaking 'to?!

At bakit ba hindi ako makawala? Bakit hindi ako makagalaw, makakilos, o ano?! Bakit nakikipagtitigan ako sa bwisit na 'to e minamanyak na nga ako?!

"Yelo, bitiwan mo na 'ko please? Kinakabahan na 'ko sa'yo, e. Lasing ka lang..." Nanginginig pa ang boses ko nang sabihin 'yon sa kaniya. Hindi na 'to tulad no'ng sa lodge na inaasar niya lang ako dahil mukhang tototohanin niya ang pag-kiss sa 'kin!

Waaaaa! Tulong! May manyakis!

Dahil sa tagaktak na pawis kahit nanlalamig at matinding kaba, ang tanging nagawa ko lang ay mapalunok nang grabe. Ang tagal-tagal niyang tumititig sa labi ko at may pagkakataon pang napapakunot-noo siya na parang kung ano-ano pang kamanyakan ang iniisip bago isagawa ang plano niya! Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip niya pero ayoko na ring malaman kasi 'di nga ako makagalaw!

TT_TT

Bigla na lang nag-angat ng tingin si Dominic sa mga mata ko at sinabi ang...

"I love you, Samantha." Bago siya lumapit sa akin nang tuluyan!

Waaaaaa!

Napapikit ako sa sobrang kaba at takot pero sa isang malakas na pagtama ng kung ano sa balikat ko ay naimulat ko ang mga mata.

Walang nakalapit at nakahalik na Yelo sa 'kin dahil ito siya ngayon...

Nakahilig ang ulo at mahimbing na natutulog sa balikat ko. Nabitiwan niya na rin ang braso ko kaya malaya na 'kong makagalaw ngayon.

Tumaas ang isa kong kilay nang makita siya dahil hindi rin ako makapaniwala sa kapal ng mukha niya at talagang ginawa pang unan ang balikat ko. Masaya rin siya, ano?

Pero malaki naman ang ikinaginhawa ng pakiramdam ko dahil 'buti na lang hindi niya natuloy ang maitim niyang balak dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin sa 'kin ng pamilya ko kung nagkataon. Abot langit ang kaba ko kanina sa mga sinasabi't ginagawa niya kaya salamat naman at tahimik na ang lalaking 'to. Baka hindi ko rin kayanin ang galit ko sa kaniya kapag tinuloy niya 'yon.

School Playlist #1: Breakthrough [On-going]Where stories live. Discover now